Marianne

24 0 0
                                    

Mahal ko sya.

Kaibigan kita.

Mahal mo sya.

Magkaibigan tayong dalawa.

Wala akong magagawa.

Kahit saang anggulo talo tayo.

Talo ako.


__________________________

Nagsimula akong humanga sa kanya noong napanood ko syang mag basketball. hindi naman ako gaanong nahuhumaling sa lalaking nagbabasketball pero nakuha nya ang atensyon ko.


"Marianne! tara na! Tinatawag na tayo!" Sabi sakin ng kaibigan kong si natasya.


"Sige! " dali dali naman akong lumapit sa kanya.


Unang beses ko syang nakita at nakilala sa isang sport sa school namin. bukod sa kasama ako sa cheering squad ay assistant din ako, kami ni natasya. dagdag income din yun dahil may nakukuha akong pera dahil di naman libre ang tuition sa pinapasukan namig paaralan.



"Sila munang maiiwan sa inyo, gusto kong sundin nyo sila maliwanag ba boys?" sigaw ng coach nila na coach din namin.


"Yes! Coach Yes!" Sabay sabay nilang sabi.ni hindi manlang sya mgumiti gaya ng mga kaama nyang makukulit. minsan ko lang syang makita na nakangit tipid pa. Siguro ay noong pinagbubuntis sya ng nanay nya laging masama ang lob kaya ng lumbas sya ganyan. binaliwa ko na ang nasa isip ko. ang iingay na agad di pa man nakakaalis  ay ang iingay na. kaya naman sumigaw na ako.


"Oy magpractice di sinabing magharutan!" Sabi ko sa kanila napahinto naman silat ang nagkamot ng ulo.


"Ang liit liit mo ang lakas ng boses mo" sabi ni aire. isa sa pinakamakulit sa grupo nila.


'Oh bakit may reklamo ka? hala mga hijo mag sipagpractice na kayo!" nag umpisa naman silang magpractice. naupo kaming dalawa ni natasya sa cover court ng school namin.


"marianne ikaw muna mgabatay sa kanila ah, may pupuntahan lang ko saglit" tumayo ito at dali daling lumabas ng court, hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap nya. may naramdaman akong kakaiba, parang biglang sumikip ang pag hinga ko.


________________________


Naging busy ako. hindi na nga ako nakakapunta sa mga practice nila dahil nagpapractice din ako para sa next week na competition namin. nakapagpaalam naman ako sa gc at kay coach alam naman nya at naiintindihan ang sitwasyon ko kaya sa natasya muna ang nagbabantay sa mga kolokoy na iyon.


"Marianne! Set na tayo tara na!" tawag sakin ng coach ko. may ipinagagawa kasi ito sakin.


"last 2 3 4 5 6 7 8........ yes!!!" sigaw nila dahil nagawa ko ang pinapagawa nila. umikot kasi ako sa ere noong hinagis ako.


" ang galing mo talaga!" sabi sakin ni kuya joshua isa sa mgakaclose ko marami pang pinagawa sakin bago ako pinagpahinga. maaga pa las kwatro palang g hapon. may practice kaya sila?


Speak of sila nakikita ko silang pumasok sa gym. bigla akong nahiya nung tawagin ako para sa isa pang routine na gagawin.


"Uy Marianne!" tawag sakin ni aire. Napatingin sila sakin pati sya ay tumingin din kumaway na lang ako sa kanila. huminto sila mukhang may hinihintay.


"Marianne pakitaan mo nga ang mga yan" Pabulong na sabi sakin ni john ang side base ko umiling ako apat sila, dalawa sa gilid at tag isa sa likod at harap ko. nagbilang ang coach hudyat na magready na kami. ginawa ko yung prinactice ko kanila nakarinig naman ako ng hiyawan pagkababa ko.


"ohh shit~ ang galing moo........" kanya kanya nilang sigaw, napatingin ako sa kanya nakatitig sya sakin nawala ang ngiti ko ng umiling sya....bakit?


"Tama na iyan mag practice na rin kayo" tinanguan ang ni coach ngumiti ako. 


Ilang oras din kaming nagpractice. halos nga di ako makagalaw dahil feeling ko nakatitig sya sakin. 


Ala syete na kami natapos sila ay hindi pa. Ang alam ko meron silang laban sa ibang school sa susunod na araw. Nagsialisan na yung  mga kacheermate ko kaya tumayo ako at lumapit sa kanila. nakipagkwentuhan ako kay natasya puring puri ako ganoon din ang  mga kolokoy. natatawa na lang ako sa kanila.


Ilang araw ang lumipas, isang araw biniro ko sya , di ko naman alam na bukod sa masungit sya ay pikunin din pala.


"Ayoko ngang sumama sayo!" nanggigigil kong sabi kay aire.


"Saglit lang naman tayo! sasamahan mo lang ako...  pleassss" halos magmakaawa nitong sabi sakin at hila hila ako palabas ng gym. may dinaanan kasi ako tapos nakita ako nitong si aire na pilit akong sinasama.


"Ikaw na lang magisa! yan isama mo si labanos mamaya maissue tayo!" hila ko sa brasong pinupuluputan nya. nagkamot ito ng ulo at nagmamaktol, gutom na daw kasi sya at walang gustong sumama sa kanya.


"Ayaw nila akong samahan! sige na lilibre naman kita... kahit anong gusto mo!" Sabi nito.


Bigla namang kinuha ni rufus ang bag nya. " Let's go bago pa mabago ang isip ko" at nauna na itong naglakad sa amin. hindi naman magkandaumayaw si aire sa tabi ko at hinila akong sumunod kay aire.


ilan lamang iyon sa pagsusungit nya pero natutuwa ako dahil may ekpresyon pa rin naman pala ang tayong iyon kahit masungit at pikunin ay ayo lang sakin.


Hindi ko alam pero sa tuwing nagkaklapit kami o mapapatingin lang ko sa kanya, maririnig ko lang ang boses nya natutulala na ako. Ewan ba sa nararamdaman ko nagsimula lang ito nung mapanood ko sya. ayoko naman magkweto kay natasya kasi nahihiya ako, alam ko kasing may something sa kanilang dalawa . RUFUS CEYAN LURUSEO!  nakakabaliw kang isipin! hahayaan ko na lang itong nararamdaman ko lilipas rin ito.

The One I LovedWhere stories live. Discover now