*Flashback and Glaiza's POV parin*
Abala ang lahat sa pag-aayos ng set para sa kukuhanang scene ngayon. Wala namang scene sila Mikee at Sanya for now kaya ligtas ako sa batang makulit na si Mikee sa pang-aasar. Mabuti naman at mapapalagay ng loob ko. Scene kasi namin ni Marx ang isa sa kukuhan.
Nagbabasa ako ng script ng biglang magsalita si Ruru sa tabi ko. "Todo paghahanda ah? Parang big scene ang isho-shoot ngayon." Komento nya habang iginagala ang paningin sa buong set ng enca.
May ilang changes din kasi sa set dahil nga book 2 na ngayon ang Enca.
"Hindi ka ba nagbabasa ng script? Big scene talaga."sagot naman ni Rocco at saka tumingin sakin ng nakakaloko.
Tumingin din sakin si Ruru na para bang binabasa sa mukha ko ang sagot sa sinabi ni Rocco. Loko to ah.
"What?"iritang tanong ko sakanya.
At saka sya natigil sa pagtitig sakin. "Ah. Hahaha. Naalala ko na. Eksena nyo pala ni Marx ang ishoshoot ngayon. Hahaha."
I rolled my eyes at umalis nalang. Pupuntahan ko nalang si Gabbi at Kate. Busy silang dalawa sa pagvivideo. Hindi nila ako pinansin at tinuloy lang nila ang pagkanta. Pero itong si Ruru nakasunod pala sakin. Pero mabuti naman at hindi ako ang ginugulo ng loko. Nakisali sya kila Gabbi sa video nito.
"Glaiza, magready ka na. 10 minutes magshoot na."paalala sakin ng writer.
"Okay. I'll be there before you know it."sagot ko sakanya.
Pinikit ko saglit ang mga mata ko para irelax ang sarili ko. Naririnig ko sila Gabbi at Kate na nagtatawanan with Ruru but I ignored them.
//
"Okay. 1. . ." Nagsimulang magbilang si Direk. Ready na rin kami ngayon ni Marx sa scene namin. "2 . .3 take."in Direk's cue nag-start na kami ni Marx.
Nilagpasan nya ako tulad ng nakalagay sa script.
"Engkantado."tawag ko sakanya. Humarap sya sakin. "Mukha yatang nakalimutan mo kung sino ang iyong kaharap?"
"Hindi ako nakakalimut, diwata. Sadyang hindi lamang ako sanay na bumabati sa mga babae dahil sa aming lugar ang mga kalalakihan ang namumuno at hindi ang mga kababaihan na katulad mo."
He's good pala sa aktingan. Mukhang mapapasabak nga ako nito.
"Pwes engkantado. Ako na ang nagsasabi sa iyo. Wala ka sa inyong lugar. Nasa lireo ka kaya naman alamin mo ang katayuan mo dito."
"Panauhin ninyo ako dito at ang aking kapatid na may mahalagang papel para sa ikaliligtas ng inyong kaharian. Ngunit ako na ang nagsasabi sayo diwata. Hindi ako papayag na gamitin ninyo ang aking kapatid sa kahit na anong laban. Wala syang alam sa pakikipaglaban. Paalam."
Tinalikuran nya ako pero dahil ako si Pirena ginawa ko ang nakalagay sa script.
"Pashnea."
Akma ko syang tatamaan ng hawak kong espada pero agad nya itong nasalo ng hawak nya ding espada.
"Hwag mo akong hinahamon diwata. May kapangyarihan ka lang."
"Bakit hindi mo ako subukan engkantado?" Panghahamon ko sakanya as Pirena.
Nagsimula na kaming maglaban dalawa. Walang nagpapatalo sa mga karakter namin. Parehas may pinaglalaban.
Natigil ang paglalaban ng karakter namin dalawa ng mahuli nya ako. Nakayakap sya sa balikat ko.
"Sinabi ko na sayo diwata. Hindi ako basta nagpapatalo."
Ang lapit ng mukha nya sakin kaya sa bawat salita nya nararamdaman ko ang hangin na lumalabas sa bibig nya. At para akong nakukuryente nun. Ugh Glaiza. Umayos ka!
"Cut."sabay kaming napalingon ni Marx sa gawi ni Direk na ngayon ay nakatingin samin. "Glaiza! Anong nangyari? Bakit hindi ka na sumagot?"sabi ni Direk.
"So-sorry direk. Nag-space out lang."sagot ko. napahawak pa ako sa noo ko at tumingin sa baba habang lumayo ng kaunti kay Marx.
"Take 2 tayo."cue ni Direk sa camera man.
Nakailang takes kami sa eksena na yun at halos ako ang may mali. Hindi nga ata tama na may loveteam si Pirena.
"Anong nangyari kanina Ate Glai? Bakit panay ang asar sayo nila Kuya Rocco?" Kate asked me.
After kasi ng scene namin ni Marx panay na ang pang-aasar sakin nila Ruru at Rocco. Sobrang tensed ko raw sa presensya ng ka-aktingan ko. Tumigil lang silang dalawa sa pang aasar sakin nung lumapit na ako sa kanila at akmang sisipain. Haha. May takot din pala ang dalawang yun eh.
"Ah wala. Medyo inaantok kasi ako kanina kaya nakailang take kami sa scene namin. Hahaha."sagot ko sakanya.
"Woshoooo. If I know, kinabahan ka. . ."pinandilatan ko ng mata ang akmang pagsabay ni Ruru samin.
"Anong kinabahan? Saan ka kinabahan, Glai?"
Napalingon kami sa nagsalita. Si Kylie.
"Ate Kyyyy!"sigaw ni Kate. Tumakbo sya palapit sa kadarating lang na si Kylie. Buti nalang at dumating sya. Nawala sakin ang atensyon ni Kate. She saved me.
"Woooah. Easy kiddo. My tummy. Haha."sabi ni Kylie at niyakap pabalik si Kate.
"Oops sorry. I just miss you, Ate."
"So bakit nga kinabahan ang isang Glaiza De Castro sa scene nya?"pang-iinterogate sakin ni Kylie. Umupo pa sya sa tabi ko at nag-adjust nalang si Kate. Kay Ruru na sya tumabi.
"Hindi ako kinabahan. Inaantok lang ako. Itong si Ruru makapag-gawa ng kwento eh."
"Hahaha." Tawa nalang ang sinabi nya. Naku pag may sinabi pa syang iba. Sisipain ko na yan.
//
Author's NOTE
Say somethingggggggg! 👇
Okay lang ba ang story? Hahaha
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
FanfictionAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio