Chapter 8: Disappointment [REVISED]

669 41 88
                                    

*Ean

- Lakserf

Malalim na ang gabi at halos wala nang taong makikita sa central park ng Orthil. Ang mga tindero't tindera na lang na nagliligpit ng kani-kanilang paninda ang nakikita ko. Malamig at tahimik ang paligid. Dahil dito ay nakakuha ako ng tiyansang makapag-isip matapos ang aking mga nalaman.

Ayon sa mga impormasyong nakalap ko kanina sa computer room ay may kakaibang mahika't enerhiya raw nararamdaman ang mga Mysticium Seniors. Sapat na dahilan na iyon para mabahala ang lahat. Alam naman ng nakararami na may pambihirang paraan ang mga Mysticium upang makaramdam ng mga hindi pangkaraniwan dahil sa kanilang mystic magic, isa na nga rito ang dark magic.

Nabasa ko sa isang report ni besprenning na hindi pa rin daw nila matukoy kung dark magic nga ba ang sanhi at pinagmumulan ng kakaibang enerhiyang nararamdaman nila. Maski nga raw ang eksaktong pinagmumulan nito ay hindi pa rin nila malaman, ngunit kung dark magic nga ang dahilan ng lahat ng ito, siguradong nasa panganib na naman ang buong Orthil. Nakakatakot isipin na maaaring maulit mula ang pagsalakay ng mga dark magic users dito sa aming bayan.

"My besprenning!?" Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang pamilyar na boses. Gulantang man ay binato ko siya ng isang ngiti sabay tango. "I knowed it was you not me what I feeling when I go, grow, glow to this direction!"

Napailing ako sa sinabi niya habang tinatabihan niya na ako rito sa bangkong inuupuan ko. "What happener to you, my besprenning? Anong go, grow, glow? Kailan pa nagkaroon ng plantasyon dito sa park?" Bumungisngis siya't napakamot ng ulo dahil sa pagtatama ko sa kanya. Matagal na kaming magkaibigan, pero marami pa talaga siyang bigas na babayuhin para makaabot sa lebel ng englishiner ko.

"What you doer here? You're a lawn, are you ok?" Pangangamusta nito sa akin.

"Oo naman, ako pa ba?" Sagot ko rito. "Hinihintay ko lang si Shion. Hindi ko nga alam bakit bigla niya ako gusto makausap. Dito pa sa park. Minsan naghihinala na rin talaga ako sa pading na 'yon."

"Ehem!"

"Oh dang it!" Napatayo kong bulalas nang bigla na lang sumulpot sa likuran namin ang malakas na pagtikhim ni Shion.

"Oh dang it? Ang sosyal ng pagkagulat mo ah!" Iritadong puna nito sa akin na halos pandilatan na ako sa inis.

"Ah-- p-pareng Shion! Andiyan ka na pala..." kamot ulo kong sabi sa kanya habang naiiling siya. Sa paglipat ko ng tingin sa tabi niya ay doon ko lang napansin na may kasama pala siya. "Uy, Jedi! Andyan ka rin pala."

"Yeah," maikli nitong tugon na kinakunot ng noo ko. Hindi ito ang pangkaraniwang sagot ni Jedi sa tuwing binabati siya, masiyahin at mabait itong si Jedi. May problema kaya sila? "I'm glad you made it here as well, Gelo."

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jedi. "T-teka..." imik ko habang may namumuo nang ideya sa isip ko.

"Oo, my besprenning, tama 'yang naiisip mo," pangunguna sa akin ni Gelo. "Kaya ako nandito kasi sinabihan ako ni Jedi."

"H-huh? Bakit? Ano meron?" Buong pagtataka ko.

Ilang segundo pa lang ako naghihintay ng sagot mula kay Shion at Jedi nang makarinig kami ng nakakairitang boses ng babae na akala mo gumagawa ng eksena rito sa park. Agad akong napasimangot nang mapatingin ako sa direksyon ng pinanggagalingan ng ingay.

"I the servings an explainage, I the servings an acceptable reason! Bakit ba kinakaladkad mo ko rito?" Sukdulan talaga pagkaengot nitong si Violet, explainage daw. Wala naman sa misyon para magkaron ng explainage. Oh well, what do you expect? Oh, 'wag kayo, may pa-expect na ako ngayon. "Bakit ba hindi mo matanggap, Rake, na hindi kita type at--"

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon