Chapter 18

59 6 0
                                    


Chapter 18

NAGISING ako dahil sa silaw ng araw. Kinusot ko ang mga mata ko nakita si Manang na inaayos ang kwarto ko.

"Aba, late ka na kasi natulog kagabi. Nandito ang mga kaibigan ni Wacky. Hinahanap ka nga e. Kaso tulog ka na."

Tumungo ako at tumayo habang gumagayak ng gagamitin sa paliligo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Manang. "Walang pasok!"

"Ha?" Tanong ko. "Bakit daw?"

"Suspended." Sabi ni Manang at nagkibitbalikat.

Naghilamos ako at saka nagpasya na bumaba. Nagtimpla ako ng hot choco saka umupo sa dining table. Mula dito, naririnig ko yung bangayan ni Summer at Wacky.

"Hindi nga pwede!" Si Wacky.

"Why?" Si Summer. "Malaki na ako, kuya. I can do whatever i want. And besides, baka gusto mong sumama? Pupunta ako kay Eliziah."

Talagang diniinan niya yung pangalan ni Liziah. Napatingin ako kay Summer na bumababa ng hagdan. Bihis na bihis at akala mo pupunta sa birthday.

"Bye, Ate!" Sabi niya at kumaway.

Tawang-tawa naman ako habang pinapanood si Wacky na problemado sa kapatid.

"Mukhang tuwang-tuwa ka dyan a." Napabaling ako kay Papa na nakabihis rin. "Ikaw rin magiging ganyan. Uuwi dito yung kapatid mo next week."

"Si Maiden!? Next week??" Gulat na tanong ko.

Tumango siya. "Kaya maghanda ka na. Oh siya, aalis na ko."

"Sige. Bye, Pa! Ingat."

Kailangan na ngang maghanda. Dahil ang kulit nun, doble sa kulit ni Summer. Pero sweet din siya. Medyo may attitude nga lang. Saka mahilig sa bata.

Dahil wala akong magawa, binuhos ko yung buong araw na to sa pag-gigitara. Marunong lang naman ako. Di pa magaling. Because my family loves music. Lahat kami!

"Sienna!" Narinig kong tawag ni Tita saakin.

Binaba ko ang gitara at lumapit sakanya. "Bakit po?"

"Pumunta ka kina Don Rafael. Dalin mo yung envelope dun sa may library. Daliab mo a." Sabi niya.

Natigilan ako saglit at saka naligo at gimayak. Pumunta rin ako sa library para kunin ang envelope. Mabilis ko iyong kinuha saka nagtricycle papunta duon. Pagbaba ko, nalaglag ang panga ko sa bahay nila. Sobrang laki! Oo mayaman kami. Pero mas mayaman sila! 3x ang yaman nila saamin.

"Sino sila?" Tanong sakin ng medyo may edad na babae. Siguro ito ang mayordoma nila dito.

"Kay Don Rafael po." Sabi ko. Mukhang naguguluhan siya kaya nagsalita pa ako. "May pinabibigay po si Tita Mia sakanya."

"Si Mia?" Sabi niya at parang lumiwanag ang aura. Tumungo ako. "Tara, pasok ka hija."

Sumunod ako sakanya. Medyo madaldal rin siya. Tinanong niya pa saakin kung kaano-ano raw ako ni Tita Mia. Kaya sinabi ko sakanya na pamangkin ako ni Tita. Nagpaalam naman siya na may gagawin pa raw sa kusina.

"Ate?" Tanong sakin ni Mika. Naaalala ko, 6 years old pa lang siya.

Napabaling naman ako sa likod niya. Si Mikael! "Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Asan si Don Rafael?" I asked him.

"Nasa Maynila siya. Bakit?" Paliwanag niya. Inabot ko sakanya ang envelope at tinignan niya iyon ng mabuti. "Ilalagay ko muna to sa Drawer ni Papa."

Tumungo ako. Bumaling ako kay Mika na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin saakin at naka-ngiti. Kinurot ko ng bahagya ang pisngi niya. Ang sarap niya pagmasdan. Kamukha siya ni Mikael. Kung di ko lang nalaman na kapatid niya pala to, aakalain kong anak niya to. Napailing nalang ako sa naisip.

"Kuyaaa!" Hiyaw ni Mika habang nakatingin pa rin sakin.

"Yes?" Rinig kong sagot ni kael habang bumababa.

"Can we go to the hill with Ate Sienna?" Tanong ni Mika na kmikinabigla ko.

"Pero--" magsasalita na sana si Kael ng aakmang iiyak si Mika kaya wala na kaming magawa kundi sundin ang gusto niya.

**********

Spoiled siya na bata!! HAHA I remember my childhood days kay Mika. Hayy.

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now