Chapter 30

69 5 0
                                    


Chapter 30

Truth?

KASALUKUYAN kaming naglalaro ng Ayayay Ayayay ang Pag-Ibig dahil Teachers day. Nawalan kami ng klase ngayong Science dahil sinadya talaga nila. Nagpresinta sila na may intermission number umano sila hanggang sa mawalan na ng klase.

Nagulat ako ng ako na pala ang susunod.

"Ayayay ayayay, ang pag-ibig. Pag pumasok sa puso ay maligalig! Ikaw si?" Aniya at tinuro ako.

"Josefina Adeline." Sagot ko.

"Taga?"

"Taga Arellano."

"At kung tatawagin?"

"Sienna, nalang po."

"At kung sa inuman?"

"Pag broken lang!" Sabi ko at tumawa.

"At kung sa lalaki?"

Pumikit ako ng mariin saka sumagot. "Kay Mikael loyal yan!"

Nagsitalunan sila sila at nagpalakpakan. This is the way how they can know someone else's crush. Alam ko naman na alam na nila talaga e.

UMAGANG-UMAGA ng pumasok ako sa room. Kaso lumabas din kami dahil may hika si Shynelle. Kailangan niya ng Fresh Air. Pumunta ako sa nay gilid kung saan tumatambay ang section nila pag umaga.

"Sienna!" tawag ni Claire. Lumapit siya saken. "Pagsabihan mo nga yang asawa mo. Grabe! Ayaw tumulong dun sa report namin."

Tumawa ako. "Asan ba siya?"

Natawa siya saka Luminga-linga. "ayun oh!" sabi niya at tinuro ang nasa likod ko.

Nakita ko si Kael na naglalakad papunta dito kasama si Jonelle. Nakita ko ang pagka-gulat nina Claire nang lumapit ito saamin.

"Nasan yung gagawin ko sa report?" Tanong ni kael.

Natigilan si Claire at parang di makapaniwala sa ginawa ni Kael. Ganun ba talaga si Kael? Hindi masyadong nagsisipag? E bakit naman siya Biglang nagsalita ng ganon? Dahil ba sakin?

Napailing ako sa mga naisip.

Binigay ni Claire ang gagawin ni Kael. Umalis si Kael at umupo sa isa sa mga table. "Weird." sabi ni Claire at natulala.

Tumawa ako saka pumunta saglit sa may gate. Maya maya pa ay pumunta kami sa loob ng canteen nang may narinig akong boses.

"Pare tapos ka na sa report?" Narinig ko ang boses ni Jonelle.

"Oo." sabi naman ni Kael at tumungo.

Kunyari at wala akong narinig saka nagpatuloy. Mukhang nagulat si Kael at napaatras ng makita ako. Naglakad ako ng patuloy at saka bumili ng Gummy bears. Pagkatapos, naglakad ako patungo kay Julius sana kaso lumipat siya sa Tabi ni Kael.

"oh!" sabi ko at tinapat sa mukha niya yung sulat ng 'Secret Admirer' niya kuno. napairap ako sa naisip.

Kumunot ang noo niya at napatingin si Kael sakin na unti unting nag dikit ang mga kilay. Tumungo si Julius at tinago ko na ang sulat. Inirapan ko siya saka naglakad patungo sa room. Di manlang nag Thank You si gago. hmp!




***********

Sorry kung ang bagal ng update saka kung maikli. babawi nalang ako sa susunod. lovelotsss!!💖


- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now