Chapter 9

186 7 2
                                    

Glaiza's POV

"Ate Glaizaaaaaa."Gab screamed and run towards me and hug me.

Kadarating lang namin nila Marx at Sky sa bagong bukas na restaurant nila ni Ruru. They're grown ups now. Ang sayang makita na parehas silang masaya ngayon sa buhay nila.

"Easy, Gab."I said and I hugged her too.

"Sorry. Namiss lang kita, Ate. So. . How's the kambal?"

"They. . ."

"Sinong nakamiss sakin?"

I was about to answer Gab's question when we heard a familiar voice.

Tumingin kami sa entrance door ng resto and we saw Kylie standing there. She's with AJ and Alas.

"Ate Kyyyyyy."tumakbo si Gabbi palapit kay Kylie.

Naiiling nalang akong pinanuod silang nagyayakapang dalawa.

"Wala masyadong energy si Gabbi today."Marx said. Napangiti ako ng bahagya dahil dun.

"Yeah. Wala talaga."

After ng yakapan session ng dalawa. Lumapit na din sakin si Kylie at bumeso.

"Blooming ha." I commented.

"Alam mo yan. Hahaha"Kylie replied.

"Ehem" someone cleared his throat. It's Ruru.

Napangiti ako when I saw him wearing a pink apron.

"Hmm. Guys, sorry to interrupt your chikahan there. The food is ready."sabi nya. May hawak pa syang tinidor.

"Nagpalit ka na talaga ng career ha."I commented.

"Nagpapraktis na bago ikasal. Haha."

"Yiieeeh. Gab oh. Nagpaparinig na."asar naman ni Kylie sa katabi nyang si Gabbi. Loko talaga to. Ngayon na nga lang nagkita-kita nang-aasar pa. Haha.

"Hep."pagpapahinto ni Ruru kay Kylie. Inakbayan nya si Gabbi at ngumiti. "Kumain na muna tayo."

"Oh that. I'm starving na rin."sabi ko

"Me too."segunda naman ni Sky.

"Haha. Magnanay nga kayong dalawa."komento naman ni Kylie.

Habang kumakain kaming lahat. Panay ang kwento ni Kylie ng mga happenings sa buhay nilang pamilya. At ang babaeng to wala pa ring pinagbago. Ang lutong pa rin kung tumawa.

Si Gabbi, tulad pa rin ng dati. A shytype person na medyo makulit din dahil sa napapasama sya lagi kay Mikee dati.

Sayang nga lang dahil si Sanya nalang ang kulang samin ngayon. Hindi pa sila nakakabalik ni Rocco from australia.

Ang makasama ang mga gantong tao sa buhay ko ngayon ay blessing na for me. Hindi naman kasi laging nagkakasama kaming lahat sa isang araw. Bibihira lang dahil sa mga kanya-kanya naming buhay ngayon. It's a rare moment na hindi ko pwedeng palampasin once na may pagkakataon.

"Hahahaha. Yeah. Alam mo yan Gab."natatawang sabi ni Kylie. Akala mo sya lang ang tao dito. Ang lakas tumawa.

"Naalala ko nga yun Ate Ky. Ruru admitted na he has a crush. Nung una ayaw pang aminin dahil nahihiya. Pero umamin din na crush nya si Ate Glai. Haha."

Napahinto ako sa pag-sip ng juice ko at halos masamid dahil sa sinabi ni Gabbi. Kanina pa ba ako busy sa pag-ala-ala ng mga nangyari samin noon para hindi malaman na ako na pala at si Ruru ang topic nila?

Buti nalang talaga wala si Marx. Nasa labas sila nila Aljur at Ruru. Tinitignan nila ang brand new car ni Aljur.

"Hoy. Nasali na naman ako dyan."

"Nah. Hwag ka nga dyan. As if naman hindi mo alam yun. Haha."

"Yeah right."segunda naman ni Gabbi.

"Alam ko. Pero kailangan talagang ibrought up yan dito? Baka marinig kayo ni Marx. Seloso pa naman yun. Haha."pangbubuking ko sa asawa ko.

Napatingin ako sa window glass. Nakita ko si Marx na sobrang ngiting-ngiti habang kausap sila Ruru at Aljur.





//




Flashback




"Glai. .can we talk? Kahit saglit lang." It was Marx.

"Tungkol saan?" I asked him. Kahit naman alam ko kung tungkol saan ang gusto nyang pag-usapan namin pero nagkunwari akong hindi ko alam.

"Tungkol sa. . .nangyari sa street party." I knew it.

"Bakit? Kalimutan mo na yun. It's just a mistake Marx. Tsaka kung nag-aalala ka kung lumabas ang issue na yun, forget it. Sigurado akong wala. Okay? No worries."

"Glai kasi. . ."

Napansin kong may tinitignan sya sa phone nya at saglit lang may pinakita sya sakin. Naka post yun sa twitter. Ako at sya. .sa street party. Yung kiss.

Nanlaki ang mata dahil sa pinakita nya sakin. Wala sa sarili kong kinuha yung phone nya at tinignan kung sinong nagpost nun at walang name. Unknown sya.

Tumingin ako kay Marx.

"Paanong nangyari to?" Nanlalaking matang tanong ko sakanya. "Akala ko ba. . ."

"Ate Glai. ."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Ruru sa dressing room. Hawak din nya ang phone nya and I guess nakita nya na rin.

Nakita ko yung tingin nya kay Marx at alam kong naiinis din ang isang to.

Hinila ko si Ruru palabas ng dressing room at nagpunta kila Mikee.

Pagpasok namin sa loob ng tent hinanap ko agad si Mikee and nakita ko syang busy din sa phone nya. Nakakunot ang noo nya at halata sa muka ang pag-aalala.

"Mikee." Pagtawag ko sa atensyon nya. Tumingin sya agad sakin.

"Ate Glai, sorry. H-hindi ko alam na magkakaganito to. Sorry. Sorry talaga."

"It's okay. Nangyari na eh. Gusto ko lang malaman sinong nagpost nito? Akala ko ba walang nakakitang iba?"

"Yun din ang alam namin nila Mikee. Kasi that time, busy ang lahat ng tao dun at hindi naman nila tayo nilalapitan kaya ang alam namin walang nakakilala satin doon." Paliwanag ni Ruru.

Nakaka-stress. Sobra. Ugh!

"Ate, yung phone mo kanina pa nagriring."

Sa stress ko hindi ko namalayan na nagriring na pala yung phone na hawak ko at wala sa sarili kong sinagot yun.

"Hello?" Bungad ko sa tumawag. Medyo inis pa ako kaya medyo natarayan ko yung tumawag. Sorry nalang sakanya.

Pero agad na bumalik ako sa sarili ko ng marinig kong boses babae yung tumawag at halatang gulat din.

Napatingin ako kay Mikee at Ruru.

"That's not your phone." Mikee mouthed at tinuturo ang gamit kong phone.

Sa pagkabigla ko hinang-up ko agad yung tawag at parang gusto ko ng magpalamon ng buhay sa lupa dahil nakita ko yung name ng tumawag. Hon ang registered name nya tapos naalala ko na kay Marx ang phone na hawak ko. Nakalimutan kong ibalik sakanya kanina.

Patay na talaga.



Lalabas na sana ako ng tent pero pumasok na doon si Marx. Nakatingin sya sa hawak kong phone.

"Tumatawag si Max?" He asked.

I just nodded. Nahihiya ako sa katangahan ko today. Bakit ba kasi ako natataranta o kinakabahan. Wala naman akong ginagawang mali.

Relax self. Relax.

"Sorry nasagot ko. Akala ko kasi . . ."

"Okay lang." He cut me off

Inabot ko na sakanya yung phone nya tapos lumabas na ako ng tent ng hindi man lang nagpapaalam kila Ruru at Mikee.

Shems this feeling!

The Glaiza And Marx Long Lost Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon