Warning : 50% of this chapter is just a Flashback. Use your commonsense. Thank u❤--
Chapter 46
Colorful
"Babyyyy!"
Namula ang mga pisngi ko sa tawag niya. Eto namang lalaking to oh! ayaw tumigil. Ang ingay naman. Ang Sarap sapakin!
Lumingon ako at hinarap siya. "Ano?"
"I'm sorry, okay?" Sabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Humingi lang ng favor yung girl. I didn't even entertain her."
Inirapan ko siya. "Dahil ginawa mo yung favor niya, para mo na rin siyang inentertain."
Natameme siya. Oh, diba tama ako? Argh. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa Sumakay ako ng tricycle. Nagulat ako ng sumakay rin siya. Naamoy ko ang pabango niya dahil nga katabi ko tong kumag na to.
"Baby ko," Sabi niya at ngumuso. "Sorry na kasi.."
"Sorry mo mukha mo!" Sigaw ko sakanya at bumaba dahil nandito na kami sa may labas ng bahay.
Hinila niya ako.
"Sorry na. Okay?" Sabi niya.
"Okay." Sabi ko at nginitian siya. Wala naman kasing mangyayari kung awayin ko lang siya ng awayin. "Sino ba yung babaeng yun?"
"Uh.. Elle?" Simpleng sagot niya at pumunta sa may kusina.
Buti nalang wala sina lola. Pero ang iniisip ko, bakit bigla siyang parang umiwas? Damn i hate predicting. Binaliwala ko nalang iyon saka nilibang ang sarili sa mga bagay-bagay.
I laugh. Kaya pala ang pamilyar niya. Tadhana nga naman. Pina iikot-ikot lang kami.
"So whats your plan?" Tanong ni Eliziah sabay liko ng manibela.
"Chase him." I simply said.
I wanted to say sorry for leaving him years ago. I admit that i was effing hurt when i see him happy with somebody else. Ako dapat yun. Ako dapat ang nanonood ng gigs nila. Ako dapat ang kinakantahan niya. Ako dapat ang number one fan niya. Pero nasayang ang lahat ng iyon. Nakakapang-hinayang.
Gusto ko siyang yakapin ng matagal. I'm so very thankful that he makes my life colorful even if its just temporary.
Nagulat ako nang biglang hininto ni Liziah ang sasakyan sa harap ng isang restaurant. Nagtataka akong tumingin sakanya at sinenyasan niya nalang ako na Sumama sakanya.
After ilang minuto, saka ko lang napagtanto na isa pa pala itong reunion. Ano ba naman to. Ang hilig sa mga reunion.
"OMG, Sienna!"
Nanlaki ang mata ko. "Oh my god, Athena! Anak mo?"
Nakita ko kasi si Athena na may kasamang maliit na lalaki. I think the kid was just 2-3 years old. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita si Jonelle na nasa likuran niya na papalapit. Sht. Ang dami nang nagbago!
"Yup." She said then she giggled. Hinila niya si Jonelle. "And Jonelle. Asawa ko."
Tumawa ako. Di ko aakalain na magiging sila. Na magiging mag-asawa pa! Haha.
"Long time no see, Sienna." Sabi ni Jonelle at humalakhak. Tinuro niya ang bata na nasa dala niya na ngayon. "Anak namin."
Kamukhang kamukha ni Jonelle yung anak nila! OMG! Nakakatuwa naman sila.
"Baby, Bless to Tita Sienna." Utos ni Athena sa Anak niya.
Lumapit ito saakin saka nag bless. nginitian ko siya. "You look like Nong Kael's Wife."
Nanlaki ang mata ko. Nagulat si Jonelle sa sinabi ng anak niya kaya pinagsabihan niya ito.
"A-ah ah e.. Pasensya na, ha?" Sabi ni Jonelle. Tinunguan ko sila saka sila nagpaalam na aalis na.
Bakit ang weird nila? I mean, super duper weird.
"Anjan na pala sina Kael." Pahabol nila bago tuluyang umalis. Kaya tuloy lumakas ang pintig ng puso ko.
Mabilis akong pumasok sa loob. Nakita ko si Kael na naka-akbay sa Upuan na inuupuan ni Elle. Ewan ko kung bakit sa nakita kong iyon, nawalan ako bigla ng gana.
"Uy si Sienna!" Narinig kong sigaw nila kaya napunta saakin ang atensyon nila... At atensyon ni Kael at ni Elle..
--
A/N : Hanepppp! Tinatamad ako magsulat ngayon. WaaAaaa!
- PurpleJade26 -
YOU ARE READING
Treasured Love | Complete
Random• COMPLETE • Do you know whats the feeling of being in between? Feeling tired? Yung pagod na pagod ka na kakahabol sakanya pero, go pa rin! Yung pagsunod sakanya kung saan siya magpunta? Yung para kang aso na itataboy ka nalang bigla. The feeling of...