Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9

AIR.

4:39, napaaga ata ako nang gising. inayos ko naman ang dapat ayusin. Ako na ang nagluto ng almusal dahil nga sa maaga ako bumangon, inihain ko na bago pa man ako natapos ay bumungad sakin si mama na gulat na gulat.

"Anak ang aga mo namang nagising? " lapit sakin ni mama.

"Oo ma kaya kumain na tayo baka lumamig pa itong mga niluto ko." Tinimplahan ko rin sya ng gatas dahil ayoko na magkakape sya nininerbyos kasi ito.

Usually si mama talaga nagigising ng maaga dahil inihahatid nya ang  kapatid ko. Half brother.

Nang matapos akong kumain ay naligo na ako sa kwarto ko, bago pa man mag alasais ay natapos na ako inihanda ko nalang ang mga dadalhin ko.

Nagtext na ako kay karl pero walang response so nagpasya akong umalis na kahit wala pa sya. Tinext ko ulit sya na umalis na ako ng bahay para hindi na sya pumunta pa.

Nagaabang ako ng tricycle sa kanto para maihatid ako sa sakayan ng jeep. Pagsakay ko buti nalang at medyo maaga pa at mabilis din ang pag takbo ni manong. Pagsakay ko ng jeep may ilang estudyante akong nakasabay na bumati sakin walang 15 minutes ay bumaba na kami. Nagsimula na rin akong maglakad papuntang faculty para maayos ko na ang mga gagamitin ko mamaya may report kasi ang bawat grupo.

Nang makapasok na ako sa room ay nakahanda na ang mga report nila maayos na rin ang mga upuan.

Unang nagreport ang grupo nila Jessica. Ang report nila is about to health fitness pinakita nila kung paano ang tamang exercise. Sunod ang grupo nila david, ang nangunguna sa kanila ay si david ang sa kanila naman ay kung paano gumamit ng first aid kit may nagdemo pa sa harap na pasyente. Pagkatapos ay pinaliwag ko pa sa kanila ng konti pa maintindihan nila nang maigi and then binigyan ko sila ng quizzes , wala namang nagreklamo dahil sanay na sila na after ng discussion ay may quiz parati.

Pagtapos ng klase ko sa isa pang section hudyat para sa lunch time nila mahigit isang oras at kalahati din kaya medyo makakain ng maayos isang pasukan nalang at pwede na akong umuwi pero bago yun aayusin ko muna ang mga gamit ko nagpaalam na rin isa isa ang mga estudyante ko.

Habang nagaayos ako may tumawag saking isang estudyante ko mula sa ibang section.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas!" Sabit sakin kaya naman dali dali akong lumabas ng room para makita ko kung sino pero laking gulat ko, hindi ko sya inaasang pumunta dito.

Nang makalabas ako ng tuluyan agad nya naman akong nakita ngumiti ito sa akin .

"Hi " unang bungad nito. Umalis na rin ang estudyante ko .

"What are you doing here Air?" Yun agad ang bungad ko sa kanya.

"Ang sungit mo pa rin" natatawa nito turan saakin .

Hindi ko inakala na pupunta sya dito, kaya nya ba tinanong para puntahan ako.

"Ikaw ang sadya ko , pwede ba tayong magusap?" Nakatinging tugon nito saakin.

Hindi pa rin nga pala ako tinitext ni karl baka busy talaga ang mokong.

"Suree, Pero may klase pa ako. " medyo nahiya kong sagot sa kanya.

"I can wait !" Masaya nitong sambit.

Di ko alam sasabihin ko pero siguro ibibilin ko nalang sa class president gayong report at konting quiz lang naman.

"Hintayin mo ako sa cafeteria, susunod ako dun ilalagay ko lang sa faculty mga gamit ko " sambit ko bago ako tumalikod at kinuha ang gamit ko.

Bago pa man ako makalabas andun pa rin sya naka tayo.

"A-ah" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"I don't know where the cafeteria is?" Sabay kamot sa batok, napahiya naman ako dun.

Tinuro ko sa kanya yung cafeteria medyo marami marami pang kumakain kaya naman crowded ang area.

Nagmadali akong pumasok sa faculty. Ni hindi ko na nga napansin ang ibang bumabati sakin gayong nagmamadali talaga ako. Punta ako sa room na dapat tuturuan ko ngayon buti nalang at nasa labas ang president nila kaya naman kinausap ko kung anong dapat gawin nila at nagpaalam na ako dahil nga may naghihintay sakin.

Nang matapos ay dumeretso na ako sa cafeteria ,medyo humupa na ang estudyante dahil madali lang naman ang oras.

Nakita ko sya sa isang gilid kaya naman pinuntahan ko na dito. Ngumiti sya ng makita ako.

"So anong paguusapan natin?" tanong ko sa kanya.

"Kain tayo sa labas my treat" Masaya nitong usal.

"Lunch date?" Pinaninkitan ko pa ito ng mata.

Tawa lang ang tugon bago tumayo.

"Paano ka pala nakapasok dito?" Dahil hindi pwedeng pumasok ang mga outsider.

"Ako pa ba? Malakas ako 'eh"  dinemo pa nya na parang si mr. Muscle sya.

"Bagay nga pangalan mo sayo!! HANGINNNN" sigaw ko dito , naglalakad na kami sa exit nang eskwelahan na pinapasukan ko ng makarating kami sa may guard ay nag salute sa kanya yung gwardya sya naman ay tumango habang nakangiti.

Napatingin ako sa kanya na sinusuri sya.

Kinindatan nya lang ako at hinila sa kotse nya, asensado na talaga ang  mokong na 'to, dati lang ay nangangarap lang sila pero ngayon alam kung may sari-sarili na itong sasakyan.

Hindi naman naging mahirap ang byahe dahil sa yellow cab lang naman kami sa may municipyo sa bayan.

Pagkababa namin ay nakakuha agad ako ng upuan sya naman ay pumunta na sa counter para umorder ng pizza.

Wala pang ilang minuto andito na order nya na dalawang box na pizza with pangtatlong taong fries at meron pang iba.

"Mauubos ba natin 'to?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Para sayo talaga lahat yan para naman tumangkad kana" sabay tawa nito. irirapan ko lang pero napangiti rin ako.

"Ewan ko sayo!" medyo pagalit pero nakangiti kong usal sa kanya.

"Hindi ko po kasi alam ang gusto mo po kaya lahat ng nakita ko ay ay inorder ko na" Nangamot sya sa ulo nya.

Natawa ako pero wala naman akong magagawa dahil naorder nya na. kumain nalang kami, busog na busog ako kabang nagpapahinga kami.

-------------------

The One I LovedWhere stories live. Discover now