chapter 8

2 0 0
                                    

Chapter 8

Courting you.

Ilang minuto pa kami naglakad lakad para tumingin kami ng mga gamit.

"Kamusta naman kayo ni Rufus?" Biglang tanong nya sakin.

"Yun! Medyo ok naman" Pag aalinlangan kong sabi

Magsasalita pa sana sya ng may biglang tumawag kay karl, pareho kaming napalingon.

"Sabi ko sa inyo si karl yan 'eh, marianne?" Gulat na gulat si lex, natawa ako.

"Anong ginagawa nyong dalawa dito? Wag nyong sabihin na nagdadate  na kayo?" Makahulugang turan samin ni adrian.

Nawala ang ngiti ni aire.

"Baka naman nagkita lang sila kaya nagsabay?" Nakatitig nyang sabi sakin sabay baling kay karl.

"I already told you guys, nanliligaw ako kay marianne." Medyo naiiritang sabi ni karl sa mga ito.

"Hala ka! seryoso pala itong si karl na liligawan mo itong si liit alam na ba yan ni Natasya?" Tanong ni lex, si adrian naman inapiran si karl, si hangin walang imik.

Nakaroon kasi ng issue noon samin ni aire, lagi kasi ako nitong hila, hindi naman ako noon nagrereklamo dahil wala namang malisya iyon, pero noong may kumalat na balita na may relasyon kami, unti unti ko ng iniwasan si air, nagkagulo panga nood dahil sinugod ako ng girlfriend nya the rest is history.

Nagpasya silang tatlo na sumama nalang samin kahit na alam kung pilit lang na sumama si aire, kumain kami sa mang inasal sila nag unlirice habang kami ni karl yuung regular lang dahil kumain kami sa jollibee.

Nagsimula silang magkwentuhan, magkatabi kami ni karl samantala yung tatlo ay nasaharapan namin, nasa tapat ko si air, nagkwentuhan ang tatlo na akala mo ngayon lang nagsipagkita, natutuwa ako sa kanila, napasulayap ako sa harapan ko nakatitig pala ito sakin, napaayos ako ng upo.

"So kamusta pagtuturo mo ma'am?" Natanong sakin ni lex.

Natawa naman ako sa pagbanggit nya ng ma'am kuno sakin.

"Okay lang! medyo stress pero masaya, kayo anong buhay nyo na ngayon ikaw lex baka babaero ka pa rin ah" natatawa kong turan sa kanya, tumawa naman sila sa sinabi ko na nagpasimangot kay lex.

"Ako na naman nakita mo, hindi ako babaero 'no, kayo lang naman dalawa ni natasya ang babae ko noong college tayo." Madrama nitong sabi sakin, kinotongan naman ng tatlo si lex sumabay na rin si air.

"Ikaw adrian?" Baling ko dito.

"Magkakasama kaming tatlo magboboard exam " masayang sambit nito.

"Congrats sa inyo sana makapasa kayo, wag kalimutanang libre ah " masaya kong sabi sa kanila.

"Oo naman! Ikaw pa ba!" Sabi ni adrian.

"Saan ka nga pala nagtuturo?" Biglang tanong ni air sakin.

"Sa st.Lucas academy" sagot ko sa kanya na kinatango nya .

Kaunting oras pa kami nagkwentuhan bago kami umalis sa mang inasal at nagpaalam na dahil  gabi na rin. pumunta kami ng  parking lot para kunin ang kotse dahil madami dami rin ang pinamili kong school supplies.

Nang makarating kami sumakay na ako hindi ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako dahil nilagay nya na sa likod yung pinamili namin .

Pagkatapos ay sumakay na rin sya.

"Nagenjoy ka naman?" Tanong nya sakin.

"Oo sobra! Thank you for that, staka babayaran kita! Wag kanang angal!" Natawa Ito sa sinabi ko.

"No need! Ang mahalaga pumayag ka sa date natin, kahit pa may mga asungot na nangistorbo satin" medyo natatawa nito sabi sakin.

"Sa susunod ako na ang taya ok! Pag di ka pumayag walang sunod na date! Deal ba yun?" Naglahad ako ng kamay pa makipagdeal sa kanya, syempre hindi sya aangal , kung umangal man sya wala ng date na susunod, nakipagshakehand naman sya.

"Kulit!" Sabay paandar ng sasakyan nya, natawa ako dahil umiiling pa ito.

Hindi na ako umimik dahil medyo pagod na rin ako masakit ang paa ko kakalakad.

"Pahinga ka muna baka matraffic tayo mamaya." Hindi nga sya nagkami nang makaalis kami sa mall ay tumambad naman saamin ang mahabang traffic.

Habang matagal ang usad ay may tumawag sa kanya tungkol ata sa business kaya minabuti kong pumikit na lang at magpahinga.

Mga isang oras bago kami nakapunta sa bahay , gusto pa sana ni mama mag stay si karl pero nag insisted na mauuna na dahil may tumawag daw rito, wala namang nagawa kaya hinatid ko nalang sya sa labas.

"Ingat and thanks for the day! Thank you din dito!" Tinaas ko ang mga pinamili namin kanina, medyo mabigat pero keri naman syang dalhin.

"Ikaw pa ba? Malakas ka sakin!" He winked at me, Natawa ako dahil sa kalokohan nya.

"Sige na, goodnight text me when your already home!" Sabi ko dito.

"I will! Goodnight" sinarado nya na ang bintana.

Hinintay ko muna itong makaalis bago ako pumasok ng bahay, nakakapagod ang araw na ito, buti na lang tulog na sila mama, akyat na ako ata makapag pahinga, pero bago yun inayos ko muna ang mga pinamili ko. Pero bago ko pa maayos nalatulog na ako, bukas na nga lang ayusin.

The One I LovedWhere stories live. Discover now