Chapter 13: Moonlight Hazard [REVISED]

572 39 46
                                    

*3rd Person PoV

- Castrafort

Yumanig ang mesa nang malakas itong hinampas ng isang lalake dahilan para sabay-sabay na mapayuko ang mga lalake sa kanyang harapan. Bakas sa may katandaang lalake ang gigil sa mga nanlilisik niyang mga mata. Sa inasta nito ay alam ng kanyang mga tauhan na hindi siya naging masaya sa ibinigay nilang balita sa kanya.

"Useless!" Dahil na rin sa katahimikan ng gabi ay umalingawngaw sa buong lawak ng opisina ang boses nito. "You are all useless!" Dagdag pa nito. "How!? How did it happen!?"

"W-we're sorry, sir." Nag-aalangan man ay humingi ng paumanhin ang isang lalake bilang panimula na rin sa kanyang paliwanag. "According to FieldBanks, they'll continue to investigate this matter. But-- ehrr... sir, the bank tellers, guards, everyone present on that day said the same thing. They saw you and actually interacted with you to withdraw the money." Akmang bubulyawan na ang lalake nang pangunahan niya ito. "B-but we've taken actions regarding this matter, sir! We have already made sure that everyone who spoke are to lose their job!"

"And you think that will help bring my million dollars back!?" Singhal ng matandang lalake rito pabalik na nagpatahimik rito. "Damn this thief!"

Pasalampak na lang na napaupo ang matandang lalake sa kanyang upuan saka napaisip. Hindi ito makapaniwala na umabot na sa milyon ang nawalang pera sa kanya dahil lang sa kagagawan ng isang magnanakaw. Bali-balita na noon pa sa siyudad ang biglaang pagkawala ng mga pera sa bangko at halos lahat sa mga ito ay pagmamay-ari ng mga malalaking kumpanya o mayayamang tao. Gayunpaman ay wala pa ring nakakaalam kung sino ang may kagagawan nito at patuloy pa ring nireresolba ng mga bangko.

Kinuha ng matandang lalake ang ilang papeles sa kanyang mesa at doo'y napuno na naman siya ng galit dahilan para mapakuyom siya ng kamao. "This is getting out of hand! Every reports regarding huge amount of money missing said the same thing! It was the account owners themselves who went in and withdrew their money!"

Nang malipat ang tingin niya sa isa pang papel ay kitang-kita niya ang imahe mula sa CCTV footage at doo'y nakita niya ang kanyang sarili sa loob ng FieldBanks. Tinignan pa nito ang ilang imahe galing sa mga CCTV footages ng mga may kaparehong kaso. How can someone look exactly like these bank account owners? And to even be aware of confidential information?

"S-sir, if I may, there's also something--"

"If it's another bad news then I don't want to hear it right now," putol nito sa sasabihin ng kanyang tauhan.

"On the contrary, I think you might want to hear this," sagot nito dahilan para mapukaw nito ang atensyon ng matandang lalake. Pinagsiklop ng matanda ang kanyang mga kamay saka pinatong ang kanyang ulo rito. Tila naging isang hudyat iyon para magpatuloy ang kanyang tauhan. "Reports of our patrolling soldiers during curfew hours are saying that they're seeing him loitering around the city." Naningkit ang mata ng matandang lalake sa kanyang narinig. "Our men hasn't done anything yet aside from observing his unusual and reckless actions these past few nights, but it seemed like he's a bit different wandering aimlessly while asking several people around about a certain place."

Kumawala ang bungisngis sa matandang lalake at napailing. "What's my favorite project and his gang up to now? Or has he actually gone mad?" Pinaikot nito ang kanyang upuan upang tumalikod. Sa taas ng kinalulugaran ng kanyang opisina ay doo'y nasaksihan niya ang halos kabuuan ng buong Castrafort, ngunit ang umagaw ng kanyang atensyon ay ang maliwanag at bilog na bilog na buwan. "Tell the soldiers to be wary. He's surely up to something." Pahayag nito habang patuloy na nabibighani sa buwan. "But if ever they get the chance, tell them not to hesitate to bring him to me."

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon