Chapter 78
THIRD PERSON’S POV
“Malayo pa ba tayo? Baka magsimula na yung play.” sabi ni Rhian kay Patrick.
Pauwi na sila ng Manila galing sa Baguio. Dinala ni Patrick ang kotse niya dahil mas mauuna siyang umuwi kaysa sa mga kasamahan nila sa field trip. Nag da-drive si Patrick at si Rhian naman ay nasa tabi niya, sumabay na din siya dahil gusto niya ding mapanuod si Yssah na magpe-perform sa stage.
“Apat na oras pa bago tayo makarating sa Manila.” Tumingin si Patrick sa relo niya. “Mamaya pa naman magsisimula ang play eh. Makakahabol pa tayo.”
“Alam ba ni Yssah na OTW na tayo? Baka kanina pa siya nagaalala.”
“Yeah you’re right. Kanina pa sa akin tumatawag si ate dahil hindi na daw mapakali si Yssah. She can’t use her phone dahil focus muna sa final rehearsal kaya si ate ang nangungulit sa akin. I’m glad that she’s with Yssah atleast kahit paano hindi siya masyadong kakabahan.”
“Dapat wag siyang kabahan. Big day niya kaya ngayon no.”
“It’s really her big day! Ah, kumain ka na ba ng lunch kanina?”
“Hindi pa nga eh.”
“Stop over muna tayo. May nakita akong pwede nating makainan dito eh.”
"O sige, after nating kumain ako na muna ang magda-drive. You need to rest alam kong wala ka pang tulog dahil ikaw ang nagasikaso sa field trip natin."
"No, I'm fine. kaya ko pa naman eh."
"Marunong akong mag drive at wala akong balak ibangga ang kotse mo. So don't worry let me drive later.." tumango naman si Patrick. He really needs a rest baka magalala si Yssah mamaya kapag nakita siyang mukha na siyang zombie.
---
Nagsisimula ng mapuno ang buong Theatre Studio kung saan gaganapin ang new genre play ng South University. The crew are leading the audience to their seats. Isa-isang nagsisi datingan ang mga manunuod na inimbitahan at nakatanggap ng anunsyo tungkol sa mangyayaring play.
Si ms. Evangelista naman ay busyng kinakausap ang mga kilalang guest na dumalo para mapanuod ang gaganaping play. Puro ngiti at tango ang ginagawa niya habang pinupuro ng mga kilalang panauhin ang venue at ang center stage.
Ang Theatre Studio na madalas nilang pag practice-an ay tila nag evolved dahil sa magandang itsura nito na nakakapagpadagdag ng kakaibang emotion sa mga audience.
Kulay pula at kulay gold ang nangingibabaw na kulay sa buong studio. Simple pero eleganteng tingnan ang buong studio. May mga upuan din sa taas na parang sa sinehan. Kayang humawak ng buong studio ng humigit kumulang walong daan na katao.
Natatahuban naman ng pulang malaking kurtina ang center stage para matakpan ang set.
“You really did a great job transforming this studio to a great elegant yet simple look, ms. Evangelista.”
“I can’t do this without my students sir.” Nakangiting sabi ni ms. Evangelista sa presidente ng school. Tumango tango naman ang ginoo bago maupo sa pwesto niya.
Sa backstage ay hindi mapakali si Yssah sa paglalakad ng pabalik-balik.
“Ugh. Maupo ka nga muna Yssah, seriously I think I’ll be having a headache after this.” Reklamo ni Pamina habang nakahawak na sa kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)
Ficțiune adolescențiContinuation po ito ng gawa ni ms. iloveyouforyouu :)