*Flashback pa rin ito and still Glaiza's POV
We're here sa loob ng tent kung saan ang standby area namin nila Sanya at Gabbi with Mikee and Kate. Minsan hehe. Hindi kasi talaga dito ang tent nilang dalawa. Nakikishare lang sila dito pag trip nilang makigulo saming tatlo. Alam nyo na, halos magkakasing edad lang kasi sila and I'm always the ate here. Haha.
Gabbi is busy scrolling. Sanya is sleeping as always. Si Kate at Mikee naman nakikipagchikahan sakin.
"Ate Glai, try mo rin kayang kantahin yung Sana kahit minsan. Bagay sa voice mo yun." Mikee suggested.
"Oo nga, Yna. For sure maraming matutuwa."Kate agreed.
"Try mo kaya ngayon? Hahaha. Sige na please."humawak pa sakin si Mikee at nagpapacute. Haha.
"Sira ka talaga Miks!"inalis ko ang pagkakayakap nya sa braso ko. "Anong tingin mo sa sarili mo? Koala? Kung makakapit ka sakin. Haha."
"Sige na kasi Ate. Isa lang. Promise."
"Please."
Nakipagtigasan pa ako ng tingin sakanilang dalawa. Pinagkampihan na talaga nila ako.
"Fine."I surrendered.
"Yes." Tapos nag-apir pa silang dalawa.
Naghanap ako ng kanta sa youtube na sinasabi nila at nakahanap ako ng version ni Ariel Rivera. Pinakinggan ko yun at he sang it well. Parang hindi ko kayang kantahin to. Haha.
Habang kumakanta ako nakatitig lang silang dalawa sakin ng nakangiti at para bang nanunuod ng recording. Mga baliw talaga.
Hindi ko na tinapos yung song. "Nawiwili kayong dalawa ha."I said and binalik ko yung phone sa bag ko.
"Bitin."reklamo ni Mikee. Tatayo sana sya at aalis siguro pero huminto sya. "Kuya Marx? Kanina ka pa dyan?"
Napalingon ako sa pinto ng tent and I saw Marx standing there. What is he doing here?
Tumango sya. "Ang ganda pala ng boses mo, Glai. I think, I have to listen to your songs na simula ngayon."
"Ayiiiieh. Si Kuya Marx oh. Hinay-hinay lang ha. Baka mainlove ka kay Ate G. Haha."Mikee teased him.
"Mikee!"saway ko sakanya at pinanlakihan sya ng mata. "Hwag kang makinig dyan. Baliw yan eh. Anong ginagawa mo pala dito? Nasa kabilang tent sila Rocco."
"Well, dun naman talaga ang punta ko. Pero narinig ko kasing kumakanta ka kaya nag eardropping muna ako. Sorry. I'm rude. Haha."
"Ano ka ba Kuya Marx. Hindi kaya rude yun. Nakakakilig nga eh. Hahaha. Ikaw ha!"ayan na naman si Mikee.
"Oo nga. Sa susunod na labas namin, Kuya sama ka samin ha. Laging kumakanta si Ate G. But careful lang sa feelings ha."pagride naman ni Kate sa malokong si Mikee.
"Mga batang to talaga. Sige na. I'll go ahead."paalam ni Marx. Pero itong si Mikee nagpahabol pa.
"SAMA KA SAMIN KUYA HA."sigaw nya.
"Shhh. Mikes ang ingay mo."bulyaw ng nagising na si Sanya.
"Yan kasi."sabi ko nalang at tinabihan si Gabbi na kanina pa tahimik.
"Bagay kayo."bulong nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Pati ba naman ikaw, Gab?"
"Hahaha. Just saying, Ate Glai."
"Sinong bagay?"tanong ni Sanya na pupungas-pungas pa ng mata.
"Si Ate G. . . .bshalabf dhwlagahalka." Bago pa man maituloy ni Mikee ang sasabihin nya tinakpan ko na agad ang bibig nya. Ang daldal eh.
"Hahahaha." Natawa nalang sila Kate at Gabbi.
//
"Cut. Good take, Glai." Anunsyo ni Direk after kunan ng eksena ko kasama ng ibang hator.
Umupo ako sa tabi ni Gabbi tapos bigla nyang tinapat sakin ang phone nya.
"Say hi naman sa encantadiks, Pirena."
Nagpe-facebook live pala sya. Kumaway ako doon at bumati. She smiled at me at finocus naman ang phone nya sa iba naman naming kasama.
"Look who's here guys. Azulan himself."
Napatingin ako sa gawi ni Gabbi at katabi na nya si Marx na busy din sa pagkaway sa camera.
"Pasulyap-sulyap lang at nabibihag na ang puso ko." Pakanta-kanta pa si Mikee na tumabi sakin.
"Ikaw talagang bata ka."
"Hahahaha. Peace Ate G."sabi nya at tumabi na sya kay Gabbi na kasundo nya sa Facebook live.
Naiiling nalang akong tinitigan sya. Ang kulit kulit ng batang ito. Baka sa susunod na araw maniwala nalang si Marx sa mga pinagsasabi ni Mikee sakanya.
"Glai, bukas na pala kukunan ang scene nating dalawa."gulat pa akong napalingon sa left side ko dahil biglang may nagsalita. "Nagulat ba kita?"
"Ehehe. Hindi Marx. Ano nga ulit yung sinabi mo?"
"Sabi ko bukas na pala kukunan ang first scene natin."
"Ah?" Tinignan ko yung script. "Ah oo nga pala. Haha. Hindi ako aware." I manage myself to act normal. Bakit ba kasi kinakabahan ako. Glaiza umayos ka.
"So bukas nalang ha. Bye."
"B-bye." I waved at him
"Asus. Tense na tense sa presence ni Kuya Marx ha." Mikee said. Dahan-dahan pa akong lumingon sakanya. "Joke. Hehe." Sabi nya tapos tumakbo na. Alam na nya kasi pag tinignan ko sya ng ganun.
"Tumakbo ka na ng mabilis, Mikee! And make sure na di kita maabutan bata ka." Natatawa kong banta sakanya. Haha.
At bago pa ako makalayo kila Gabbi narinig ko syang nagsalita.
"Naglaro na naman ang mga bata."
Tumigil ako saglit at tinignan sya. Agad naman syang naalarma sa tingin ko sakanya. She knows me too well. Haha.
"Ah ganun? Bata pala ha. Halika dito."
"Omg! Ate Glaizaaaaaaaa! May scene pa ako." Tumayo na din sya at nagsimulang tumakbo papunta kay Mikee. "Mikee, kasalanan mo ito eh. Nakakainis ka."
"Nakisali ka pa kasi. You know naman na ayaw nyang tinatawag syang bata. Kasi She's dalaga na nga. Hahaha."sagot naman ni Mikee
"Humanda kayong dalawa sakin pag naabutan ko kayo!"
//
A/N
Hello everyone! Goodevening.
Feel free to vote and comment down there 👇 . Thank you:)
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
FanfictionAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio