Chapter 39Aalis ka..
Naglalakad ako papunta dito sa park na malapit sa school. Dito kasi kami magkikita ni Kael dahil mag uusap daw kami. Hindi ko nga alam kung bakit pumunta pa ko dito e. Gusto ko lang na makasama siya. Yeah. Ako na ang marupok! Alam kong di ko kaya na mawala siya sakin. Habang naglalakad ako, nakita ko si Jacob at Kael na parang nagtatalo. Lumapit ako at nagtago sa likod ng mga puno.
"Pre, What the f? Bakit ganun? Why did Ann just showed up?" Tanong ni Jacob. "At anong sinabi niya? You never broke up with her? Pano si Sienna, Pare?"
"I don't care." Walang ganang sabi ni Kael. "Hindi ko naman alam na babalik pa siya."
"Kahit na, Pare. Pano naman si Sienna?" Sabi ni Jacob. Mukhang nagtitimpi.
"I said i don't care about her! And i will never be!" Sigaw niya. "I love Ann. I always love her. Kaya ayoko siyang masaktan. Kahit masaktan pa si Sienna o kahit sino!"
Wala akong nagawa kundi magpakita sakanya. Gulat na gulat si Jacob nang makita ako. Nagpaalam si Jacob na aalis lang saglit.
"Wala namang nangyari diba? Tayo pa rin, diba?" Tanong ko sakanya at pilit na ngumiti. Alam kong fake lang ang mga ngiti ko.
"Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Ayoko na." Sabi niya. Mukhang sigurado siya sa desisyon niya.
"What? No, Please wag." Pagmamaka-awa ko. "Diba mahal moko?"
"Oo. Pero mas mahal ko siya." Sabi niya na siyang kinadurog ng puso ko.
Damn. Ang sakit. Kanina ko lang na realize na di ko kaya na mawala siya. Pero siya ang sumuko. Siya ang umayaw. Siya ang umalis. Naglakad ako palayo. Palayo sa taong mahal ko na walang ginawa kundi saktan lang ang damdamin ko.
Nakita ko si Jacob na nakaabang saakin. Tumakbo siya palapit saakin at niyakap ako ng mahigpit habang hingi ng hingi ng tawad saakin.
"Sorry di ko nasabi sayo. I'm sorry. I'm so sorry." Sabi niya at naiyak.
"Okay lang. Saka, baka tanggapin ko nalang yung offer ni Jasmine papuntang France." sabi ko sakanya at pilit ngumiti.
"A-Aalis ka?" Tanong niya. Tumungo ako. Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.
Tumawag kasi si Lola saakin last month. Tinatanong niya kung pwede ko daw ba samahan si Agnes pumunta ng France. Dream Destination ko kasi ang France. Si Jasmine naman daw ay uuwi na dito sa pilipinas
ILANG LINGGO na ang nakakalipas ng mangyari iyon. Wala akong gana kumain, kumilos, pumasok, miski paliligo nga di ko pa yata ginagawa e. Tinamad ako sa lahat.
Binuksan ni Tita ang pintuan ng kwarto ko. Tumingin muna siya sa paligid saka ako binato ng unan. "Maligo ka na at kumilos!"
"Tinatamad ako." Sabi ko at tumayo para tignan kung may muta ba ako sa mata.
"Uuwi mamayang gabi ang lola mo. Kaya kailangan pagdating niya, kararating mo lang dahil galing ka sa School." Sabi niya. At saka umalis.
Then i realize, di naman porket wala na kami, titigil na ang mundo ko. No! Kailangan ipakita ko sa kanya--sa iba rather, na kahit nasaktan ako, patuloy pa rin akong bumangon. Siya lang naman yun, noh.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng PE uniform. Binlower ko ang buhok ko, at naglagay ng cream, powder, at lip gloss. Pagkatapos, nagpaalam na ako kina Tita saka umalis ng bahay. Dahil mag-tatime na, Naiwanan na ako ng service kaya wala akong choice kung hindi magpahatid sa driver namin.
Pagpasok ko sa school, sumalubong saakin si Julius ng nakangiti saakin. "Ang tagal mo." Sabi niya.
"Heh!" Sabi ko at pinandilatan siya.
"Hintayin moko mamayang lunch sa labas ng room a? Sabay tayo. Treat ko." Sabi niya at ngumisi. Tumungo ako at nagpaalam na sakanya.
Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa Faculty room para kausapin ang mga teachers ko para ipaliwanag ang pag-alis ko. Pumayag naman sila at inayos na ang mga documents ko. Pagkatapos, Inabangan ko na si Julius sa labas ng classroom nila. Maya-maya pa'y lumabas na ang mga kaklase niya.
Nagulat ako nang makita si Kael na lumabas at may sinalubong na babae. Napatingin ako sa babae kaya natameme ako bigla. Nakita ko na si Ann yung babae. Ang legal na girlfriend niya. Napatingin saakin si Kael kaya Nagka-eye to eye kaming dalawa.
"Oh nandito ka na pala." sabi ni Julius at inakbayan ako. Natuon ko sakanya ang atensyon ko kaya ako napahiwalay sa tingin.
Nakita ko siya na nairita saka tumalikod at umalis na sila ni Ann.
Tapos na kami kumain ni Julius kaya Naglalakad na kami sa isang saradong daan kaya mga estudyante lang ang pwedeng maglakad dito. Tahimik ang daan at puro halaman. Napagdesisyunan ko nang sabihin sakanya ang pag-alis ko. Di ko alam kung papayag ba siya o hindi.
"Juls.." sabi ko.
Napatingin siya sakin. "Hmm?"
"Aalis na ko." Sabi ko sakanya. Tinignan niya ako ng pagtataka. "Pupunta ako sa France sa isang araw."
Nagulat siya at niyakap ako. "Sinabi na sakin ni Tita Mia. Mag-iingat ka dun a. Gusto ko ngang sumama kaso Kailangan ako dito nina Nanay. Kailangan ko rin kasi magtrabaho dahil mag-tutuition na si Paula."
Ngumiti ako sakanya. "Ayos lang yun."
Bilib nga ako sa bestfriend ko na to e. Kahit mahirap lang sila, masaya ang pamilya nila. Magpinsan sila ni Kael pero mahirap sina Julius dahil anak sa labas ang daddy niya. Kaso ng mamatay ang daddy niya, siya na ang tumayong tatay sa mga kapatid niya at siya na rin ang nagpapaaral sa mga ito. Kaya swerte ang magiging Girlfriend nitong si Julius.
*****************
Excited na ko maumpisahan yung story ni Julius. waaa <3
- PurpleJade26 -
YOU ARE READING
Treasured Love | Complete
De Todo• COMPLETE • Do you know whats the feeling of being in between? Feeling tired? Yung pagod na pagod ka na kakahabol sakanya pero, go pa rin! Yung pagsunod sakanya kung saan siya magpunta? Yung para kang aso na itataboy ka nalang bigla. The feeling of...