----------------Kinabukasan hindi ako nakapasok kung bakit? Andito ako ngayon kama ko wala na si karl.
(Flash back)
Habang nalingpungatan ako. Kumuha ako ng tubig sa baba dahil nauhaw ako siguro 1 am na yun. Napatingin naman ako sa kwarto ko kung nasaan si karl ,titingnan ko kung kahit papaano humupa pero ng makita ko nanginginig ito kaya nataranta ako. Bumaba agad ako para kumuha ng bimpo at planggang may maligamgam na tubig.
Pagpunta ko sa kwarto nya dali dali ko itong pinunasan sobrang nginig ng katawan nya.
"Goshh! Hindi mo iniingatan ang sarili mo karl!!" Sermon ko pero alam kong di naman nya yun naririnig.
Hinubad ko na rin ang damit nya para mapunasan sya pero gosh akala ko payat at walang laman pero may abs sya namula ako ng bahagya . Erase erase hindi pwedeng pagpantasyahan ang may sakin marianne sabi ko sa sarili ko habang pinipilig ng ulo.
Pagkatapos sa katawan nya ay dun sa binti nya , hindi ko na pinakielaman yung nasa may gitnang bahagi baka kung ano pa ang makita ko.
Pagkatapos nun ay binanlawan ko ulit at nilagay sa noo nya medyo hindi na ito nanginginig di tulad kanina ay halos mamaluktot na ito.
Bumaba ako para ipagluto sya ng lugaw niramihan ko na para sa almusal ng mga kapatid ko. 3:00 na pala. Pagkatapos kong magluto umakyat ako dala dala ang isang mangkok na lugaw at tubig meron naman akong gamot sa kwarto.
Nang makapasok ako inilapag ko muna ang mga dala kong pagkain para maghanap ng damit naalala ko may naiwang damit si rubicon sigurado akong kasya yun sa kanya dahil magkasing laki lang naman nila.
Nang makahanap ako unti unti kong isinuot yun sa kanya at ginising muna para kumain at uminom ng gamot.
"Karl! Karl! Gising muna kumain ka para mainom mo itong gamot!" Naalingpungatan naman sya, hinipo ko ang noo nya medyo bumaba na pero may lagnat pa rin.
Tinulungan ko syang umayos ng upo dahil alam kong nanghihina sya.
"Salamat" namamaos nyang sabi.
"Ako na lang ang susubo sayo para makakain ka ng marami." Tumango na lang at di umangal . bawat subo na binibigay ko sa kanya kinakain nya naman kaya mabilis itong naubos.
"Sa susunod pag may nararamdaman kang di maganda magpahinga na kana, buti na lang at dito ka sa bahay kung nasa inyo ka ? Walang magaalaga sayo kaya please alagaan mo sarili mo ?" Mahaba kong sermon sa kanya sabay abot ng gamot at tubig .
"Im sorry, pero bat ganoon imbis na malungkot ako kinikilig pa ako sayo" natatawa nitong usal napairap naman ako may sakit na nga umiral pa rin ang pagkamalandi nito.
"Sige na, you should rest para bukas maayos kana!" Tatayo na sana ako ng magsalita sya.
"Pwede bang dito ka nalang muna?" Napatingin ako sa kanya. Nakahawak kasi ito sa kamay ko.
"Ok , just wait me here , ilalagay ko lang ito sa baba." Pagkasabi ko nun ay binitiwan nya ako staka ako lumabas bitbit ang pinagkainan nya.
Pagkababa ko uminom muna ako ng tubig bago bumalik sa kwarto. Nadatnan ko pa syang gising.
"Hey bat di ka pa natutulog ?" Tanong ko ng makapasok ako sa kwarto.
"Hinitintay kita, akala ko di na babalik." Medyo mahina nito sabi natawa naman ako dahil para syang bata. Naupo na ako sa may gilid nya umusog naman ito ng kaunti.
"Sige na! tulog na di ako aalis." Kaya naman tumango sya at pumikit nagulat pa ako dahil hinawakan nya ang kamay ko ang init nito.
Ilang minuto pa na ganoon ang posisyon namin, nakaupo ako sa gilid at sya naman hawak ang kamay ko. Kinuha ko lang ang phone ko para makapagpaalam na di muna ako papasok ngayon. Pagkatapos nun di ko namalayan na katulog pala ako.
YOU ARE READING
The One I Loved
General FictionLOVE, SACRIFICE and DESTINY. Ang saklap ng buhay, yung mahal na mahal mo yung tao, pero hindi s'ya para sayo, bakit ba kasi binigay ni tadhana kung ilalayo rin lang naman. LOVE, this is the reason why some of people getting happy and hurt. Syempre...