*Flashback, Marx's POV
"Marx!! Shige na. Mamaya ka na umuwi. Sumama ka na samin. Minsan lang naman to eh."pagpupumilit sakin ni Buboy na sumama sakanila sa street party malapit lang sa location namin. Hinihila nya pa ang damit ko para hindi ako makapasok sa kotse. As if naman mapipigilan ako ng isang to.
"Buy, kailangan ko ng umuwi okay? Hinihintay ako ni Max."
"Hindi ka na rin naman aabot sa dinner nyo eh. Halos 3 to four hours ang byahe dun. 11 pm na oh? Sige na sumama ka na samin. Minsan lang naman to eh."
Napatingin ako sa relo ko. 11 na nga ng gabi. Alam ko namang hindi na din ako aabot sa dinner kila Max pero gusto ko lang makauwi dahil kanina pa sya hindi nagmemessage sakin. At sobrang nag-aalala na ako. Alam kong may tampo sya sakin ngayon at kailangan kong makabawi. Pero paano ako makakaalis kung ang isang to nakakapit na sakin. Tsk.
"Fine. Sasama na ako. Bitawan mo lang ako. Please lang Buy."I surrendered. Wala na akong nagawa kundi pumayag. Aayusin ko nalang ang samin ni Max pagbalik ko.
"Yes"ngiting tagumpay ang lokong to at nagsusuntok pa sa hangin dahil sa tuwa? Haha.
"Tatawagan ko lang si Max. Magpapaalam."
"Asus. Under si Marx."
Babatuhin ko sana sya ng hawak kong plastic bottle pero nakatakbo na sya agad. Ang bilis talaga ng isang yun.
//
Bumyahe kami papuntang Subic para sa street party na sinasabi nila. Mardigras ang tawag. Maraming tao at mukhang enjoy na enjoy ang lahat. May ilang nag-iinuman at nagsasayawan. Halos hindi na rin magkarinigan dahil sa lakas ng mga tugtog. Mabuti nalang nga at crowded ang lugar. Wala masyadong lumalapit samin to take a picture sa isa samin. Hindi kami masyadong nakikilala ng mga tao dito. Good thing kasi maeenjoy namin ang gabing to without any problems.
Papasok na kami pero hinarang kami ng bouncer para lagyan ng tag. Patunay na nagbayad kami para sa party na to. Isa-isa kaming pumasok sa loob.
"Dun tayo banda sa gitna ng mga tao. Lets enjoy this night guys." Aya samin ni Buboy pagkapasok naming lahat.
"Teka lang naman Buy! Hintayin mo kami. Excited ka masyado eh."usal naman ni Ruru. "Sige bahala ka dyan. Hindi ka naman pagkakaguluhan ng tao pag nakita ka nila eh."
"Grabe ka naman sakin Ruru."sabi ni Buboy na kakamot-kamot pa ng ulo. Bumalik sya sa tabi namin.
"Tara. Dun tayo banda sa harap ng stage."aya naman ni Ruru.
Nagpatiuna na sila ni Buboy at sumunod naman sila Rocco, Sanya, Gabbi Mikee at Kate.
I was about to step forward ng biglang may tumabi sakin. She's wearing a pants and white plain polo na medyo maluwag sakanya at nakashades sya. Ang lakas ng dating ng babaeng to. Nakaka-amaze lang talaga minsan ang mga pormahan nya. She's really different.
"Buti napapayag ka ni Buboy na sumama?"sabi ni Glaiza. Hindi sya nakatingin sakin. May hawak syang beer. Well, beer lang ang meron sa party na to.
"Nag-iinom ka pala?"
Napangiti sya ng konti sa tinanong ko. "Konti lang sa gantong sitwasyon. Baka ma-see you tomorrow ako eh. Mahirap na."
"Hahahaha. See you tomorrow ha."I burst into laughed. Totoo nga yung sinabi nila na madalas ma-see you tomorrow si Glaiza pag nag-iinom. Sakanya na mismo nanggaling.
"Ang saya mo ha. Tara na nga. Dun tayo sakanila. Nagsasayaw ka ba?"
I shrugged.
"Sus. Makisabay ka nalang kila Rocco. Tara. Wag kang KJ."
Hindi na ako nakasagot dahil naglakad na sya palapit kila Rocco sa gitna.
Pinagmamasdan kong mabuti si Glaiza habang nagsasayaw. Bakit iba ang nararamdaman ko? Yung pag-indayog ng katawan nya sumasabay sa tugtog na Shape on you ni Ed Sheeran habang tinatamaan sya ng iba't-ibang ilaw na nanggagaling sa stage. Parang hindi si Glaiza ang nakikita ko sa mga oras na to. Ibang Glaiza to. Wala sa harap ng camera. Hindi umaarte. Parang bumabagal ang paggalaw ni Glaiza sa mga mata ko. Bakit ganito?
Umiling ako ng ilang beses para alisin sya sa isip ko. I closed my eyes at huminga ng malalim. Pero hanggang sa pagpikit ko sya ang naiisip ko.
Dinilat ko ang mga mata ko only to find out na nasa harap ko na naman si Glaiza. Nakangiti sya sakin. Teka, am I dreaming? Kanina lang nasa gitna sya kasama sila Rocco. Ngayon nasa harap ko na sya at hawak na ang kamay ko.
"Tara."
Yun lang ang sinabi nya at hinila na ako palapit sa mga kasama namin.
Nagsasayawan silang lahat pero ako nakatingin lang sakanya. Is she drunk? Or ganto lang sya kapag nasa party? I don't know anymore.
"GLAI, ARE YOU DRUNK?" Finally, nakapagsalita na rin ako. Pasigaw na din ang ginawa ko dahil hindi kami masyadong magkarinigan.
"ANO YUN?"nilapit nya ng konti ang mukha nya sakin. Mukhang hindi nya ako narinig.
Nilapit ko din ang mukha ko sa tenga nya.
"SABI KO, ARE YOU DRUNK?"
Medyo napalakas naman ata this time ang boses ko kasi lumayo sya sakin bigla.
"HINDI. HWAG KANG MAG-ALALA. I CAN MANAGE."sagot nya sakin.
Nagsimula na naman syang gumalaw at magsayaw. Everyone is dancing. Pero bakit parang si Glaiza lang ang nakikita ko sa mga oras na to. She's dancing like there's no tomorrow.
Nagkakasayahan ang lahat. Inaalalayan ko na si Glaiza ngayon dahil napadami na ang inom nya ng alak.
"G, kaya pa ba?"bulong ko sakanya.
She just nod.
"Alright. Dito lang ako sa tabi mo."
"Hmp."
Yun lang ang isinagot nya at nagtuloy na sa pagsasayaw. Tinitignan ko din sila Ruru sa tabi namin dahil medyo nakainom na din sila. Good thing sila Gabbi at Sanya at ang dalawang bata na sila Mikee at Kate, hindi nag-inom. May kasama akong aakay sa mga lasing na to. Siguradong yari kami nito kay Direk bukas pag hindi sila nakapunta sa shooting bukas.
"Ouch."
Napabalik ang atensyon ko ng may nakabangga kay Glaiza. Na-out of balance sya pero agad ko syang nasalo.
Tumingin ako dun sa lalaking nakabangga sakanya. Mukhang bata pa.
"Sorry po."sabi nung lalaki. Tumango lang ako.
Inalalayan ko si Glaiza na makatayo ng maayos.
"You okay?"tanong ko sakanya.
Pero laking gulat ko ng tumingin sya sakin. Nagtagpo ang mga mata namin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Konting hibla nalang at magdidikit na ang labi naming dalawa ni Glaiza. Kumakabog ang puso ko ng sobrang lakas. Ano ba tong nararamdaman ko? Tama pa ba to?
Iiwas na sana ako sa pagtititigan namin pero mukhang huli na ang lahat. May nakabangga na naman kay Glaiza at. . . .nagtama ang labi naming dalawa. Napalunok ako. Naamoy ko ang alak sa labi nya. Ang init. Sobrang init.
"Oops. Sorry, Kuya Marx."
Napahiwalay kami bigla ng marinig namin kung sino yung nagsalita. Si Mikee.
Tumingin ako sakanya at parang gusto ko ng lumubog sa lupa. Nakatingin sila samin.
What should I do now?
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
FanfictionAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio