*Flashback and Glaiza's POV still
Sa Morong Bataan ang location ng shooting namin today to shoot some mini fight scene at ang kaabang-abang na finale ng Enca. Medyo matagal pa naman yun pero unti-unti na naming pinaghahandaan and ending.
Dumating ako ng maaga sa bataan. Meron na ring ibang staff na nandito at nag-aayos. Yung ibang nililinis ang lugar. Nasa tabing dagat kami kaya mas lalong nakakagaan ng feels.
"Ms.Glaiza. ." Tumingin ako sa tumawag sakin. Staff ng Enca at may dala syang upuan. "Upo po muna kayo."
"Thanks."
Kinuha ko yung upuan tapos umalis na sya. Umupo ako medyo malayo sa mga staff para naman makapagrelax kahit saglit.
Papikit palang ang mata ko ng may maramdaman akong tumabi sakin. Binaba ko pa ang suot kong shades para tignan sya.
"Marx?"
"Hi."ngumiti sya at kumaway pa nga.
"Why so early?"tanong ko sakanya. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng hiya sakanya dahil sa kahapon.
"I don't know. Hahaha. Sorry, I just don't know kung bakit ako maaga. Parang naramdaman ko lang na dapat maaga ako today."natatawa nyang sagot sakin. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sakanya na kunot ang noo. "Weird right?"
"Yeah. Hahaha." Natawa nalang din ako at nag-iwas na ng tingin sakanya.
Parehas kaming nakatingin sa dagat habang nagkikwentuhan. Madaldal din pala ito. Na kahit lahat ng kalokohan nyo noong kabataan nya eh naikwento nya pa. Hahaha.
"Hey, maiba tayo."he cut off me sa pagtawa.
Tumingin ako sakanya. "Yes?"
"Napakinggan ko na lahat ng songs mo. I must say. . .isa na ako sa mga fan mo. Haha. Tama nga sila Ruru. You're good at singing. Bibili na rin ako ng albums mo in the future. Manunood ng concerts mo pag meron. Hahaha."
Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi nya? Did I heard it right? Pinakinggan nya ang mga kanta ko at bibili sya ng album ko? Wait. . .magproseso ka naman utak. Hindi yung na-stock ka nalang dahil sa mga sinabi nya. Oh come on, self!
"Hey, Glai? Are you okay?"
"Ha? Ah. .haha. Oo. Thank you sa pakikinig. Mabuti naman at nagustuhan mo yung mga kanta."
Tumango lang sya at tumingin na lang din sa dagat. Ganito lang kami for a minutes. Tahimik lang kaming dalawa not until Mikee came. Eto na naman po ang bata.
"Uy yung dalawa. Nagsesenti. Nagsosolo. Yiiiieh."panunukso samin ni Mikee. Tinusok-tusok nya pa ang tigiliran naming dalawa ni Marx. Pasaway talaga.
Tinignan ko si Marx. Nakangiti lang sya. Bakit parang wala lang sakanya ang pang-aasar ni Mikee samin? O ako lang yung naaapektuhan? Ugh! Hate this feeling!
Hindi na din nagtagal si Mikee sa tabi namin dahil dumating na sila Kate at Gabbi.
Tatayo na sana ako ng biglang magsalita si Marx.
"Saan ka pupunta?"He asked me.
"Maglalakad-lakad lang. Babalik din ako agad. Kapag hina. . ."
"Sama ako. Kung okay lang?"tumayo sya.
May choice pa ba ako? Baka kung anong isipin nya kung umiwas ako diba? Tsaka bakit ba ako iiwas.
"Sure."malamig kong sagot sakanya.
Tumalikod na ako peri narinig ko pa syang sumigaw. Nagpaalam sya kila Mikee. Napapikit nalang ako. Malamang bibigyan na naman ng malisya ni Mikee ang pag-alis namin.
"SURE KUYA MARX! KAMI NG BAHALA. SASABIHIN NAMIN KAY DIREK NA NAGDATE LANG KAYO SAGLIT. ENJOY."
See? Hindi talaga ako nagkamali sa iniisip ko.
Napatingin ako kay Marx nung lumapit na sya sakin. Nakangiti lang sya.
"Wag kang mapipikon kay Mikee. Mukha kasing nasa ugali na nya ang pagiging makulit at energetic na bata Haha."sabi nya without looking me.
"Haha. Oo naman. Sanay na ako sa bata na yan. Nung una nga kay Ken nya ako inaasar eh. Ganyan talaga yan."sagot ko sakanya.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa dalampasigan. May ilang tao ang lumalapit samin para magpapicture. Bakit ba kasi nakalimutan kong artista nga pala kami at talagang may lalapit at lalapit samin pag may nakakita samin dito. Wews. Para tuloy naging meet and greet ang nangyari sa paglalakad namin.
"Hindi ka ba napapaisip?"he asked out of the blue. Pabalik na kasi kami ngayon sa set.
"Napapaisip? Like what?"
"Tulad ng. . .what if hindi ka artista? Lalapitan at papansin ka kaya ng ibang tao? Kung hindi ka artista. . .makikilala kaya kita?"
Napatingin ako sakanya. Ang seryoso ng mukha nya.
"I mean. . .ikaw si Glaiza De Castro ng showbiz. Isa sa pinakamagaling na artista sa generation mo. At honor para sakin na makasama ka sa isang trabaho."
Nagbawi ako ng tingin. Bakit ba ganito ang naramdaman ko sa sinabi nya? Tsk.
"Hahaha. Ikaw din naman si Marx Topacio eh. Bukod sa pagiging model mo at artista. Boyfriend pa ng isa sa pinakamagandang Miss U ng pilipinas. Hahaha."natatawa kong sabi.
"Hahahaha. Boyfriend. Yeah. I'm Maxene's boyfriend."
Is it just me or may pait talaga sa boses nya nung sabihin nyang boyfriend sya ni Maxene? Erase! Erase that thought Glaiza.
Natahimik kaming dalawa. Walang nagsalita hanggang sa makabalik na kami sa set. Nakarating na din pala ang ibang cast like Sanya and Rocco.
//
Author's NOTE
Next update. Marx's POV naman at present na nila.
BINABASA MO ANG
The Glaiza And Marx Long Lost Love Story
FanfictionAng nabuong pag-iibigan ni Glaiza at Marx sa Encantadia. Bago mangyari ang Fixing our Family at Familia Topacio