Chapter 6: Gem of the Lightning Flash [REVISED]

752 43 55
                                    

*Ean

- Lakserf

Hindi mahulugang karayom ngayon ang malawak na school gym ng Valin. Kapansin-pansin din ang ilang banderitas sa dingding bilang dekorasyon at pagpupugay sa importanteng okasyong nagaganap ngayon.

Wala akong ibang naririnig kung hindi ang nakabibinging hiyawan. Lumingon ako sa aking likuran at doo'y kitang-kita ko kung paano iwagayway ng ilang tigapanood ang hawak nilang pahabang lobo at ang ilan naman sa kanila ay kinukumpas ang makukulay na bandila. Malapad ang mga ngiti sa kanilang labi, ngunit ang iba nama'y prenteng kumakain lang ng popcorn at tila sinusuri maigi ang kaganapan sa gitna ng gym.

"And we have a winner!" Anunsyo ng lalake sa gitna. Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga tao habang ako ay napabuntong hininga na lang.

Oh, my Laksen, my boredom is up in the heir! Kating-kati na ako matapos 'to. Sabi ko sa aking isip. Pang-ilang duwelo na rin kasi itong nakita ko ngayon para sa demonstration day. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin maubos ang enerhiya ng mga nanonood.

Matapos alalayan ng mga nakahandang medical team sa gilid ang natalo, kaagad na pumuwesto ang punong-abala sa tabi ng nanalo upang muling ianunsyo ang pagkapanalo nito.

"Congratulations, once again," untag nito habang lumalayo na sa stadium. Sa isang kurap ko lang ay agad naglaho ang malalim na butas sa sahig nito at bumalik sa dati na tila walang nangyari. Bahagya akong napangiti nang makita 'yon. Mas masaya pang panoorin ang biglaang pagbabago sa stadium kesa sa mga duwelo eh. Kanina pa ako namamangha doon. Iba talaga ang nagagawa ng Cyber Magic. "And now we proceed to our next match!"

Sa inanunsyo nito ay napaangat ang tingin ng lahat sa isang holographic screen sa gitnang dingding ng gym. Doo'y kitang-kita namin kung paano mabilis na napapalitan ang mga litrato naming kalahok. Pinagmasdan ko ang mga kasamahan kong estudyante ng Magicus. Halatang kabado't takot sila sa posibilidad na sila na ang susunod na makikipagduwelo. Sa tagal na rin kasi ng itinakbo ng okasyong ito, nangangalahati na kaming natitira dito sa harap na bench.

"Huwag si Ean. Huwag si Ean. Huwag si Ean."

Biglang nagsalubong ang kilay ko matapos kong marining ang tila orasyon na binabanggit ng nasa kanan ko habang tutok na tutok sa screen.

"Itapat niyo na ako kahit kanino huwag lang kay Ean."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at napakamot na lang ng ulo. Bigla naman ay napagtanto ko na wala siya ngayon. Sinubukan ko siyang hanapin sa mga kasama ko rito sa bench, pero hindi ko siya nakita. Nasaan kaya si Violet? Lakas manghamon, hindi naman pala kaya panindigan. May tawag diyan eh. Cure monstrosity kills a cat, and so are you.

"Dinala siya sa clinic kanina lang," bahagya akong napapitlag nang isang lalake ang biglang nagsalita sa kaliwa ko. Nakahalukipkip ito at nakapako lang ang tingin sa screen. Kita ko pa ang repleksyon ng mga ilaw sa suot niyang salamin. "Masakit daw ang tiyan."

Nagtataka man kung paano niya nabasa ang isip ko ay tumango na lang ako. "Kaya naman pala. Teka, sino ka--"

Muling umalingawngaw ang malakas na sigawan na siyang pumutol sa sasabihin ko.

"Hala! Ako na ang susunod! Teka, parang kinakabahan ako," sabi ng babaeng may pula't mahabang buhok at maamong mukha. Kung titignan ay para siyang mahinhin at tipikal na babae, pero doon nagkakamali ang lahat. "Kasi kanina alam niyo nanaginip ako. Tungkol mismo sa demonstration day. Alam niyo kung ano nangyari? Diyos ko, hindi kayo maniniwala! Kasi ganito, may--"

"Ignity, stop, look, and listen. You're nutting a shoulder, so come down," putol ko sa mahaba niya na namang litanya bago pa kami abutan ng madaling araw dito. "Tignan mo," dagdag ko sabay turo sa stadium. "Andoon na kalaban mo, ikaw na lang hinihintay."

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon