chapter 44

387 14 4
                                    

sensya na po sa lahat kung late update.. i mean SUPER LATE UPDATE.. umuwi po kasi ako ng probinsya at wala po dun wifi.. kaya hindi po ako makapag update.. sorry po talaga.. at ito na po yung update hehehe~ ^___^v

==============================

chapter 44

"Yssah!"

"oh Gino.." lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko..

"kumain ka na ba?"

"hindi pa nga eh.. kakatapos lang kasi ng klase ko."

"tamang tama.. sabi ng mga kaklase ko masarap daw ang pagkain sa karinderya jan sa may kanto.. tara subukan natin.."

"tara! basta libre mo.."

"hahaha.. dapat ako nga magpapalibre sayo eh. kaso naunahan mo ako.. kaya ako na muna mang lilibre next time ikaw naman ha.."

"sige ba!" tumayo na kami at lumabas ng campus..

--------------------------

"ui Gino saan ba? kanina pa tayo ikot ng ikot dito oh.. sabi mo malapit lang.." kanina pa kami lakad ng lakad dito pero mukhang niloloko ata ako ng lalaking to.. mas lalo akong ginugutom kainin ko kaya siya? HIHIHIHI ^_^

"teka lang.. medyo nakalimutan ko kung saan yun eh.."

"ano?! kanina pa tayo dito tapos hindi mo alam kung saan pala yung sinasabi mo?!" medyo naiinis na ako dahil gutom na ako at super init pa..

"wag ka ng magalit.. andito na tayo oh.. eto na oh" tiningnan ko yung tinuro niya.. at sumunod na din ako sakanya..

"magandang tanghali mga ijo at ija.. anong atin ngayon?"

"dalawang order po ng sinigang.. apat na kanin.. dalawang softdrinks"

"para sa inyong dalawa na ba yun?"

"hindi po ate.. ui Gino anong sayo? umorder ka na.."

"ahh.. ehh.. isang sinigang po tsaka dalawang kanin.. at isang softdrinks na din po" tumango lang ang ale at bumalik na sa loob para kunin yung order namin

"bakit parang ang dami mo atang inorder?"

"ginutom mo ako eh.. kanina pa ako nagugutom tapos naglakad pa tayo ng matagal.. tsaka libre mo to ha.."

"hahaha.. oo libre ko to.. hindi ko akalaing ganito ka pala kapag gutom.." maya-maya dumating na ang order namin.. nauna na akong kumain kay Gino.. nagugutom na ako eh..

"ate isa pa pong kanin.." sabi ko sa ale.. pang limang kanin ko na to.. grabe! ang sarap pala ng sinigang nila dito.. pero mas masarap pa din ang sinigang na gawa ni Patrick ^__^

"Yssah.. hinay hinay lang.. wala kang kalaban.."

"eh sha.. gugushom.. ko eh.."

"hahaha.. ubusin mo nga muna yang laman ng bibig mo bago ka sumubo ng panibago.." walng ginawa si Gino kundi panuorin akong kumain at tawa siya ng tawa.. bakit ba? eh ang sarap ng pagkain tsaka sakto gutom na gutom pa ako..

BURP!

"sorry.. hehe.. aist. parang puputok na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.."

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon