Chapter 69
Hindi pa man lang ako nakakalabas ng gate ay nakita ko na agad ang kumpulan ng mga estudyante ng South University sa gate. Kinailangan ko pang makipagsiksikan para makalabas ako.
"Excuse me." sabi ko sa isang babaeng estudyanteng kilig na kilig sa kung ano man ang nakikita niya. "Excuse me." ulit ko. Todo pa cute kasi sila kaya di man lang ako pinapansin.
"Excuse me padaan ako." naiinis na ako ah.
"Wag ka ngang sumingit!" napa aray ako ng bigla niya akong itinulak ng isang babaeng katabi niya. Napaupo ako sa daan. Psh. Malas nanaman ba ako sa araw na 'to?!
"Buti nga sayo 'yan! Sisingit singit kasi eh!" singhal niya sa akin.
"Stacey.. Stacey.." kinakalabit siya ng isa pang babaeng katabi niya.
"Bakit?" iritang tanong ng babaeng kanina pa ko sinisigawan. Tatlo sila.. yung Stacey, yung tumulak sa akin at yung babaeng kumakalabit kay Stacey.
"Palapit siya dito." agad humarap si Stacey sa unahan.
"OMG! Ang gwapo talaga niya!"
Nang tumingin ako sa papalapit na lalaki nakita ko kaagad ang mukha ng taong mahal ko.. Si Patrick. At bakas sa mata niya ang galit. Lahat na lang ba galit?!
"Are you okay? May masakit ba sayo? May sugat ka ba?" dire-diretsong tanong niya. Bakas ang galit sa mata niya kanina pero ng lumuhod siya ng konti sa harap ko ay nawala iyon at napalitan ng pag aalala. Chineck niya ang braso ko kung may sugat ganun din ang paa ko.
"O-okay lang ako."
"You sure?"
"Hey, wag ka ngang lumapit diyan. Baka masayang ang kagwapuhan mo kung didikit ka sa mga babaeng pangit na tulad niyan." Nagtama ang mga bagang ni Patrick dahil sa narinig niya. aii shunga! Ginagalit niya ba talaga si Patrick?!
Tinulungan ako ni Patrick makatayo at hinarap niya ang babaeng nagsalita.
"Ako nga pala si Stacey. I can be your girlfriend if you want. Wag kang maawa sa babaeng yan tatanga tanga lang talaga ya--ARAY!" magtataray pa sana siya pero agad hinawakan ni Patrick ang braso niya. No! Galit si Patrick.. makakasakit na siya!
"Bitawan mo ang kaibigan namin!" sigaw nung babaeng tumulak sa akin pero napaatras siya ng tiningnan siya ni Patrick.
"L-Let me go!"
"Patrick.." hinawakan ko na ang kamay niya para pakalmahin siya. "..okay lang ako. Tama na. Umuwi na tayo."
"Don't you ever dare touch MY WIFE!"
"Y-your w-wife?"
"Remember her name.. Isabella Velasco-Saavedra. Try talking sh*ts about her then this guy infront of you named Patrick Saavedra will cut your tongue." binitawan na siya ni Patrick at agad akong hinila paalis sa kumpulan na iyon.
"Patrick.." tawag ko sa kaniya. Dire-diretso lang siya sa pagkaladkad sa akin. "..Patrick.." this time tumingin na siya sa akin.
Ngumiti siya sa akin at hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap.
"Natakot ba kita? Sorry.. ayaw ko lang sinasaktan ka nila." kung alam niya lang na una akong sinaktan ni Ryan. Gumanti ako ng yakap. Ang init ng yakap ni Patrick.. ang yakap na gustong gusto ko.
"Ayaw kong nasasaktan ka.. Mahal na mahal kita, Yssah" naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
"Mahal na mahal din kita, Patrick."
---
"Doon oh!" itinuro ko ang isang manong na nagtitinda ng ice cream sa gilid ng park.
"It's dirty ice cream. Baka hindi safe 'yan. Sa iba na lang tayo bumili." sabi ni Patrick habang nakaupo sa isang sementadong upuan.

BINABASA MO ANG
I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)
Teen FictionContinuation po ito ng gawa ni ms. iloveyouforyouu :)