Chapter 19: Mafia for a Reason [REVISED]

459 31 26
                                    

*3rd Person PoV

- Castrafort

Mula sa maingay at maraming tao na kalye ay makikita ang isang lalake na may inis sa kanyang mukha. Umiiling na nakatingin si Jake sa isang binatang nauuna sa kanya na humuhuni at tila walang pakialam sa paligid. Gayunpaman ay pinananatili niya ang ilang metrong distanya niya mula kay Dim bilang parte ng kanilang imbestigasyon.

Pasimpleng pinindot ni Jake ang earpiece niya saka mahinang nagsalita. "Hoy, Dim. Lumiko ka na sa eskinita diyan."

Natunghayan niya ang biglang paghinto ni Dim saka lumingon sa nasabi nitong eskinita. Bahagyang nataranta si Jake nang lingunin siya ni Dim at tinuro ang eskinita na tila humihingi ng kompirmasyon. Agad niya itong sinenyasan at doo'y agad nang lumiko si Dim.

Muling umiling si Jake at pinakalma ang sarili. Kung ganito ba naman ang makakasama mo, ewan ko na lang kung hindi masira araw mo.

Napagigitnaan ng mataas na gusali ang daan ng eskinita. Marumi ang paligid dahil sa nagkalat na mga plastic, ngunit hindi gaya sa kalyeng pinanggalingan nila ay tahimik dito. Tanging sila Dim at Jake lang ang makikitang naglalakad at kinuha na ni Jake ang pagkakataong iyon upang paalalahanan ang kanyang kasama.

"Dim, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang magpahalata na magkasama tayo. Mabubulilyaso ang plano sa ginagawa mo eh," pangangaral nito.

"Ay sowwy po, tuya. An thaya thaya to tathi thinama niyo ato tha mityon niyo! An athtig to!" Bulalas nito at napatakip na lang ng mukha si Jake dahil sa sakit ng ulo.

Hindi nila inaasahan ay bigla na lang lumikha ng sunod sunod na ingay ang maliit na device mula sa bulsa ni Jake. Kusang napalingon sa kanya si Dim nang may pag-aalala. Agad na nilabas ni Jake ang nasa bulsa niya at nanglaki ang mata niya sa kanyang nakita.

"Did you guys get it!?" Nag-aalalang himig ni Hope ang kanilang narinig mula sa earpiece na suot nila. Agad na tumakbo si Dim palapit kay Jake.

"Ano 'yon, tuya!? Ano nanwayi tha tamuta ni tuya Taeyum?" Nag-aalalang sabi ni Dim na inilingan lang bilang sagot.

"Nasa panganib si Ean? Hope, mache-check mo ba kung nasaan siya ngayon?" Pakiusap nito kay Hope at saglit na naghintay ng sagot.

"He's just a few meters away from the park. Neesha, Caelum, you need to--"

"Y'all should stop worrying about that sh*t. He's probably just goofing off like he always do," pagsingit ng kalmadong boses ni Caelum.

"Hindi, alam kong nilinaw ko sa kanya na gamitin lang ang distress signal kung sakaling nasa panganib siya. Imposibleng trip niya lang 'to," hindi pagsang-ayon ni Jake sa pahayag ni Caelum. "Kailangan niyo siya puntahan, Caelum. Kailangan niyong--"

"Hey, there!" Hindi naituloy ni Jake ang kanyang sasabihin nang isang lalake ang umagaw ng kanilang atensyon ni Dim. Isang lalake na kaswal lang na naglalakad palapit sa kanila habang winawagayway ang isang kamay at ang isa'y nakapasok sa bulsa nito. Nagtaka si Jake sa biglaang pagsulpot nito. Huminto rin naman ang lalake ilang hakbang malapit sa kanila.

"Who are you?" Tanong ni Jake habang matamang pinapakiramdaman ang lalake.

"I'm sorry for the trouble, but I'm looking for someone," pangungusap ng lalake na hindi binigyang pansin ang tanong ni Jake. "Might you guys know a man who look like this?" Inangat ng lalake ang kamay niya mula sa bulsa at pinakita ang kanyang cellphone. Doo'y nakita nila Dim at Jake ang isang pamilyar na mukha dahilan para manlaki ang kanilang mga mata. Napauyam ang lalake sa naging reaksyon ng dalawa. "I take it that you know this guy based on your reaction."

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon