Marx's POV
"Sky? Baby, bumaba ka na dyan. Naghihintay na ang Daddy mo sa labas. Mali-late ka na sa school." Rinig kong pagtawag ni Glaiza kay Sky mula sa loob ng bahay namin.
Nasa labas kasi ako para ilagay sa kotse ang gamit ni Sky.
Pumasok ako sa loob at naabutan ko syang nakatayo lang at nakaharap sa hagdan. Hinihintay siguro ang pagbaba ng anak namin.
"Love. ."pagtawag ko sa atensyon nya. Pero bago nya pa ako lingunin, niyakap ko na sya sa likod. "Relax ka lang ha. Maaga pa naman."
Hinawakan nya ako sa pisngi and I kissed her sa cheek nya. "Mag-ingat kayo ha. Umuwi ka ng maaga. Ikaw na rin ang magsundo kay Sky ha."
Bago ako sumagot sakanya. Hinarap ko sya sakin at hinalikan sa labi.
"OMG! ATE, KUYA, PLEASE GET A ROOM."
Napahiwalay ako kay Glaiza dahil biglang may tumili. At hindi na ako nagulat kung sino yun. Sino pa ba ang mahilig tumili kundi si Mikee lang.
"Anong ginagawa mo ditong bata ka?"tanong ko sakanya.
"Pinapunta ko sya, Love. Gusto ko kasing nandito sila ni Kate lagi eh. Hindi naman sila busy ngayon."sagot ni Glaiza sakin. Umupo sya sa couch habang hinihimas ang tyan nya.
"Don't tell me pinaglilihian mo pa rin silang dalawa?"
Ngiti lang ang isinagot ng asawa ko sakin.
"May problema ba tayo dun, Kuya Marx? Tsaka, swerte kaya ni Heaven dahil kami ni Kate ang pinaglilihian ni Ate Glai. Haha."taas noong sabi ni Mikee.
Si Mikee at Kate kasi ang madalas hanapin ni Glaiza nung mga unang buwan ng pagbubuntis nya. Lagi pa nya akong inaaway pag wala silang dalawa dito which is hindi makatarungan for me. Pero wala naman akong magagawa kundi hagilapin ang dalawa dahil nga sa yun ang gusto ng buntis kong asawa. Na kahit dis oras na ng gabi dati lumalabas pa ako para sunduin sila Mikee at Kate. Mas maselan ang paglilihi nya ngayon sa kambal compare kay Sky na chocolate ice cream lang ang hinahanap noon. Pero ngayon tao na ang hinahagilap ko. Hindi ako nagrereklamo. Mahal ko si Glaiza at gagawin ko ang lahat ng ikakasaya nya.
"Ate Mikee."
Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ng anak ko. She run towards Mikee at sinalubong naman sya nito ng mahigpit na yakap. Close silang dalawa. Mikee treat my daughter like her own sister at ganun din si Kate. Ang swerte namin dahil nandyan sila palagi para sa asawa at anak ko.
"Spacing out, Love?"naramdaman ko ang paghawak ni Glaiza sa braso ko.
I smiled at her. "May naalala lang, Love."
"Dy, let's go."
"Okay. Love, uuwi kaming maaga ni Sky. Don't stress yourself okay? And please, Mikee wag mong turuan ng kung ano ang magiging kapatid mo ha."
"Nuh-ah, Kuya. Tuturuan ko sila how to be beautiful like me. At si Cloud, sila Ruru na ang bahala. Hahaha."
"Baliw ka talaga. Sige na. Alis na kami."
"Ingats, Kuya."
"Drive safely, Love."
He kissed me.
"Asus. Alis na. Saka na yan paglabas ng kambal baka maging quadroplets pala sila. Hahaha."biro ni Mikee. Sinamaan naman sya ng tingin ni Glaiza na ikinatawa ko.
"Isa ka pa. Umalis na kayo ni Sky. Go."
Tinulak na nya ako palabas kaya wala na akong nagawa kundi lumabas na. Si Sky naman naririnig kong tumatawa.
"Bakit si Sky hindi mo pinaalis ng ganun."kunwaring pagtatampo ko.
"Isa."pagbibilang nya.
"Oo na. Ito na oh. Aalis na. Sky, tara na. Baka umabot pa ng sampu yang bilang ni Mommy mo. Yari ako dyan."
/
Mabilis na natapos ang taping namin ngayon kaya maaga kong masusundo si Sky sa school. Pero bago ako dumiretso sakanya, dumaan muna ako sa mall to buy a chocolate cake. Pasalubong kay misis. Ewan ko ba dun, nahiligan na ang chocolate cake. Bumili ako ng dalawang box ng cake dahil for sure nandun din sila Mikee at Kate. Baka agawan pa nila ng cake ang asawa ko eh. Hahaha. Hindi ako salbahe sa dalawa. But I know them well, lalo na si Mikee. Mas matakaw pa yun sa asawa ko.
Habang pababa ako sa second floor ng mall, napansin ko ang isang baby cloth's shop. Naalala ko bigla ang kambal namin.
Parang may sariling buhay ang mga paa ko at dinala ako doon. Ang daming magagandang damit na sigurado akong magugustuhan ni Glaiza. Gustuhin ko kang bumili pero hindi ko gagawin dahil meron ng ibang gamit sila Heaven at Cloud. Gusto din kasi ni Glaiza na pagbibili kami ng gamit ng kambal ay sabay kaming dalawa.
Palabas na ako ng shop ng may pumasok na mag-asawa at hindi ako pwedeng magkamali. It was Maxene. Yeah, Maxene, yung ex girlfriend ko.
"Max?"pagtawag ko sa atensyon nya. Lumingon naman sya sakin at yung lalaking kasama nya.
"Marx? Omg ikaw nga. Long time no see. How are you?"
"I'm good. Ikaw? Kamusta? Asawa mo?"
"Ah yeah. This Paul, my husband. And Paul, this is Marx, an old friend."nakipagshake hands sakin ang asawa nya. "Sorry, hindi ko na kayo na invite ni Glaiza sa wedding."
"Nah. It's okay. Nandito kayo sa shop so I guess. . ."
"Yeah, I'm 4 months pregnant"
"Wow. Congrats."
"Congrats to you as well. I've heard the news. Twins?"
Ngumiti ako. "Yeah. Thanks. So paano? Una na ako ha. Hinihintay na ako ng anak ko."
"Okay. Regards to G. Bonding tayo nila G paglabas ng mga babies. Hehe."
Tumango lang ako sakanya at naglakad na palayo. Habang naglalakad ako. Naalala ko bigla ang past namin. Hindi naman sa gusto kong maalala yun. Pero napaisip kasi ako, ang daming nangyari after ng breakup naming dalawa.
Kung hindi kami naghiwalay noon, wala sana ang pamilyang pinakamamahal ko ngayon. Wala sanang Glaiza, Hero, Sky, Heaven at Cloud sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
FanfictionAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio