Present
Marx's POV
"Ahahaha. Right. Si Mikee talaga ang dahilan ng lahat. Sinadya nyang itulak ka kay Kuya Marx that time kasi nga nakita namin kayo. How you look each other, yung sobrang lapit ng face nyong dalawa. Hahaha."
"Hahaha. Kulang nalang magkiss kayong dalawa eh. Kaso nainip kami nila Ruru sa scene ninyo. Kaya ayun. Ako ng gumawa ng paraan. Hehe. Effective naman diba? Kita mo, may mga bulilits na sila."
Yan ang naabutan kong pinag-uusapan nila Glaiza, Mikee at Kate pagkauwi namin ni Sky. Alam ko namang sinadya ni Mikee ang pagtulak nya kay Glaiza sa street party na yun. Kilala ko sya. Maraming kalokohan. But thanks to her, I have Glaiza now.
"Love."napukaw ang atensyon ko ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Glaiza. Nasa pinto ako at karga ang natutulog na si Sky.
Nakita kong tumayo sya kaya agad akong naglakad palapit sakanilang tatlo.
"Wag ka ng tumayo Love. Iaakyat ko lang tong si Sky. Bababa din ako agad."
"Kuya Marx, walang pasalubong?"pahabol ni Mikee.
"Nasa kotse. Pakikuha nalang Mikes. Thanks."
Kahit hindi ako lumingon alam kong tumayo na sya at lumabas para kunin ang cake sa kotse. I knew her too well. Lagi ba naman nandito sa bahay eh.
Nang masigurado kong kumportable na sa pagkakahiga si Sky lumabas na ako ng kwarto nya at pumunta sa kwarto namin ni Glaiza. Magpapalit lang ng damit. After nun bumaba na ako to join them.
Naabutan ko si Glaiza na sitting pretty sa tabi ni Kate. Nanunuod sila sa sala. Kdrama again. Old habits never die.
"Nasaan si Mikee?"I asked them
"I'm here. Sorry, nakielam na ako sa kitchen ni Ate Glaiza."
Binaba ni Mikee yung dala nyang platito at tinidor sa table na nasa harap namin.
"Sanay na ako sayo."sagot ko sakanya.
"Ang mean mo sakin Kuya."sabay irap ni Mikee sakin.
"Just saying."
Hindi na sya sumagot. Tumalikod sya at akmang aalis.
"Hey, Kiddo. Saan ka pupunta?"
"Kukuhang inumin. Nakakahiya naman kasi sayo. Kami bisita mo pero ako nag-aasikaso sayo eh."She said sarcastically.
"Tsk. Pakibilisan. Pagod ako eh."
Inirapan nya ako sabay talikod. Naiiling nalang akong binalik ang atensyon ko sa pinapanuod nila.
"Ang mean mo kay Mikee ha."sabi ni Glaiza. Her head rested on Kate's shoulder.
"Hahaha. Nakakatuwa kasi syang asarin ngayon eh."
"Kuya, hindi kaya ikaw ang naglilihi talaga at hindi si Ate Glaiza?"
Napahinto ako sa sinabi ni Kate. Pero agad akong nakabawi.
"Naku po. Baka matuto ding mang-irap ang baby natin."biro ko.
"Hahahaha. Cute nun Kuya."
Napangiwi ako. Cute? Hahaha. Parang hindi naman. Inirapan ko din si Kate which made them laughed.
"Hahahahahaha."
Ano ba naman to. Nahahawa na din ako kay Mikee kakairap nya sakin.
//
Glaiza's POV
Later that night. Nagkwentuhan pa kami ni Marx sa mga happenings ng buhay namin noon.
Sa totoo lang, ang dami ngang nangyari noon. Mga hindi inaasahang pangyayari. Mga bagay na dapat hindi nangyari. Hindi na dapat nalaman pa at mga bagay na dapat hindi nalang talaga nalaman pero mga bagay na pinagpapasalamat namin ngayon.
"Yeah. Yeah. Naaalala ko nga yun."sabi nya ng natatawa pa ng konti.
"Bakit ka natatawa?" I asked him out of curiousity.
"Di mo naaalala, Love?"
Kumunot ang noo ko. Hoping na maisip ko kung ano yung sinasabi nya. It took me a minute bago ko makuha ang sinasabi ng asawa ko.
Pinalo ko sya ng mahina sa braso nya.
"Ikaw. Ang bata pa ni Ruru nun. Tsaka, crush lang yun sabi nya diba? Hahaha."
"Hahaha. Still. He liked you."
Hindi na ako nakipagtalo sakanya kasi totoo naman. Inamin naman sakin ni Ruru na crush nya ako noon. Pero noon pa yun. Nung medyo bata-bata pa sya.
I'm her love guro noon sa lovelife nila ni Gabbi. Because the latter is nainlove sa iba.
But thanks to Ruru. Dahil lagi syang nandyan for me nung mga panahong hindi pa malinaw sakin ang feelings ko kay Marx.
"Hey?" Pukaw ni Marx sa atensyon ko.
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Iniisip mo si Ruru noh? Tsk. Selos na ako ha."
"Sira ka! Hindi lang sya ang iniisip ko noh."
"So meron ka pang iba? Haha."
"Gusto mong matulog sa labas?" Sabi ko ng may halong pagbabanta. Pero syempre joke lang yung matutulog sya sa labas. Haha.
"Ayaw." Hinigpitan ni Marx ang pagkakayakap sakin. So I did the same. "Tulog na tayo Love. You need to rest. I love you Lovey ko."
"Goodnight, Love. I love you too."
He kissed me on the lips and we both fell asleep.
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
FanficAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio