Chapter 4: Heroes of Orthil [REVISED]

842 43 77
                                    

*Ean

- Lakserf

Bumuka nang pagkalaki-laki ang bibig ko sa paghikab habang nakapangalumbaba. Tanging sa bintana lang nakadungaw ang namumungay kong mga mata na pinipilit ko na lang imulat sa antok. Dama ko na sa oras na manatiling sarado ang mata ko, kahit isang segundo lang, ay makakatulog ako. I'm so board dam and slippery.

"Woooh!!!"

Sa isang iglap ay napabalikwas ako sa aking inuupuan nang bigla na lang naghiyawan ang buong klase. Doo'y agad nawala ang antok ko habang tila isa akong nawawalang bata at hindi alam ang nangyayari. Lahat ng kaklase ko ay suot ang mga wagas na ngiti. Ang iba pa nga ay pumapalakpak pa habang ang iba'y may kanya-kanyang sinasabi na halata ang galak sa mga katabi nila. Nagmistulang sabungan ang silid dahil sa mga kaklase ko. Sasabihin nila kami ni besprenning ang unwitting duo kahit hindi naman kami nagwiwitting, eh sila pala 'tong akala mo nagsusugal.

"Uy!" Mahina kong bulalas nang matamaan ang sentido ko ng isang maliit na papel. Agad akong napalingon sa kanang gawi ko at agad ako napasimangot sa nakita ko. Ang panget!

Ilang silya man ang pagitan namin sa isa't isa ay kitang kita ko kung paano ako pagtaasan ng kilay at titigan ni Violet. Gamit ang dalawa niyang daliri ay nilapit niya ito sa pareho niyang mata saka naman iyon tinuro sa akin. Mukhang naghahamon na naman ang isang 'to.

"You readable the pepper," pagbasa ko sa buka ng bibig niya kaya agad kong pinulot ang papel na binato niya sa akin.

You counter your days. I'll told this only ounce. So lessen with care. I. Crush. You.

Kikilabutan na sana ako sa mensahe niya nang mapansin kong binura niya pala ang parteng iyon. Paano ko nalaman? May bakas ng basa ang parteng iyon. Dinilaan na naman ata niya. Ang baboy talaga.

Eeew! Wait, dot sound wrong turn. What I'm toldering is you must be--

Natigilan na naman ako nang nakailang bura siya. Pero kitang kitang-kita ko pa rin ang bakas ng mga binura niya.

Prepar-- prep-- pre--

Basta paghandaan mo ang araw na iyon.

Agad akong tumingin kay Violet na masama pa rin ang titig sa akin na sinuklian ko nang simangot. Sinayang ko ang ilang segundo ko sa mensahe niya na walang scent. Hindi pa masulat nang ayos ang gustong sabihin. Simpleng prefer hindi mai-spell.

"That's enough, class. I know all of you are excited but listen to me first," pag-agaw ng aming guro sa aming atensyon at unti-unti namang kumalma ang sabungan-- ang klase pala. "It's your last and sixth year here in the academy, and I know you're all fully aware that this has been an annual tradition in Magicus class. But I hope you still remember the purpose of this special day, the Demonstration day."

Kung hindi pa nabanggit ng aming guro iyon ay hindi ko pa maaalala na nalalapit na pala ang Demonstration day. Ang araw kung saan naipapamalas naming mga estudyante ng Magicus ang aming mahika sa pamamagitan ng mga dwelo. Sabi na nga ba eh, kaya pala kalebel ng sabungan ang hiyawan kanina, may sabungan pala talagang mangyayari. At kaya pala naghahamon na naman si Violet, ito pala ang tinutukoy niya.

"I'm going to say it again, the Demonstration day is not for boasting your might in magic nor is it a competition, but a day to showcase your growth and remind you of how powerful your magic is. That with this magic you've acquired, is accompanied by a huge responsibility to only use it for good," pagpapatuloy ng aming guro habang kitang-kita ko pa rin ang kinang sa mga mata ng kaklase ko. "Even I am looking forward to this day. And I hope everyone would enjoy. Class dismissed"

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon