Chapter 34Ares
"WAAAA!"
Nagulat ako sa mga sigawan sa Corridor paglabas ko. 3 o'clock na ng hapon pero wala kaming klase sa last subject.
"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Dice nang makita ko siya.
"Nagwawala sila." Sabi niya. "Tumutugtog kasi ngayon yung banda nina Kael."
banda?
"Banda?" i asked her.
Tumungo siya. Dahil sa sobrang curious ko, Pumunta kami ni Dice at nanood.
"This next song is for my special someone. So if you're listening to this song, Adeline. It's for you." Sabi niya at ngumisi.
Nagulat ako dahil narinig ko yung first name ko. Huminga ako ng malalim nang maka rinig na ako ng instrumental na hudyat na magsisimula na ang kanta.
"Magkatabi tayo sa duyan,
Sa ilalim ng buwan.
Buhangin sa ating, mga paa.
Ang dagat ay kumakanta."
Ngumiti siya kaya marami ang nagsitilian. Ang lamig ng boses niya! "Anong pangalan ng banda nila?" i asked Dice.
"Ares."
God of War, ey?
"Matagal na ring magkakilala,
Minahal na kita, simula pa nung una.
Nung unang makita,
Ang iyong mga mata aa."
Pati ako napapatalon sa boses niya. Akala ko si Jacob Miguel lang ang may maganda na boses. Akala ko nga si JM ang Vocalist e.
"Sana ay wag ng matapos to,
pagibig na para lang sayo, woho ohh"
Nagulat ako nang tinuro niya ko! As in! Lumingon ako pero malabo naman na yung mga tao sa likod ko iyon. Nakuha ko tuloy ang atensyon nila kaya nagtilian sila.
"Gusto kong tumalon, tumalon sa saya,
dahil ikaw ang kapiling.
Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko.
Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo sa ilalim ng araw. Ng araw."
Mas lalo pa silang nagtilian dahil ngumingiti at namumula si Kael. Nakita ko na pinicturan siya ni Dice. Nang matapos na ang kanta, Nakita ko ang President ng student council kaya nakinig ako sa announcement. Si Kael naman ay nasa gilid na nakangiti habang nakikipag-usap. Umiinom rin siya ng Tubig.
"Masaya ba kayo?" Tanong ng Student Council President. Narinig ko ang hiyawan nila. "Balita ko marunong din kumanta si Ms.Alvarez e."
Tinignan nila akong lahat at saka humiyaw ng 'Sample'. Wala na akong nagawa dahil tinulak na ako ni Dice. Umakyat ako sa stage at nakita ko si Kael na Nakaupo sa upuan sa harap ng stage at pinapanood ang mga galaw ko habang pinaglalaruan ang mga labi niya.
Narinig ko na ang hudyat kaya nagsimula na ako.
"I've never gone with the wind,
just let it flow,
Let it Take me where it wants to go.
To you, open the door. There's so much more, I've never seen it before."
Tumingin ako sakanya. Siya naman ay parang tange na nakatingin lang sakin na parang bilib na bilib.
"I was trying to fly,
but i couldn't find my wings.
But you came along and you change
Everything."
Syet kinakabahan talaga ako. Nakita ko si Dice na Kumakaway at tumitili habang pinipicturan ako.
"You lift my feet off the ground,
Spin me around.
You make me Crazier, Crazier."
Nagulat ako nang bigla nalang silang nagsihiyawan at puno ng kantyaw si Kael mula sa mga kaibigan niya. Umiling nalang ako at nagpatuloy hanggang sa matapos ang kanta. Ngumiti ako ng sumalubong saakin si Kael pagbaba ko at hinalikan ako sa pisngi.
Heh! kinikilig na ko nun. Ang dami kayang nakakakita!
"Uuwi ka na?" Tanong niya habang lumalabas kami ng gate.
"Oo, e." sabi ko.
"Sige, Bye!" Sabi niya. Tumungo ako at tumalikod na. "Baby!"
"Oh?" sabi ko at lumingon. Namula agad yung pisngi ko sa narealize.
Ngumisi siya. "Ingat. I love you."
"Ikaw rin. Love You too!" sabi ko at nakangiting Naglalakad papunta sa Service.
"Waaa!" Sabi ni Shynelle habang tumatalon. "Ang sweet!"
Umiling ako saka Sumakay sa Service saka umuwi. Sayang si Eliziah. Nasa Maynila kasi siya kaya wala siya ngayon dito.
*****************
Ang sweet naman :(
- PurpleJade26 -
YOU ARE READING
Treasured Love | Complete
Random• COMPLETE • Do you know whats the feeling of being in between? Feeling tired? Yung pagod na pagod ka na kakahabol sakanya pero, go pa rin! Yung pagsunod sakanya kung saan siya magpunta? Yung para kang aso na itataboy ka nalang bigla. The feeling of...