Last update for today J Simula chapter 94 J
(4/4)
WARNING (hindi na note): READ AT YOUR OWN RISK.
---
Chapter 97
Sirens of ambulance was heard on the road. Three ambulance and some police cars were driving fast to go to the hospital. Iyak ng iyak si Yssah habang hawak-hawak ang kamay ni Gino. Sumama siya sa loob ng ambulansyang pinagsakyan kay Gino kahit pinigilan na siya kanina ng iba dahil kailangan siyang makausap ng mga pulis.
“Wa—g kang b—bitaw, please.” Halos hindi na makapagsalita si Yssah dahil sa kakaiyak niya. Gino’s eyes are still close.
“Ma’am kailangan po nating gamutin ang sugat niyo.” Sabi ng isang paramedic na nasa loob din ng ambulance.
“W-wag ako. Siya ang tulungan niyo.” Tukoy niya kay Gino. Gising si Gino pero minabuti niyang pumikit muna para i-save ang natitira niyang lakas.
Dumating sila sa ospital Sinalubong sila ng mga nurse at nagdala ng apat na stretcher kung saan inihiga ang apat na katawan at idinala kung saan.
“Gino.. Gino kumapit k-ka..” dahan-dahang iminulat ni Gino ang mga mata niya. Tumambad sa kaniya ang umiiyak na mukha ni Yssah.
“Ma’am dito na lang po kayo.” Pigil sa kaniya ng isang nurse.
“No! He needs me! I need to be beside him!” angal niya.
“Sorry po ma’am pero makakabuti po kung dito na lang kayo sa labas.”
Wala na siyang magawa ng may isang nurse pang pumigil sa kaniya pero hindi niya makalimutan ang nakita niya bago sumara ang pinto ng Emergency Room. She saw Gino smiled. One assuring smile that everything will be okay.
Yssah was crying so much as she felt someone’s arm around her.
“Anak..” it’s Elaine, she’s also crying. Dumating na sila sa ospital. “..ipatingin mo muna ang mga sugat mo.”
Yssah looked at her wrist. May dugo na dahil sa kakapiglas niya kanina sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kaniya. May sugat din siya sa siko at tuhod dahil sa ilang beses niyang pagsubsob kanina sa semento pero wala ‘yon. Wala siyang sakit na nararamdaman mula sa mga sugat niya physically. Ang masakit ay ang puso niya. Diane was shot, Gino was shot, Patrick was shot and even Rhian was shot. Lahat ‘yon dahil sa kaniya.
Sunud-sunod nap ag-iling ang ginawa ni Yssah ng may lumapit sa kaniyang nurse para gamutin ang sugat niya. Ayaw niyang magpatingin, ayaw niyang magpagamot ng sugat dahil gusto niyang maramdaman ang sakit at kirot ng mga sugat na ‘yon. Kulang pa ang sakit ng puso at mga sugat niya sa nararamdaman ng mga taong napahamak ng dahil sa kaniya.
Halos mapuno na nila ang hallway paglabas ng emergency room dahil halos nandoon na silang lahat. Si Jayden na nakaupo sa malamig na tiles ng ospital, nakayuko at kanina pa umiiyak. Si Francis naman kanina pa naglalakad pabalik-balik at hindi mapakali kahit ilang beses na siyang pinapakalma ni Jade. Lumabas naman si Greg at nagyosi para pakalmahin ang sarili at ang utak na kanina pa natataranta sa mga nangyayari.
Si Ian naman nasa tabi ng asawang si Aya parehas naghihintay sa resulta. Si Nick naman ay naka alalay kay Elaine na naupo na dahil nahihirapan na sa paghinga kakaiyak. Nakayakap naman si Josh kay Pamina na walang tigil sa pag-iyak. Nasa kotse naman sina Therese kasama ang asawa at dalawang bata.

BINABASA MO ANG
I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)
Roman pour AdolescentsContinuation po ito ng gawa ni ms. iloveyouforyouu :)