Maid 19.

5.6K 177 3
                                    


EDITED:



AIKO.




Naglalakad ako ngayon papuntang school at as usual yung tatlong kampon ni satanas nagpahatid pa kay butler john, hays mga mayayaman nga naman.




Pero nagtataka talaga ako kung bakit wala sa bahay yang si clark at yung tatlo, anyare kaya sakanila?. Mawawala tapos biglang lilitaw na parang kabute amp.



At kahapon pa narinig ko si sir wilson na may kinakausap sa telepono niya at ang nakakapagtataka pa hindi siya yung nagsasalita. Ibang sir wilson yung nakilala ko kesa sa narinig ko kahapon.





FLASHBACK.





"Yes dad?." Rinig ko na sabi sa kabilang linya parang kaboses niya si hinayupak o baka naman si clark talaga ang kausap niya.




"Where are you son? Don't tell me your going to japan just because of your sister?." He said nagtaka tuloy ako anong gagawin ni clark sa japan? teka? sister?  may kapatid pala si clark?  Bakit hindi ko alam to? pano ko ba malalaman kung di ako nagtanong diba? shet kabobohan mo talaga aiko.




"I''m his younger brother dad, im the only one she has kung hindi mo kayang gawin ang ginawa kong ito sakaniya hayaan mo ako na gawin sakaniya to. I love my sister kahit alam kong ayaw niya sakin ayoko pa rin naman na may masamang mangyari sa kapatid ko ayokong mawala siya tulad ng nangyari kay mommy." Mahina pero rinig ko pa rin dito mula sa kinatatayuan ko ang lungkot sa boses ni clark habang binibigkas ang pagtawag nito sa ina pero teka? wala? ibig sabihin ba non patay na ang ina ni clark? ay bobo oo nga HAHAH hala bat ang tanga ko ngayon? si sir wilson lang naman ang andito kaya patay na nga ang ina nila hindi rin kasi nila binabangit ang tungkol sa kanilang ina. Narinig ko nalang na bumuntong hininga si sir wilson.




"Okay, take care." Sabi lamang nitobago niya ibaba ang phone niya saka dumeretso sa opisina nito.




Kaya umalis na rin ako at pumasok na sa kwarto ko.




END OF FLASHBACK.




Simula nang magtrabaho ako sa pamilyang wilson marami na akong nalalaman na nakakasakit sa ulo marami akong bagay na gustong malinawan.




Pero bakit ganon? habang timatagal ako sa bahay ng mga wilson feeling ko dito ko malalaman ang lahat?  Ano ako may amnesia? hahahaha.




Dahil sa kakaisip ko di ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng school nakita ko pa si erica na ilang metro ang layo sakin, papasok siya ngayon ng gate.
Pero napatigil ang lahat sa nangyari pati ako nagulat sa nasaksihan.




Si erica basang-basa. Tinapunan ng malansang tubig mula sa ibabaw ng gate at pinagbabato ng itlog kasabay ng harina. Tinatawanan at sinasabunutan siya.




Nakakaawa siyang tignan pero patuloy lang siya sa paglalakad sa campus at nagpatay malisya nalamang. Tumakbo ako papalapit sakanya pero napatigil din ako nang may humarang sa harap ni erica na ikinatigil niya rin.



"Hey bitch! ano masarap ba? cause were having fun for making you like this!.  I know its you don't denied it!." Sigaw sakanya ni lyka.



Oo, kilala kona siya tinagurian siyang bully dito sa school at si erica palagi ang puntirya nila.



"W-wala a-akong alam sa p-pinagsasabi mo lyka." Garalgal na sabi niya dahil na rin siguro sa kakaiyak.




"Anong wala!? ikaw lang naman ang pabida sa room pasikat ka! simumbong mo pa kami! at dahil sa kagagawan mo were suspended for 1 week, you! epal ka talaga!." Akmang sasampalin niya si erica nang pigilan ko ang kamay niya. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko para pigilan yon.



"And who are are you!?." Mataray na tanong niya.



"Let me kill you first." Sabi ko. Sa totoo lang panakot ko lang yon pero nagtaka ako nang makita siyang bahagyang  napaatras. Marami na rin estudyante na nanonood samin.




"W-what the!?." Sabi pa niya."Move if you still want a peaceful life here." She continued.



"Then be it." Sabi kopa, hindi ko alam kung  saan ako humuhugot ng lakas para masabi lahat ng sinabi ko.



"Wag ka nga makialam dito!." Sigaw pa niya.



"Do you have an evidence na siya talaga ang nag sumbong?." Tanong ko sakaniya.




"W-wala, pero sigurado akong siya kasi she hate us dahil lagi namin siyang binubully but it fits her being bullied anyway." Nakangising sabi niya.




"Wala naman pala kayong ebidensya kaya wala kayong karapatang saktan siya. Anong klaseng eskwelahan to? Hindi ba kayo nahihiya? Sinisira nyo ang pangalan ng top school dito sa pilipinas." Matigas na sabi ko pero ngumisi lang sila.




"How dare you to say that? Transferee kalang kaya wag kang makialam!." Sigaw niya akmang sasampalin niya ako nang hawakan ko ulit ang kamay niya at ibinalibag saka siya tinulak nang napakalakas dahilan ng pagkatumba niya sa sahig at napadaing sa sobrang sakit.




Narinig ko nalang ang 'woah' ng mga estudyante na nasa paligid ko lalo na ang nakakakita ng pagtulak ko sakanya.




"Wag mo nang uulitin to lyra. Kapag ginawa mo ulit to hindi lang yan ang aabutin mo and btw ako ang nag sumbong kaya alamin mo muna bago ka sumugod. Nakita ko kayong ninakaw ang key answers ni prof nung hapong yon, satisfied now?." Matigas pa rin na sabi ko dito.



"You—!." Hndi na niya tinapos pa nang umalis na kami para makapasok na sa first subject.




"Aiko salamat." Sabi ni erica na nakasunod pala sakin, hindi ko man lang namalayan. Ngumiti naman ako sakanya.



"Ayos lang saka wala ka namang kasalanan. Sorry nga pala." Sabi ko sakaniya, nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niyang tumingin sakin.



"Para saan?." Tanong niya.



"Dahil sakin ikaw ang napagbintangan dahil lang sinumbong ko sila kaya sorry." Sabi ko at malungkot na ngumiti habang nakatingin ako sa itsura niya ngayon.



"Ayos lang no tsaka sanay naman ako. Tama lang yung ginawa mo wag kang mag alala hindi ako galit sayo." Sabi pa niya ngumiti nalang ako.




Sinamahan ko muna siya magbihis bago kami sabay na pumasok sa classroom namin. Dumeretso nalang kami sa mga upuan namin at umupo.




Maya-maya lang dumating na yung dalawang transferies kasama ang tatlong demonyong anak ni sir wilson.



"H-hoy! anong ginagawa niyo dito?." Takang tanong ko hindi naman kasi kami mag kaklase ni james at alex maliban nalng kay clark.




"Edi mag-aaral ano ba ang ginagawa sa paaralan? tanga. Oh kopyahan moko kung may dapat na kopyahin diyan mamaya, ayan notebook ko atsaka kunin mo nalang ang malaking bag ko mamaya sa locker saka mo dalhin pauwi sa bahay kapag uwian na." Chill na sabi niya.



Argh! Oo nga pala maid ako kaya wala akong karapatang mag reklamo.



Dahil wala pa naman si maam nag tanong na ako kay clark. Kating-kati na kasi ang dila ko malaman kung saan siya nanggaling kung anong ginawa niya kung bakit hindi siya umuuwi, yung dalawa lang niyang kapatid.

Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now