Chapter 72

119 7 0
                                    

Chapter 72

"Yssah?" Agad kong ibinalik sa bulsa ng bag ko ang cellphone ko ng marinig ko ang boses ni Patrick. Naramdaman ko na lang na inangat niya ang mukha ko, nakalapit na pala siya. Hindi ko man lang namalayan.

"Are you okay? You look.. pale." inilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Tinitingnan siguro kung may lagnat ako. MAs okay ng isipin niyang may sakit ako kaysa tanongin niya ako tungkol sa totoong dahilan.

"O-okay lang ako.." nauutal na sabi ko. "Okay lang ako PAtrick." ulit ko ng mas maayos. Para naman hindi na siya mag alala.

"Are you sure? Sumakay ka na lang sa likod ko." umiling ako. Hindi naman ako napilay pero kinakabahan lang talaga ako.

"Uwi na lang tayo, Patrick." hinawakan niya ang kamay ko, mahigpit. Gusto kong ngumiti dahil alam kong gusto niyang iparating sa akin na nandiyan lang siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung naramdaman niya ang panginginig at ang pagpapawis ng kamay ko.

Siguro wrong send lang iyon, hindi ba? O kaya naman masamang prank. Yssah, wala lang iyon. May mga taong wala lang talagang magawa kundi mantrip ng kapwa, nga taong walang magawa. Ulit ko pa sa sarili ko pero walang epekto. Wag mo ng isipin 'yun nauso naman talaga ang mga ganiyang trip eh. Dagdag ko pa sa sarili ko.

Normal lang iyon. Pero paano kung totoo? Paano kung hindi biro ang text na iyon. CONGRATULATIONS, YSSAH! May gustong pumatay sa'yo. Gusto kong pagaanin ang nararamdaman ko pero di ko alam kung paano. NAg mu-mukha na nga ata akong baliw dito dahil ako mismo ang nag co-comfort sa sarili ko. Kung may papatay sa akin, ibig sabihin.. BILANG NA ANG MGA ORAS KO?!

"Yssah, sigurado ka ba talagang okay ka lang? Tulala ka nanaman." tumingin ako sa kaniya ng magsalita siya at biglang humigpit din ang pagkaka hawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa paligid, nasa tapaat na pala kami ng bahay namin.

Umiling iling ako para maalis ko sa isip ang text na iyon. Wala namang magandang maidudulot kung iisipin ko lang yon eh. Masyado na akong nag papa apekto sa simpleng text na yon na wala naman kwenta. Tumingin ako ulit kay Patrick, ngumit ako sabay tango.

"Sure ka?" paninigurado pa nya.

"Oo nga po sabi. Ang kulit mo naman eh." Lumapad ang ngiti ko. Hindi ko pwedeng ipahalata sa kaniya na may bumabagabag sa akin. Ayaw kong madamay siya. "Pagod lang siguro 'to. Alam mo naman, practice." raso ko sa kaniya. Sana maniwala siya sa rason ko. Mas mabuti ng umiwas, dahil kung totoo nga ang text na yon mapapahamak din si Patrick.

"Sige, magpahinga ka muna sa loob. Dadalahan na lang kita ng dinner sa kwarto mo."

"Patrick.. ano.. kasi.. ahmm.. hindi kasi ako nagugutom. Wala akong gana." LIE! Ang galing mong magsinungaling Yssah! Nagugutom na talaga ako eh.

"Hindi ka pa kumakain ng maayos eh. Magluluto ako ng sinigang, sandali lang."

SINIGANG?!! WAAAAAHHHH!!! FAVORITE KO 'YON! SINIGAAAAAAAAANG! Gusto kong kumain ng sinigang. Super namimiss ko ng kumain ng sinigang lalo na kung si Patrick ang nagluto. Oo syempre, gusto ko talagang kumain, pangalan pa lang nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan. Daig pa ang ilang linggong hindi kumain. Naglalaway na ako, tsk. yung asim ng sinigang! Busog, buchog ako nito panigurado!

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon