Maid 7.

7.1K 265 7
                                    


EDITED:



AIKO.




Goodmorning people!. Inunat-unat ko  ang mga kamay ko saka ako tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga. Ako nalang pala ang mag isa dito sa kwarto grabe talaga yang si angeline hindi man lang ako ginising, katulong rin naman kaya ako.

At tulad nga nang sinabi ko agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumeretso sa banyo para gawin na ang morning routine ko.

Minuto ang lumipas bago ako matapos ang tagal kong maligo no? Ganito talaga ako nakasanayan kona kaya wag na kayong magtaka.

Abala ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang may narinig akong katok mula sa labas nang pinto.

"Aiko Bilisan mona diyan gising na sila sir madami pa tayong gagawin." Rinig kong sigaw ni angeline mula sa labas nang pinto.

"Oo ito na lalabas na." Pasigaw ko rin na sagot pabalik. Nagmadali na ako sa ginagawa ko. Natapos ako agad kaya mabilis ako na lumabas at yon nga nadatnan ko silang lahat na busy sa kusina.

"Aiko ikaw muna ang maglinis ng sala inutusan kasi si jhoan ni sir james na diligan ang halaman sa labas." Sabi ni angeline tumango nalang ako saka ko kinuha ang panglinis.

Habang naglilinis may narinig akong nagtatawanan tumingala ako sa taas ng hagdan at si kapre lang pala. Oo kapre ang tawag ko sakanya ang tangkad niya nahiya tuloy ako sa height kong pambata.


"Kahit kailan talaga james matinik kapa rin sa babae." Rinig kong sabi nung isa tumalikod na kasi ako matapos ko silang makita.

"Hahah di na kayo nasanay sakin." Rinig ko namang sabi nang isa habang tumatawa na hula ko ay si james.

"Hindi na ako magtataka kung meron kanaman mamaya baka mamaya malalaman nalang namin na may HIV kana." Sabi ni kapre. Boses palang alam kona.

"Anong HIV? ewww! kahit kailan hindi ako magkakaroon niyan." Depensa naman ng isa.

"Ewan ko sayo james." Narinig kong sabi ni kapre at kasabay ng kanilang yapak pababa.

Patuloy lang ako sa paglilinis nang marinig ko ang pinakamaganda kong pangalan. Kapal ko ei no? well totoo naman ang aangal mukhang aso.

"Hi aiko!." Tawag sakin ni james lumingon naman ako sakanila i just rolled my eyes nang magkatinginan kami ni kapre.

Nakita ko pa na binatukan siya ng isa, I think he's alex may hawak na libro e.

"Aray! Bakit nanaman!?." Inis na sabi ng binatukan niya na si james ata? mahina talaga ako sa mga pangalan.

"Wag mo na pag interesan ang babae na yan baka bumaba yang standards mo sa babae." Nakangising ani ni Alex.

"Hoy! Anong pinagsasabi niyo ha!?." Galit na sigaw ko pero tumawa lang sila.

"Bingi." Anito at umiling iling pa kahit mahina yon sapat na para marinig ko kaya nag init bigla ang ulo ko. Kinuha ko ang walis at akmang itatapon ko sakanya nang magsalita si kapre.

"Sige subukan mo. Susumbong kita kay dad." Nakangiting aso na sabi niya urgh!Inis kong binitiwan ang walis, pambihirang mga lalaki to bwesit! Padabog akong umalis pero sa ikalawang pagkakataon natigil naman ako ulit.

"Linisin mo yan o isusumbong kita kay dad?." Natigilan ako sa sinabi niya oo nga pala hindi pa ako tapos sa paglilinis katangahan mo talaga aiko.

Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now