Chapter 50

275 9 1
                                    

Chapter 50

Maagang gumising si Yssah para mag luto ng breakfast nila ni Patrick. Saturday ngayon at parehas silang walang pasok.. umakyat muna si Yssah sa kwrto ni Patrick. kumatok siya ng mahina at binuksan niya ang pinto.

Mahimbing na natutulog si Patrick sa kama.. puro mga papel ang katabi ni Patrick inayos ni Yssah ang mga papel at inilagay sa mesa.. kinumutan niya ng maayos ai Patrick at inadjust niya ang lamig ng aircon para hindi masyadong ginawin si Patrick lumabas din naman siya agad ng kwarto para makapag luto na ng breakfast.

"breakfast. breakfast"  tumingin si Yssah sa wall clock, 5am pa lang..  "napaaga ata talaga ang gising ko ah..  hmm. Yssah kaya mo yan! FIGHTING!"  nag aja pose pa siya

sinimulan niya ng magluto.. nag saing muna siya may rice cooker naman sila kaya naman nadalian lang Yssah na mag saing.. naghanap siya ng pwedeng ulamin kumuha siya ng dalawang itlog at apat na hotdog.. ipinatong niya ang kawali sa kalan at binuksan niya na ang kalan..

"kelan ba ilalagay ang mantika nito? kapag mainit na yung kawali? or ilalagy na agad hanggang sa uminit?"  naguguluhang tanong ni Yssah  "bahala na nga"  inilagay niya ang mantika sa kawali at binasag na niya yung itlog..

"h-hala! bakit dumikit?!"  naalarmang sabi ni Yssah ng hindi niya mabaliktad ang itlog.. inayos ni Yssah ang pagluluto at isinunod niya ang isa pang itlog at yung apat na hotdog..

matapos ang halos isa't kalahating oras na pag luluto ni Yssah. sa wakas! na tapos na din siya..

"anong ginagawa mo?"

gulat na tumingin si Yssah kay Patrick at itinago ang ointment sa likuran niya..

"w-wala.. he. he. he"

"Yssah nasugatan ka ba?"

"a-ah ano k-kasi"

naka upo sa dining area si Yssah at may hawak na ointment pumunta sa kusina si Patrick at nakita niya ang mga nakakalat na hugasan at basura..  kawali.. shancy.. bukas na lalagyan ng mantika.. mga basag na egg shells.. balat ng mga hotdog.. seryosong tumingin si Patrick kay Yssah lumapit siya kay Yssah napayuko na lang bigla si Yssah habang nasa likuran pa din ang mga kamay..

hinawakan ni Patrick ang kamay ni Yssah at dahan-dahang tiningnan..

"sana ginising mo na lang ako kung gusto mong kumain" mahinahon at punong puno ng pag aalalang sabi ni Patrick

"gusto ko kasing gawan ka ng breakfast eh.. tsaka pumunta ako sa kwarto mo kanina ang himbing ng tulog mo alam ko pinag puyatan mo nanaman yung project mo kaya hindi na kita ginising.. gusto ko sanang bumawi sayo k-kaso.. kaso FAIL.. wala na tayong itlog sa ref.. nasunog ko pa yung mga hotdog.. yung kanin parang lugaw sobrang lambot.. sinubukan ko naman eh kaso hindi ko kasi ta--"

"masakit ba?"  tinutukoy ni Patrick ang mga tapsik ng mantika sa mga kamay ni Yssah at sa braso

"o-okay lang yan.. konting ointment lang gagaling na din a-agad yan"  mangiyak ngiyak na sabi ni Yssah panigurado masakit ang nga paso niya tinitiis niya lang para hindi na masyadong mag alala si Patrick

nilagyan ni Patrick ng ointment ang mga sugat ni Yssah na gawa ng tapsik ng mantika..

"a-aray"

"ang tigas kasi ng ulo mo!"  inis na sabi ni Patrick

"P-patrick sorry na.. wag kang magalit sakin.. gusto ko lang kasing ako naman yun gagawa ng breakfast para satin"

"hindi ako galit sayo.. galit ako sa sarili ko.. naisip ko paano kung mas malala pa dito ang nangyari sayo! satingin mo magiging okay ako? syempre hindi.. ikaw nag papakahirap dito samantalang ako andun sa taas natutulog!"  naiinis na sabi ni Patrick

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon