Maid 53.

4.7K 132 0
                                    


EDITED.

ANGELINE.

"Angeline Paki linis ng sala may ginagawa pa kasi kami ni manang jhoan kaya hindi namin maigalaw ang sala pakilinis nalang." Utos sakin ni manang delia.

"Ei asan po si manang jazmine?." Tanong ko sakanila.

"Lumabas inutusan ni sir mag grocery." Sagot nila sakin napatango-tango nalang ako sakanila.


Ilang linggo nang hndi bumabalik si aiko kamusta na kaya siya? ayos lang ba siya? hays nakakamiss naman ang babaeng yon.



Pumunta nalang ako sa likod bahay para kumuha ng panlinis. Habang naglilinis ako hindi ko maiwasan na mapalalim ang iniisip ko.

"Na miss mo siya no?." Nagulat pa ako sa nagsalita nakita kong nakangiti si manang karen habang nay hawak na pampunas.

"A-ah oo ilang linggo na kasi siyang hindi bumabalik dito sa mansyon, sa tingin mo manang karen ayos lang kaya siya? hindi ko kasi mapigilang hindj mag alala sa babaeng yon." Tanong ko sakanya narinig ko pang napabuntong hininga siya.


"Oo naman alam kong matapang ang batang yon kaya wag kang mag alala ayos lang siya." Ngumiti naman ako sa sinabi niya.

"Tulungan na kita diyan." Nakangiting ani niya sakin.

"Ay nako manang wag na ako nalang po, mag pahinga nalang po muna kayo ako na ang bahala dito kaya ko naman na." Sabi ko sakanya ngumiti lang siya sakin.

"Oh siya sigesige sa labas lang ako." Nakangiting sabi niya.

"Sige po."Sabi ko naman, tumalikod naman siya at lumabas na sa pinto kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglinis pero napahinto ako nang may maramdaman akong kakaiba.


Madilim na sa labas kaya hindi ko nakikita kung anong meron sa labas.
Binitawan ko ang hawak kong pampunas saka tumingin sa bintana parang may tao kasi sa labas may bisita ba si sir?.

"Manang jhoan mukhang may tao po sa labas." Sabi ko napatingin naman sila sakin.

"Wala namang bisita na dar----" Hindi na natapos ni manang jhoan ang sasabihin niya nang bigla naming marinig ang sigaw ni manang karen sa labas.


"Sino kayo—a-ackkk!." Rinig ko hiyaw ni manang karen sa labas kaya napalaki ang mga mata ko.

"Magtago kayo!." Sigaw ni sir wilson dahilan para mapatingin ako sakaniya.
Nakikita ko ang takot sa mga mata niya.


"Anong nangyayari sir?." Nagtataka kong tanong sakaniya.


"Magtago kayo angeline bilisan niyo!." Sigaw niya ulit na nagbigay sakin ng takot. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila ni manang saka sila hinila.


"Doon tayo sa basement." Sabi ko.


"Basement?." Tanong nila.


"Mamaya ko na ipapaliwanag." Pagkasabi ko non ay agad ko silang tinakbo papunta sa kwarto ko at binuksan ang tagong pinto papunta sa basement.

"T-teka? meron pala nito dito?." Hindi makapaniwalang sabi ni manang jhoan.

"Oo." Sagot ko nalang saka ko sinarado ang pinto at bumaba, nanginginig kong binuksan ang ilaw saka ko sila pinaupong dalawa sa upuan.


"Ano ba ang nangyayari?." Tanong nila sakin.

"Hindi ko rin alam pero masama ang kutob ko sa nangyayari." Sabi ko.


Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now