Chapter 10

312 8 14
                                    

Flashback *General's POV




Nakatulalang pinagmamasdan ni Marx ang phone nya. Kanina pa tumatawag sakanya si Maxene. Nag-iisip pa sya ng sasabihin nya sa kasintahan. Alam nyang alam na ni Maxene ang tungkol sa accidental kiss nila ni Glaiza at sigurado syang galit ito ngayon sakanya.

'Wala ka namang ginawang mali Marx. Don't be nervous. Maaayos mo rin to.'

Sinagot na ni Marx ang tawag ni Maxene. Ayaw nya ng patagalin pa ang issue.

"No Hon. Let me explain. It's not what you think. Aksidente lang yun okay?"

Naihilamos nalang ni Marx ang kamay nito sa mukha nya habang nagsasalita si Maxene sa kabilang linya.

"Magpapalinawanag ako sayo pag-uwi ko. Promise. Wala talagang namamagitan samin ni Glaiza. Oh about that. Kinuha nya kasi yung phone ko nung pinakita ko sakanya yung post tapos pumunta sya kila Mikee. Hindi ko na alam ang dahilan bakit nya sinagot. Nagsasabi ako ng totoo, Max."

Sapo ang sariling mukha nyang nailapag nalang ang phone sa tabi ng bigla nalang syang babaan ni Maxene ng tawag.






//






"Max, pakinggan mo naman ako." Nagsusumamong tinig ni Marx.

Kauuwi lang nya ng bahay nila para sana magpaliwanag sa kasintahan pero hindi sya nito pinapansin at nakakulong lang sa kwarto.

Panay na ang katok ni Marx sa pinto pero wala pa ring Maxene na lumalabas.

"Alam kong galit ka sakin. But please, listen to me. Walang namamagitan samin ni Glaiza. That kiss. . ." Napapikit si Marx ng maalala nya ang gabing iyon. Naisandal nya ang noo nya sa pinto. "It's was. .an accident."pagpapatuloy nya. "Hindi ko ginusto yun. At bakit ko gugustuhin yun? Max, nagsasabi ako sayo ng totoo."

"Pa?" A young voice caught his attention. Tumingin sya sa nagsalita and he saw his 9 years old son. Mraz.

"Bakit gising ka pa? Bumalik ka na sa kwarto mo. Maaga pang pasok mo bukas."sabi ni Marx. Nilapitan nya ang anak at sinamahan ito pabalik sa kwarto ng bata.

"Magkaaway po kayo ni Tita Max?" Hindi sumagot si Marx. Inaayos nya ang pagkakahiga ng anak. "Dahil po ba yun sa babae?"

"San mo nalaman yan?" Takang tanong ni Max.

"Sa news po. Nakita po kita doon at yung babae na. . ."

"Don't listen to them. Okay?" Putol ni Marx sa sasabihin sana ng anak nito.

Mraz just nodded.

Bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hinalikan nya ito sa noo.

"Good boy."





//






Present




General's POV



Tahimik na naghihintay si Sky sa gate ng school kung saan madalas nyang hintayin si Marx pag oras na ng uwian nya. Nahuli ng dating ngayon ang huli dahil sa dami nitong tinatapos na trabaho. Hindi din makapunta dahil ito na ang huling check up nya.

Napatingin si Sky sa relong suot nya at napabuntong hininga nalang sya dahil halos kalahating oras na syang naghihintay doon. Hindi sya sanay na naghihintay kay Marx dahil lagi itong nauunang dumating sa uwian nya.

Tinignan nya pa ang mga batang naglalabas masok sa school nila at ang ilan ay may mga sundo na. Yakap-yakap ang bag nyang napatingin sya sa harap at napangiti ng may makitang pamilyar na mukha na kabababa lang sa taxi.

"Daddy?" Bulong ni Sky at excited na tumakbo. "Dyyyyyy." Sigaw nya. Nakuha nya ang atensyon ng lalaki.

Tumakbo si Sky palapit dito.

Kunot naman ang noo ng lalaki na pinapanuod si Sky na lumapit sakanya.

"Dy, kanina pa kita hinihintay eh. Why you took so long?" Nakangiting sambit ni Sky. "Oh. Where is your car po . ." Napatigil si Sky sa pagsasalita ng harapin sya ng lalaki. "Oh I'm sorry po. I thought. . ."

"Daddy mo ako?"pagpapatuloy ng lalaki sa sinasabi ni Sky. Tumango lang si Sky at nahiya bigla.

Napayuko nalang sya. "Sorry po."

"It's okay, Sky."nakangiting sabi ng lalaki sakanya.

"Oh, you know my name po?"

"Uh-huh."

Ngumiti si Sky sa tinuran ng lalaki.




//






Kabadong binabagtas ngayon ni Marx ang daan pauwi sa bahay nila. Hindi na nya kasi naabutan doon si Sky. At sabi din ng mga guards na may kasama itong lalaki at sumakay ng taxi.

Sinubukan na din nyang tawagan ang dalang phone ng anak pero hindi nya na ito matawagan dahil nakapatay na.

Pagkadating sa bahay nila agad-agad syang bumaba ng kotse at pumasok sa bahay. Pinagpapawisan na sya ng malagkit dahil sa kaba.

"Love? Si Sky. . ."bungad ni Marx pagkapasok ng bahay. Pero agad syang napahinto sa naabutang eksena sa sala ng mag-ina nya at ng isang lalaki. Nagkikwentuhan ang mga ito.

"Dy. ."si Sky ang unang nakapansin sa presensya ni Marx.

Nakahinga naman sya ng maluwag ng makita ang anak na katabi ng asawa. Muli nyang nilingon ang lalaking kasama nila Glaiza.

"Dy, tara po sa tabi namin. Ipapakilala po kita kay Kuya Mraz." Hinila ni Sky si Marx palapit kay Mraz.

"Mraz?"halos pabulong nalang na sambit ni Marx at pinakatitigang mabuti ang nakangiting lalaking kahawig nya.

"Pa. ." Tumayo sya at niyakap si Marx.

Kusa na ding tumulo ang luha ni Marx at gumanti ng yakap sa anak na matagal nyang hindi nakasama.




//







"Love. . ."pukaw ni Glaiza sa atensyon ni Marx.

Magkatabi silang nakaupo sa couch at nanunuod ng tv. Habang sila Sky at Mraz ay nasa lapag, naglalaro ng uno box.

"Hmm?"

"Napaisip lang ako, what if. . .what if. . ." Hindi maituloy-tuloy ni Glaiza ang sasabihin dahil sa nararamdaman nyang pagbabadyang pagbagsak ng luha nya.

"What if ano?"sambit ni Marx. Seryoso itong nanunuod ng tv at hindi inabala ang sariling tignan ang naluluhang asawa.

"What if nandito si Hero?" Doon na naalis ang atensyon ni Marx at tinignan ang asawa nya. Nakita nya itong nakatingin sa direksyon ng magkapatid.

"Love. . ."sambit ni Marx. Nakikita nya ang lungkot sa mga mata ni Glaiza. Kung gaano nito kamiss ang panganay nilang dalawa.

"Paano kung nandito sya? Sa tingin mo ba. . .ganyan din sila ngayon ni Sky? Ano kayang magigi. . ."humikbi si Glaiza. Hindi na nya napigilan ang sariling hindi maiyak. "Ano na kayang magiging itsura nya ngayon. Kamukha mo din kaya sya katulad ni Mraz?"

"Love, hwag kang umiyak. Baka makita ka ni Sky na umiiyak at isa pa. . .hindi makakabuting umiiyak ang mommy ng kambal." Hinawakan ni Marx ang tyan ni Glaiza at sakto ang paggalaw ng kambal dito.

Napangiti si Glaiza dahil doon. "Gustong-gusto ka nila."

"I know. Pero alam kong malulungkot si Hero kung nakikita ka nyang umiiyak ngayon. And to answer your questions. Sa tingin ko, MAS close si Sky at Hero. Dahil mas matagal silang magkasamang dalawa. At sa tingin ko din, hindi ko kamukha si Hero. ."tinignan sya ni Glaiza. "Dahil ikaw ang kamukha ng mga anak natin."

Ngumiti si Glaiza at pinunasan ang luha. Binalik nya ang tingin kila Mraz at Sky at saktong nakatingin din sakanya si Mraz. Nginitian sya nito kaya ngumiti din sya dito.

"It's okay."Mraz mouthed as if alam nya ang dahilan ng pag-iyak ni Glaiza. Gusto lang nyang pagaangin ang loob ng asawa ng tatay nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Glaiza And Marx Long Lost Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon