Chapter 11: Shattered Image [REVISED]

658 44 66
                                    

*Ean

- Castrafort

Anong klaseng buhay 'to? Gusto ko nang maiyak. Napadpad ako dito sa kung ano mang lugar 'to nang may buwan pa, ngayon tirik na tirik na ang araw at heto, nasa gitna pa rin ako ng daan. Nanglilimahid na ako. Init na init na ako. Pakiramdam ko didikit na sa akin ang kahit anong papel dahil sa panlalagkit ko.

Castrafort city? Hindi ko talaga alam kung saang parte ng Lakserf 'to. Minsan ko na ngang naisip na baka wala na nga ako sa mundong kinagisnan ko pero pilit kong pinapalakas ang loob ko. 'Wag naman sana. I don't no what to doer ear anyknorr.

Hindi ko rin alam kung ano ang meron sa lugar na 'to, pero may mga armadong lalake ang humabol sa akin kagabi. Mabuti na lang at nakatakbo't nakapagtago agad ako. Akala ko talaga magiging katapusan ko na, lalo na ngayon na ang saklap na kahit anong pilit kong paganahin ang magic ko ay hindi ko magawa. Bihasa naman na ako sa pagmamanipula ng mahika pero wala talagang nangyayari sa tuwing sinusubukan ko ang ginagawa ko naman noon. Walang lumalabas na kung ano. Nauutot lang ako eh.

Tulad ng kanina ko pa ginagawa, pinapalibot ko ang aking tingin sa dinadaanan ko, umaasang sana ay makakita ako ng pamilyar na istraktura o mukha man lang. Kaso wala talaga eh. Wala akong kakilala ni isa, ang gagara pa ng mga damit nila. Puro matataas na buildation lang at kotse ang nakikita ko. Naks alam ko na tawag doon sa makinang astig.

Sa paglibot ko ng tingin sa paligid ay nakakita ako ng isang lugar na wala gaanong buildation. Madamo ang lugar na iyon at may mga matataas na puno rin. Madami ang mga taong tumitigil doon at halata sa kanilang mga mukha na masaya sila. Iyon na siguro ang park nila.

Nang akmang magtutungo na ako sa park ay bigla jong narinig ang pagkalam ng tiyan ko. Kagabi pa ako wapang tigil sa paglalakad kaya hindi na rin nakakapagtaka na ginugutom na rin ako. Tapos 'yung hininga ko, amoy gutom na. Buti na lang sa pagkapa ko sa aking bulsa ay dala ko pa pala ang pitaka ko. Nagtungo na ako sa park, nagbabaka sakaling may mga nagtitinda doon ng pagkain. Brick muna ako sa paghahanap ng paraang makabalik sa Orthil.

Nakasalubong ko ang batang sarap na sarap sa pagkain niya ng hotdog sandwich. Gusto ko nang hablutin sa bata 'yung pagkain niya at sipain siya palayo nang makakain na. Pero hindi ko ginawa. Hindi pa naman ako masama para gawin 'yon. Naisip ko lang. Hindi ako tulad ng kamukha kong walang puso. Ayan naalala ko na naman siya, my heed is hotting.

"Miss, dalawang orderings nga po ng hotdog sandwich," sabi ko sa nagtitinda na hindi man lang pinansin ang mga nakapila. Lumayo din naman sila sa akin nang makalapit ako sa stand nitong tindahan eh. Pinagtatawanan nga nila ako tapos parang tinuturo nila ang suot ko. Ang gwapo ko kaya sa suot ko.

Ilang sandali lang ako naghintay ng orderings ko at binigay na ito sa akin ng babae. "Sir, eto na po 'yung order niyo. Bale 40 pesos po lahat."

Dinukot ko na ang pitaka ko at kumuha ng barya-barya saka ko pinatong iyon sa harapan ko. Akmang aalis na sana ako nang pigilan ako nito sa paghawak sa aking braso. "Sir, anong klaseng pera po ba 'to? 'Wag niyo nga po akong pinaglololoko. Eh, parang token lang 'to sa mga arcade eh."

"Huh? Pera 'yan! Hindi mo ba nakikita? Ano akala mo sa akin? Four? Hindi, ah! Brook lang ako ngayon kasi hindi ko alam kung nasaan ako," depensa ko sa aking sarili. Gusto nang lamunin ng bibig ko ang hotdog sandwich na hawak ko sa magkabila kong kamay, pinipigilan lang ako nito eh."Tsaka ano bang token ang sinasabi mo? Kita mo ngang gising na gising ako, sasabihin mong token ako?"

"Sir, 'wag naman po tayong maglokohan dito. Bayaran niyo na po ang mga binili niyo. Kung hindi niyo mababayaran, ibalik niyo na la-- SIR!" bulalas niya kasi sunud-sunod na subo na ang ginawa ko. Ang tindi kasi ng babaeng 'to. Binayaran na, naghahangad pa ng mas malaki.

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon