Chapter 24

55 7 0
                                    


Chapter 24

Confused

"DARE kita." Sabi ni Althea. Inirapan ko siya saka tinuon ulit ang sarili sa TV. Nandito siya ngayon dahil may SleepOver kami. "Dali na!"

"Ano ba kasi yun?" Sabi ko at hinarap siya.

"Mention mo siya sa isang tweet. Daliii!" Sabi ni Kupal.

Tumungo ako dahil madali lang naman. Hmp lalakasan ko na yung loob ko. Lovelife ko ang nakataya dito noh. Nakita ko yung tweet ni Iñigo Pascual na "Sarap mong isipin."

Kaya nilakasan ko ang loob ko at minention si kuya krass. Wala rin naman siyang reply or Like e.

KINABUKASAN, 2nd day na ng Periodical. Nagtataka ng ako kahapon kung bakit wala si Shohei sa room nila. No! Wala yung section nila sa room nila. Dahil marami akong koneksyon, nahanap ko kung nasan sila. Nasa room 205.


"Pano mo naman nalaman na nandoon nga sila?" Tanong ni Angelina habang kumakain kami.

"Kasi nga, magaling ako." Sabi ko at tumawa.

Dahil maaga kami, napagdesisyunan namin na pumunta nalang muna ng Library para mag-aral. (Sila lang. Tatambay lang ako dun saka magbabaka sakali na makita si Shohei dun.)


si Kuya Krass si Shohei.


Wag na kayong magtanong. Hapon kasi siya e. Ako naman yung Araw. Para ako ang dahilan kung bakit lumiliwanag ang buhay niya. HAHAHA Joke lang.


"Hoy ikaw ba yung nagpa send kay Juztie ng Scandal?" Tanong sakin ni Shynelle.

"H-Huh?" Tanong ko. "Oo ako yon. Pero hinihingi lang naman ng pinsan ko yun noh."


Ayan. Buong araw na nila akong inasar. Tawang-tawa ako habang pumapasok ng bahay pagkauwi. Parang ang weird lang nung feeling ko. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos, nasa mood lang ako maglinis ng kwarto. Sa sobrang pagod ko pagkatapos, ayon. Nakatulog na ko.


Nagising nalang ako sa mga katok sa pinto.


"Sienna!"


Kinusot ko ang mata ko at tinignab kung anong oras na. Gabi na pala.


"Kakain na. Gumising ka na jan. Nandyan na sina Tita Savina mo." Sabi ni Manang.

Inayos ko ang damit ko saka inaantok na bumaba. As usual, messy bun pa rin ang peg ng buhok ko. Nag-beso ako kina Tita saka umupo sa upuan ko. Kumuha ako ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.


"Wag niyo na pansinin si Mommy pag binalaan nanaman kayo tungkol sa mga Corpuz. Ganyan pa rin kasi si Mommy. Masyadong Bitter." Sabi ni Tita Sav at tumawa. "Right, Sienna?"

Tumungo ako at ngumiti ng pilit. "Yes po."


Tsaka ko lang na realize na alam ni Tita yung pagkakagusto ko kay Kael nuon. Pero gusto ko pa rin yata hanggang ngayon si Kael e. Aish! Naguguluhan ako. Nagulat ako ng lahat sila nakatingin saakin!


"You're acting so weird, Ate!" Kupal na kapatid ko.

"May sarili ka bang mundo?" Si Wacky.

"Do you think i need to call an Ambulance?"


"NO!" Sagot ko sakanila. Binaba ko ang kubyertos ko at nagpunas ng labi saka tumayo. "I'm full. Thanks for the food."

"Kuya Wacky, ang weird ni Ate!" Naririnig kong sabi ni Maiden habang umaakyat ako.

Oo na! Ang weird. E kasi naman, gulong-gulo na ko. Lalo na, ilang araw nang di pumapasok si Kael. Di naman ako makapag-tanong kay Wacky kasi aasarin nanaman ako ng kupal na yon. Hay.


***********

Masyado yata akong ginanahan mag-update dahil sa bagong cover. HAHA Thanks DesteenBnvntr <3 (Self) HAHAHA <3

Next Week na manganganak Mamc ko. Sa araw pa ng Intrams namin. Haha gosh. Skl. Kbye

Sorry for the short updateee!!

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now