*Flashback
Marx's POV
"Hon, sa bahay ka na umuwi mamaya ha. Nagluto ng dinner si Mama. Inaasahan nya tayo dun. Okay?"sabi ni Maxene habang inaayos ang ilan sa mga gamit ko na dadalhin ko sa taping.
"Okay, Hon. Miss ko na din ang luto ng Mama mo eh."
Lumapit sakin si Maxene at niyakap ako sa leeg.
"Mag-iingat ka doon okay? Message mo ako pag may free time ka."she said and she kissed me.
Hindi ako bumitaw sa halik ni Max at mas lalo ko pang diniinan yun.
"Hmm.. M-marx. Malilate ka na."
Pilit ko pang hinahabol ang labi ni Max pero umiwas na talaga sya. Natatawa syang bumalik sa ginagawa nya.
Kinuha ko na ang mga gamit na inayos ni Max at ang susi ng kotse ko.
"Aalis na ako, Hon. Uuwi akong maaga. Promise. I love you."hinalikan ko sya sa noo as my goodbye kiss.
"Ingat ka, Hon. I love you too."
//
Huminto kami sa pagsho-shooting ng biglang bumuhos ang ulan. Kanina lang ang araw-araw pero ngayon naman ang lakas ng ulan. Sabi ni Direk itutuloy namin ang shooting pagtumila na ang ulan. Kailangan daw kasing matapos ang scene namin ngayong araw.
Iniisip ko si Max. Nagpromise ako sakanyang sa bahay ng family nya kami magdidinner ngayon.
Tinitext ko na sya kanina pa about sa pag-urong ng shooting namin mamaya pero wala syang response sakin. Mukhang nagtampo sya sakin.
"Coffee?"napatingin ako sa nagsalita. Si Glaiza. She handed me a cup of coffee. Kinuha ko naman yun.
Umupo sya sa tabi ko.
"Nakabusangot yang mukha mo. Kanina lang umaga ang aliwalas nyan nung naglalakad tayo."sabi nya at uminom sa kape na hawak nya.
Napabuntong hininga ako at napahawak sa batok ko.
"Problema?"she asked.
"Hays. May dinner kasi dapat kami ni Max sa house ng family nya. Inaasahan ako ng Mama nya na pumunta doon. Pero mukhang malabo na."tumingin ako sa labas ng tent. Ang lakas pa rin ng ulan.
"Pwede mo namang sabihin kay Direk na. . ."
"Maiintindihan naman ako ni Max. Alam naman nya ang trabaho ko eh."putol ko sa sasabihin sana ni Glaiza.
Alam ko na yan eh. Magsasabi ako kay Direk na may lakad ako mamaya. Ayaw ko namang maging unfair sa mga co-artist ko sa Enca na kakapasok lang. Naghintay sila so dapat ako din.
"Maintindihin naman palang girlfriend si Max. Edi relax ka lang."sabi ni Glaiza ng pataas-taas pa ang kilay nya.
Napangiti nalang din ako dahil sa gesture nya. Everytime na tumatawa or ngumiti sya, lumiliit yung anime eye nya. Napaka-sincere ng ngiti ng taong kaharap ko ngayon.
"Uy yung dalawa. Nagmomoment na naman."
To my surprise. Hindi si Mikee ang nang-aasar samin ngayon kundi si Buboy.
"Buy, gusto mo ng kape? Nang magising ka naman kung sino yung inaasar mo."may pagbabanta sa boses ni Glaiza.
Natawa naman ako sa naging sagot ni Buboy. Ilang beses syang umiling iling at zinip ang bibig nya na hudyat ng pagtahimik nya.
"Ang tapang talaga ni Pirena."komento ko.
"Baka kasi bigyan ng malisya ng iba. Mahirap na. You're in a relationship."sagot naman nya.
"May point ka naman dun. Pero hindi naman ako pumapatol sa ganung issue lalo na si Max. As long as alam ko yung ginagawa ko at kung nasa tama ba."
"Pero hindi mo naman masasabi ang isip ng tao. Malay mo, sa paglilink nila satin dito may ibang taong maglabas nun at sobra ang ibigay na malisya. We'll never know kung anong magiging takbo ng isip ng ibang tao at magiging epekto nun sa relasyon ninyo."
Napaisip ako bigla sa sinabi nya. Hindi ko alam ang tamang salita na pwedeng isagoy sa mga sinabi nya sakin. Point taken. She's such a good person.
"Hindi ka na bago sa industriya na to Marx. Alam mo naman ang takbo ng showbiz. Magulo at lalo pang pinapagulo ng malalabo at hindi totoong issue ang tunay na buhay natin. So be careful sa mga galaw mo."
Napangiti ako bigla dahil sa naalala ko.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"taas ang isang kilay nyang tanong sakin.
Umiling ako. Humigop ako saglit ng kape bago ako sumagot sakanya. "Tama nga ang sinabi nila sakin. Malalim ka ngang tao, Glai."
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyadong malalim ang mga tingin nya sakin. Hindi ko magawang bumawi ng tingin kahit saglit. Maganda ang mga mata ni Glaiza.
"Hoy! Kayong dalawa kung magtititigan lang kayo dyan. Dyan nalang kayo."
Sabay kaming nagbawi ng tingin ng magsalita si Ruru sa tabi naming dalawa.
"Start na raw tayo ulit."
Unang tumayo si Glaiza at sumunod kay Ruru. There's something about her talaga na parang gusto ko pang malaman kung ano ba yun.
Napailing nalang ako dahil sa naiisip ko. Tumayo na din ako at sumunod sakanila sa labas. Tumigil na pala ang ulan. Di man lang namin namalayan ni Glaiza na nasa labas na silang lahat at kaming dalawa nalang ang natira sa loob ng tent.
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
Fiksi PenggemarAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio