Chapter 29

63 6 0
                                    


Chapter 29

Kilig

PAGKATAPOS namin kumain, pumunta na kami sa room. Ginagamit kasi ng mga Cheerdancers ng batch namin tong room. Nagulat ako nang makita yung mga Grade 9 at nagpapapicture kay Julius! Ibang klase. Samatalang ang kumag naman, tuwang-tuwa pa!

Tumawa siya at tumingin sakin. At binigyan niya ko ng, Tignan-Mo-Ang-Gwapo-Talaga-Ng-Kaibigan-Mo-Look.  -.-

Napailing ako saka umupo sa isang upuan dun. Pagtapos, mabilis siyang lumabas dahil pinatawag daw sila. Maya maya pa ay dumating sila at sinabihan kami na wag munang pumasok dahil gagamitin ng mga Cheerdancers. Lumabas kami at nag sign out na sa Attendance.

"TARA mall, tayo." Yaya nila.

Umiling ako. "Kayo nalang."

Tumungo sila at pinilit pa ako kaso di ako nakapag-paalam. Nauna na silang umalis. Maya maya ay ako naman ang lumabas ng gate para makabili ng Milktea. Dumaan ako sa shortcut para mas mabilis.

"Isa nga pong Dark Choco Cookie." Sabi ko.

"Size?"

"Regular po."

Tumango siya saka pumindot ng onti. "45 pesos."

Inabot ko ang bayad saka inintay ito. Nang makuha ko, shinake ko pa ito saka kumuha ng color Pink na straw. Nilagay ko ito sa bag ko saka naglakad. Pagkatapos ay bumili naman ako ng pagkain saka pumasok sa loob ng school. Nagulat ako nang makita ko si Kael at Jonelle kasama si Julius sa dadaanan ko. Nakita kong tumawa si Kael habang nakatingin sakin at bumulong kay Jonelle. Nakita ko na nilapitan ako ni Julius kaya natigilan si Kael at kumunot ang noo.

"Oh ano na?" Tanong ko sakanya at bumaling kina Kael at sa pinagkakaguluhan ng mga babae.

"Picturan mo nga sila." Sabi niya at ngumuso saka nag puppy eyes.

Tinampal ko siya. "Tigilan mo nga! Nagmumukha kang aso!"

"Poging aso?"

"Asong ulol." Sabi ko at lumapit sa mga babae saka sila pinicturan.

Pagkatapos nun, Nagpatuloy ako sa paglalakad at pumunta sa room. Nadatnan ko silang nag aayos ng mga upuan. Umupo ako sa isa saka nagsimulang kumain. Wala kaming ginagawa dito. Anim lang kami na magkakaklase dahil nag mall yung iba at di na pumasok kesyo wala naman daw gagawin. Ang boring kasi ng intrams namin. Haha.

Umakyat ako sa taas papunta sa classroom nina Kael. Bakit naman hindi? E nandun si Scarleth. Kaibigan ko yon noh. Syempre niyaya ko si Shynelle. Medyo makapal din face nun tulad ko e. Haha.

"Scarlethhhh!" Sigaw ko at kumaway. Kumaway din siya saka lumpit.

Nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Si Kael naman ay nandun sa may pinto sa loob ng room nila at pinipigilan siyang lumabas ni Jonelle.

"Alam mo kasi Sienna, etong asawa mo malaki yung ano niyan." Sabi ni Jonelle.

Nakagat ko yung ibabang labi ko.

"Hmp. Nakikita naman niya yan pag PE e. Tapos naka-tuck in." Sabi ni Shynelle out of nowhere!

Nagulat ako at siya din parang nagulat sa sinabi niya. Natawa naman si Jonelle.

"Hoy Mikael! Nakikita naman daw pala niya e. Lagi ka ng mag-tuck in!" Sabi ni Jonelle at tumawa.

"Gago!" Sabi ni Kael kay jonelle at tinutulak ang pinto. Nakita ko naman ang pinto sa tapat namin. Bukas.

"Tara pasok kayo sa loob." Sabi ni Scarleth.

Nung una, tumanggi pa ako. Kasi baka makita kami ng adviser niya, pag sabihan nanaman ako. Kasi ayaw niya na nakikipag relationship yung mga estudyante niya. Haha.

Umupo ako sa may arm chair at ganun din si Shynelle. Nagulat ako ng biglang dumating si Raicci. Oo nga pala. Magkaibigan sila ni Scarleth. Nginitian niya ako at ganun din ang ginawa ko. Kinikilig siyang umupo sa isang upuan. Si Kael naman ay nakaupo aa Monoblock sa harapan at si Jonelle naman at palakad-lakad.

"Eh! Kasi naman. Kinikilig nako." Sabi niya.

"Crush mo si James!?" Sabi ko.

Kinikilig siya na sumagot. "Hinde. Ihh! Hinde." Sagot niya saka pinakita ang lockscreen at Wallpaper niya na si James ang nanduon.

Natuon naman ang atensyon ko sa tumatawa na si Jonelle habang gumagawa ng sariling kanta gamit ang "Hanggang Kailan" ng Orange and Lemons.

"Umuwi ka na, Kael. Di na siya sana'y ng wala ka. Mahirap ang mag-isa. At sa gabi iniistalk-istalk ka niyaa~" with matching turo at actions pa!

"Hanggang kailan siya maghihintay na makasama kang muli sa buhay niyang puno ng pag-hihirap. At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labiiiii~"

Ewan ko pero natatawa ako na kinikilig. At parang ganun din ai Kael. Pero i think, ito ang pinaka-masaya na Intramurals na naranasan ko.


*******************

Yiiii! Kinikilig nako. Enebe. Kaso si Kuyang Gwade eyt ba o si Kuyang kwass? Char.

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now