Maid 12.

6.2K 222 0
                                    


EDITED:


AIKO.



Papunta na ako ngayon sa school, at dahil walking distance lang naman kayang-kaya ko na lakarin, hindi naman ako katulad ng tatlong hinayupak na mga anak ni sir ket ang lapit-lapit lang ng school nagpapahatid pa. Well mayaman kasi sila dapat irampa ang sasakyan oh dba bongga!.


Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang panaginip ko kagapi marami pa rin akong katanungan sa isip kung bakit ko iyon napanaginipan na para bang nangyari talaga sakin yon noon.


At nakakapagtataka lang dahil hindi ko masyado makita ang istura ng babaeng kinakausap ko sa panaginip ko and that name tantan. It's familiar parang narinig ko na ito dati.


Pakiramdam ko napakahalaga ng pangalan na yan sakin hindi ko ngalang matandaan kung bakit, by any chance did i lost my memories? pero impossible naman ata.



Natigil ang pag iisip ko nang makita ko ang ibang mga students ng HIA na naglalakad papasok sa loob ng campus. I even saw the van where the three demons are pero hindi ko nalang sila pinansin at dumeretso na ako sa loob para maka pasok na ako sa first subject ko.


Napatigil lang ako nang biglang umikot ang paningin ko, napahawak ako sa ulo ko at dahan-dahang lumakad sa building hanggang sa makarating ako sa floor namin.


Sobrang sakit ng ulo ko parang hihimatayin ako. Konti nalang nararamdaman ko na parang matutumba na ako.


Ilang sigundo pa bago magdilim ang paningin ko at tuluyan na akong natumba pero bago paman ako bumagsak ng tuluyan may braso na sumalo sakin.








------------------

Nagising ako matapos makarinig ng pagtatalo, ang iingay nila. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at teka? clinic to ah?, oo nga pala nahimatay ako kanina.


"Ikaw naman pala may kasalanan ei!."

"Anong ako? pinagawa ko lang naman sakanya ang dapat na ginagawa ng isang katulong anong masama don?."


"Accept it clark, alam mo na may lagnat siya pero pinagawa mo pa sakanya lahat ng assignment mo!."


"Oo na oo na sorry okay? hindi ko naman alam na aabot sa ganito lex."


"Sakanya ka mag sorry wag sakin hindi ka kasi nag iisip kapag ito umabot kay daddy bahala ka!."

Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. kaya napagisipan ko na ang magsalita.

"May tao paba diyan?." Tanong ko at nagulat pa ako nang may humawi sa kurtinang naka paligid sakin.


"Gising kana pala." Sabi pa niya, medyo nagulat ako nang makita ko siya rito, knowing him hindi yan magsasayang ng oras niya dito lalo na kung para sakin lang naman.


"Oo kakagising ko lang." Mahinang sabi ko.


"Sorry." Tanging sabi niya lang at umiwas ng tingin, literal na nagulat talaga ako kasi si clark? as in yung clark wilson nag sosorry? sa harapan ko? we seryoso?.


"H-ha? para saan?." Nagtatakang tanong ko na medyo nautal dahil sa gulat sa sinabi niya.

"For...for everything basta sorry and im not going to repeat it again." Sabi ni clark, muntik pa akong mapatakip ng bibig sa sobrang gulat dahil hindi talaga ako makapaniwala.

Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now