Chapter 12: Destined Encounter [REVISED]

618 44 32
                                    

*Ean

- Castrafort

Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang, maaaring higit pa. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong namamalagi sa siyudad na 'to na parang nawawalang pusa. Grabe, awang-awa na ako sa sarili ko. Kailanman ay hindi ko pinangarap maging pulubi, pero nagmimistulang pulubi na talaga ako.

Buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan mangalakal ng mga pagkain sa basurahan, pero napilitan akong gawin iyon nitong mga nakaraang araw. Pati nga ang pagtulog sa basurahan ay nagawa ko na. Maari ka, may mga cu-- curf-- cure few? Basta nalalapit diyan 'yung meron sila dito. May mga rumorondang sundalo tuwing gabi kaya napipilitan ako magtago sa basurahan. Lagkit na lagkit na ako. Ang baho-baho ko na. Mahabaging amang Laksen, gusto ko na ulit maramdaman ang malambot kong kama at makapaligo ulit.

Nang mapadako ang tingin ko sa mag-inang masayang pumapasyal dito sa bayan ay agad ako napalunok habang mag-isa akong nakaupo sa bangko. Ramdam ko na nagsisimula na akong maglaway doon sa hawak na tinapay ng bata. Lalo akong natakam nang makita kong may palaman pa pala 'yong chess at booger. Agad na kumalam ang tiyan ko dahil dito.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo!?" Nagulantang ako nang bigla akong sitahin ng nanay dahil sa pagtitig ko sa hawak ng anak niya. Inirapan ako nito saka dali-daling lumayo sa akin habang hatak niya ang kanyang anak.

Hindi ko napigilan ang mapailing. Ito pa ang nalaman ko sa lugar na 'to. Talamak ang masasama ang ugali't masasamang loob dito. Ilang beses na ako sumubok na magtanong, pero wala ni isa ang sumagot nang ayos sa akin. Meron man ay naramdaman ko na may balak silang gawin sa akin. Tulad na lang noong muntik na akong madala sa kuta ng mga bentahan ng laman. It's ano-- it's-- itsy bitsy spider.

Muling kumalam ang tiyan ko at iyon na ang naging hudyat para tumayo na ako. Oras na siguro para maghalungkat na naman ako ng basura. Diyos ko po, ayoko na! Ang saklap saklap na ng pinagdadaanan ko rito!

"Tuya Taeyum!" sigaw ng isang lalake malapit sa akin kaya agad ako natigilan at napatingin. Nakatingin sa akin ang maliit at medyo payat na lalake wari ko rin ay nasa edad 16 o 17 pa lang siya. Nagtataka man ay pinagsawalang bahala ko siya at naglakad na ako palayo.

Dinig kong muli siyang sumigaw, ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Hanggang sa makaramdam ako ng tapik sa aking braso. Laking pagtataka ko na ako pala talaga ang tinatawag niya. Tuya Taeyum? Huh?

"Batet hindi ta namamanthin, tuya Taeyum? Tanina pa ato tawad nan tawad tha'yo." Kusang umarko ang pareho kong kilay sa mga sinabi niya. Hala, siya lang ata nakaintindi ng sinabi niya.

"H-huh!? Ano?" takang tanong ko na nakabusangot na ang mukha kakaisip sa mga sinabi niya. "What kinder of lenggua de gato is dot you spokening?"

Siya naman ngayon ang napakunot ng noo sa sinabi ko. Akala niya maiisahan niya ako, ah. Don't me when I am hunger. "Hoy, tuya Taeyum, ano 'yan thinathabi mo, huh? Waya ato naintindihan."

"Wala kang naintindihan sa sinabi ko? 'Yun ba sabi mo?" tanong ko pabalik sa kanya na tinanguan niya lang. Doon ko nakumpirma na may diperensya lang pala siya sa dila. "Pwes, quits tayo! Wala rin akong maintindihan sa sinasabi mo. May sa iguana ba 'yang dila mo?"

"Ay, an thama mo tayada, tuya--" Bigla siyang natigilan sa sinasabi niya na may pagtataka. "Teta na tuya, batet ta hindi nad-iindlith?" Imbis na sagutin siya ay inisip ko maigi ang gusto niya iparating. Daig ko pa nagbabasa ng mga code code ng mga tiga Zoidiac sa pananalita ng batang 'to. "Tuya, ano na? Tinatanon taya tita!"

"Teka, teka, I'm sunkened in my bren what you tolderings me. I beg your pard--- pa-- parish? Hindi ko kasi naintindihan." Nahirapan na ako sa sinasabi ko kaiisip sa ibig niyang sabihin. Ewan ko na kung nasapian lang ba 'to o nabinat noong bata. O kaya baka naman nanuno ang dila noon.

IdenticalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon