Chapter 20

58 5 0
                                    


Chapter 20

Time

MAAGA akong nagising. Naalala ko pala at aalis kami ngayon nina Jennie, Kaklase ko dati at si Aezelle (pamangkin niya).

Bumaba ako ng hagdan para syempre makapunta pababa. Di pa ko tuluyang nakakababa, rinig na rinig na ang hiyawan ni Summer at Maiden. Ibang klase tong mga to.

"Hi ate! Good morning!" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Nagluluto lang kami ng pancakes. Sit beside Kuya Wacky."

Napabaling ako sa salas. Natawa ako ng makita si Wacky na halatang beastmode sa pinag-gagagawa ng dalawa. Maiden is just a Grade 6 student. Pero daig pa ako sa mga kilos niya. Ang aga masyado magmature. Kahit mas matanda pa sakanya si Summer, di niya pa rin tinatawag ng "Ate". Dahil nga bunso, inshort, SPOILED!

Nang matapos na ang niluluti nila, tinawag na nila kami ni Wacky saka pumunta duon. Kaming apat lang ang kumain dahil nasa Business Trip sina Papa. Pagkakain namin, dumiretso ako ng kwarto para maligo at gumayak na. Nag lagay rin ako ng onting powder, and lip gloss.

Actually, si Maiden ang nagturo sakin gumamit nito. Masyado kasi siyang kikay.

"SIENNAAAA!!" Hiyaw ni Jennie at sinalubong ako.

Akala mo naman ilang taong hindi nagkita. Hmp. Ngumiti ako saka bumaling kay Aezelle. Ginulo ko ang buhok niya. "Tumangkad ka."

"Thank you, Ate Sienna." Sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Mabilis lang ang bonding namin. Nanood kami ng sine, kumain, namili, at naglaro, at nagikot-ikot at lumibot. Pagkatapos nun, nagpaalam na ako sakanila na umuwi dahil baka hanapin ako ni Maiden.

"Ang tagal mo umuwi, ate." Sabi ni Maiden na busy sa laptop niya.

"Ano yan?" Tanong ko at sinilip ang ginagawa niya.

"Ginagawa ko lang yung pinapa-type sakin ni Kuya Wacky. Kailangan niya raw sa intrams niyo e." Sagot niya at nagkibitbalikat.

Tumango ako at pumunta sa kwarto. Nakakapagod tong araw na to. 

GUMISING ako ng maaga para makapasok. Nagmamadali akong naglakad sa corridor. Pero may kung ano ang nagpahinto saakin at dumiretso sa may gym. Nagulat ako at parang nanlambot ng makita si Kael na nagigitara habang ngiting-ngiti sa mga students na nanonood sakanya.

Para akong malulusaw sa mga ngiti niya. Hindi pwede. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito agad pero nakatuon pa rin kay Kael ang atensyon ko.

"Hello?" Ako.

"Hello, Sienna! Putcha asan ka na ba? Parating na si Ma'am. Baka pagalitan ka pagna late ka!" Si Shynelle pala.

"Okay." Sabi ko sa kawalan at pinatay ang tawag habang nakay-Kael pa rin ang atensyon.

Nang mag-bell, saka lang ako natauhan. Tumingin ako sa orasan at nanlaki ang mata! Late na ko!!

Mabilis akong tumakbo. Kumatok ako sa pinto ng room saka pumasok. Pero kesa pumasok ng palihim, nasakin ang atensyon nilang lahat.

"Ms.Alvarez, in my office. Now!" Nagulat ako sa hiyaw ng teacher namin kaya tumungo nalang ako at sumunod.

Kinakabahan ako habang pumapasok duon.

"Josefina! Anong nangyayari sayo? You're always late at my class. Ni-isang quiz, di mo na peperfect. Kahit multiple choice lang! And nakakuha ako ng report na you're obsessed with Mr.Corpuz?" Sabi niya at ngumisi.

Ako naman ay hiyang-hiyang nakatungo. Sinasalo ang galit ng teacher namin.

"Please, Ms.Alvarez. Hindi kita pinipigilan magkagusto sakanya. Pero please. Ayusin mo naman ang sarili mo sa subject ko." Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi tumango at magpaalam na umalis na. Nanlulumo akong lumabas ng office niya. Nakita ko si Shynelle na naka-abang saakin sa labas.

"Kasi naman, masyado kang obsessed jan kay Kael. Yung studies mo, napapabayaan mo na. Anong sasabihin ng lola mo sayo?" Talak niya sakin. "Na sinuway mo yung utos niya?"

Tumungo ako. "Alam ko na. Susubukan ko na i-manage ang oras at schedule ko."

***********************

Speechless ako ngayon. Haha.

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now