Maid 45.

4.5K 146 3
                                    


EDITED:


ETHEL/LYNNE.



Hanggang ngayon hinahanap parin namin kung nasaan si erica wala pa rin kasi kaming mahanap kung saan siya pwedeng dalhin ng mga yakuza.



Oo alam kong yakuza sila nalaman siguro nila na malapit saakin si erica kaya nila kinuha ito at alam kong sinasaktan na nila ngayon si erica.


Pinaka ayaw naming dalawa na may madadamay na inosenteng tao pero ngayon hinayaan naming madamay si erica na kung tutuusin napakabait non at napaka inosente.



Bigla nalang tumunog yung cellphone ko at nakita ko ang message galing kay imoto pagkabasa ko agad akong humarap kay ivan.



Pero bago pa ako makapag salita nakita ko si jeff na papalapit saming dalawa.  Ano nanamang ginagawa ng lalaking to dito hays.



"Hey! anong ginagawa niyo dito?." Tanong niya samin.



"We're dating." Sabi pa ni ivan na ikinalaki nang mata ko, magsasalita na sana ako nang pinalakihan niya ako ng mata. Napabuntong hininga nalang ako at sumakay nalamang sa trip niya, humanda siya sakin mamaya.



"Yeah were dating." Sarcastic na sabi ko sakanya.



"Lets talk." Nagulat pa ako sa sinabi ni jeff saka ako hinila palayo kay ivan pero bago pa niya ako mahila may kamay na pumigil sa kamay ni jeff na nakahawak rin sa mga kamay ko.



"Let her go jeff she's mine." Malamig na sabi ni ivan kay jeff.



"I'm going to talk with her van, let go of your hands." Malamig din na pagkasabi ni jeff kay ivan. Dahil sa inis nagsalita na ako, nasasaktan na ako.




"Just talk van sandali lang to maghintay ka diyan." Sabi ko saka ako nagpahila kay jeff.




Nang tumigil na kami sa madilim na parte agad niya akong sinandal sa pader, nagulat naman ako sa ginawa niya.




"What the hell---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang inis sa mga mata nito.


"Why you didn't tell me lynne?." Tanong niya.



"Tell what?." I asked him curiously.



"Why him? bakit si ivan?." Tanong niya pa nagtataka na ako sa mga sinasabi niya. Nakita ko ang bakas na lungkot sa mga mata nito pero agad rin itong nawala.



"Ano ba ang pinagsasabi mo jeff?." Nagtatakang tanong ko wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya.



"Bakit lynne! Bakit sakaniya pa!? I'm the one who always there for you who cares for you, its me lynne its me! but why? bakit sakanya mo binigay ang puso mo?." Ramdam ko ang lungkot sa boses nito nagulat naman ako sa mga pinagsasabi niya hindi ako makapaniwala at mas lalong hindi naman ako slow para hindi siya maintindihan pero kailangan kong maliwanagan kung tama nga ba ang hinala ko.



"What do you mean jeff!?." Tanong ko sakaniya ulit.



"Hindi mo pa rin ba naiintindihan lynne!? i like you! No, i love you!. Una palang alam kong may kakaiba sayo sinubukan kong pigilan ang sarili ko na huwag mahulog sa katulad mo dahil nangako ako sa sarili kong hindi ako maiinlove pero nabigo ako. Lynne mahal kita niindihan mo ba yon? mahal na mahal kita!." Inis na sabi niya sakin na mas lalong ikinagulat ko.




"W-what the h-hell?." Nauutal na sabi ko sakaniya. Nangangapa ako sa sasabihin ko dahil nawalan talaga ako ng lakas magsalita dahil sa sobrang pagkagulat.



"You love her jeff?." Napatingin naman ako sa nag salita and it's ivan.



"Yes and she's mine first ivan ako ang nauna sakanya." Jeff na walang emosyon na nakikita sa mukha.




"I love her too." Sabi ni ivan na mas ikinagulat ko pa, just what the hell is happening?. Nakita ko nalang na nagsuntukan ang dalawa kaya inawat ko ang mga ito.



"You two stop!." Inis na sigaw ko sakanila pero hindi pa rin sila tumigil  kaya naman napag desisyunan ko nalang na umalis. Sakit silang dalawa sa ulo.



Kailangan ko pang puntahan ang kapatid ko kaya bahala sila sa buhay nila. Sumakay ako sa taxi at sinabi kay manong kung saan ako bababa nung una nagtaka pa ito pero sa huli hinatid niya din ako.




"Mag ingat kayo ma'am delikado ang lugar nato para sa babaeng tulad mo." Sabi pa niya tumango lang ako sakanya saka inabot ang bayad.



"Don't worry manong kaya kong pumatay ng tao." Nakangisi kong sabi na ikinataka niya.



"Masama yan hija." Sabi  pa niya.



"I know but its too exciting to ignore and btw manong paki tignan nalang ng dalawang lalaki don sa lugar kung saan moko pinasakay kung nagsusuntukan pa. Kung oo manong tumawag kanalang ng pulis, salamat." Sabi ko pa.



"Sige hija." Sabi niya saka pinaandar ulit ang taxi saka siya umalis. Lumakad ako sa madilim na parte wala kasing katao-tao dito nakita ko pa si devis na lumabas at napatingin sa mga bangkay na nakahiga na sa sahig.




"MGA WALANG SILBI!." Sigaw pa niya saka pumasok ulit sa loob kaya naman agad akong sumunod sakaniya. Pumasok ako sa loob at dumeretso sa itaas may bangkay rin kanina pag pasok ko at alam kong kagagawan ito ni imoto.



Pagkadating ko sa itaas may napansin akong bukas na pinto sa pinakadulo ng hallway  kaya naman agad akong tumakbo roon.



Pagkapasok ko agad ko silang nakita ni imoto at ang mga kasama nito. Kaharap ko ngayon ang likod ni devis na abala sa pakikipag usap sakanila.



"Pinapahanga mo talaga ako cougar kahit saang parti pa ako ng pilipinas mag tago malalaman at malalaman mo pa rin." Sabi pa niya.



"I have my ways devis." Sabi naman ni imoto. Nakita kong kumuha ng baril si devis pero bago niya pa ito makuha agad ko siyang sinipa nang malakas dahilan ng pagtalsik niya sa pader.



"Shit!." Mura niya nang tumama ang didbdib niya sa matigas na bagay na dahilan ng pagdaing niya sa sakit..



Agad na pinakawalan nila janice si erica  mula sa pgakakatali at inalalayan itong tumayo dahil bugbog ang katawan nito kaya mahihirapan talaga siyang tumayo lalo na't malala ang natamo niyang sugat sa katawan.

"Wala kang awa devis! pati inosenteng tao dinadamay mo makuha lamang ang gusto niyo ng boss mo napaka selfish niyo bumalik nalang kayo sa japan." Sigaw ko sakanya.



"Y-you c-can't stop me e-ethyl papatayin ko pa ang mga wilson!." Sigaw pa niya.



"Para ano? Makuha ang gusto at inaasam-asam ng boss mo? bakit may mapapala kaba pag nabigay mo na sa boss mo yon? Alam nang lahat kung gaano ka mapanlinlang yang boss mo devis pero nagtitiwala kapa din." Sabi ko sakanya.



"Wala kang pakialam!." Sigaw niya kaya naman sinuntok ko siya ng napakalakas kaya nawalan na siya ng malay.



Agad akong lumabas sa bahay na yon at sumama sa kapatid ko na buhat-buhat nito si erica saka, pasan nito sa likod si erica. Dahan-dahan ko nitong pinasakay si erica sasakyan para makaalis na.



Ilang minuto lang agad kaming nakarating sa condo nila at doon na pinahiga si erica sa kwarto ng kapatid ko, umuwi na rin ako pagkatapos, para na rin makapag pahinga.





Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now