Chapter 92

115 6 1
                                    

Another chapter for today :) Pangalawa na po ito ah.. chapter 91 yung una :))

Medyo less pain na ata dito .. nagiging okay na ang takbo ng buhay nila :) Konting push pa.. :) Nandito ang love story ni Patrick at Gino hahaha :D hindi po bromance 'to ah!

May revelation na din dito :) So malapit na ngang matapos talaga :)

---

Chapter 92

THIRD PERSON’S POV

Nagfa-finalize si Yssah ng mga reports sa loob ng opisina niya ng biglang kumatok ang sekretarya niya.

“What is it, Joyce?” tanong ni Yssah ng hindi man lang tinitingnan ang sekretarya. Nakatutok lang siya sa papel na hawak niya.

“Ma’am may bisita po kayo.”

“Bisita? Family?”

“Hindi po.”

“Alam mo naman kung anong—“

“I won’t take much of your time. Just a minute will do.” Natigilan si Yssah sa pagbabasa ng marinig niya ang maliit na boses na iyon. At kahit hindi siya lumingon ay alam niya kung kanino nagmula ito dahil parehas na parehas ng tono ng kay Rhian.

“Iwan mo muna kami, Joyce.” Tumango naman ang sekretarya ni Yssah at lumabas na. “What brings you here, little kid?”

“I’m not a kid. I’m a grown up trapped inside a 3 years old body.” Diretsang sabi nito nagpasakit ng ulo ni Yssah. Hindi niya alam kung joke ba yun o paniniwalaan niya dahil mukha ngang matanda na kung magsalita si Rheina.

Naupo si Rheina sa sofa na nasa opisina ni Yssah. Nahirapan pa nga siyang umakyat dahil medyo mataas ang sofa. May pinindot si Yssah at nagsalita.

“Joyce, padala naman ng pagkain dito sa loob.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya para lapitan si Rheina na ngayon ay parang bata na talaga dahil nilalaro nito ang paa na nakalaylay sa sofa. “Where are your parents?”

“Home.”

“Eh?! Sino ang kasama mo dito?” gulat na tanong ni Yssah.

“None.”

“I’ll call your parents to pick you up. You shouldn’t be—“ natigilan si Yssah sa pag dial ng number ni Patrick ng magsalita ulit si Rheina.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon