Maid 28.

5K 161 1
                                    


EDITED:


AIKO.




Nakarating na ako sa parke kung saan ako palaging pumupunta kapag ginagawa ko ang daily exercise routine ko tuwing umaga.




Pero nakakapagtaka, bakit parang kinakabahan ako? bakit parang nararamdaman kong may mangyayari na hindi maganda?.



Bimalewala ko nalang yon at tinuloy ko ang paglalakad at nilagay ang mga gamit ko sa mga damo.



Akmang tatalikod ako para sana simulan ang jogging bigla nalang may tumakip sa bibig ko.



Pilit akong kumawala pero ang lakas niya, pinahirap niya ako at ganon nalang ang gulat ko na makitang mga lalaki ang mga ito.



"Bitawan niyo ko ano ba!." Sigaw ko at sinuntok ang humahawak sakin, nakita ko ang pagdugo ng ilong niya dahil sa suntok ko at mas lalong hindi ko alam kong bakit gann malakas ako sumuntok, ni hindi malang ako nasaktan.



"Tibay mong babae ka!." Sabi ng sinuntok ko pero yung isang kasama niya ang sumugod sakin, nakailag naman ako sa suntok niya na ipapatama niya sana sakin, mabilis ko namang siniko ang likod ng ulo niya dahilan para mapasubson siya sa lupa.



Nakita ko na parang hindi na siya gumagalaw kaya nagtaka ako kung bakit ko nagawa ang mga bagay na ngayon ko lang naman nagawa, sa pagkakaalam ko hindi naman ako marunong sa mga ganito atsaka ni minsan hindi rin ako nag training ng martial arts.



"Lintik kang babae ka papatayin kita!." Dahil nga sa pag iisip ko kung bakit ako marunong, natamaan ako sa tiyan dahilan para makaramdam ako ng sakit.
argh! ang sakit hindi ako makahinga ng maayos.




Bigla nalang lumapit sakin ang isa pa nilang kasamahan at sinuntok ako sa mukha dahilan kung bakit ako napaatras at natumba na naging dahilan ng pagtama ng ulo ko sa matigas na bagay.



Masakit, sobrang sakit. I can't feel my body i was like paralyzed or something, i just can't move my body all i can do is to saw the mens who attacked me walking their backs away from where i am, hanggang sa tuluyan na akong pumikit.













ANGELINE.



Kanina pa ako na bobored dito sa mansion nasaan na ba kasi si aiko?. Hays nakakalungkot naman, ang swerte ni manang karen dahil hindi siya tinatrato ng masama ni sir clark.



Binalewala ko nalang yon at agad na hinanap ang kaibigan ko saan na ba nag susuot yon. Hays.



Habang naglalakad ako sa sala paakyat sana sa kwarto ni aiko napansin ko si manang delia na papalapit sa pwesto ko.



"Goodmorning manang." Nakangiting bati ko sakanya.



"Morning, ngapala yung kaibigan mo si aiko nag jogging don sa kabilang parke." Walang pake na sabi niya na ikinagulat ko, oh shoot!.



"Manang delia! bakit mo siya pinayagan!? kailan pa siya umalis?." Natatarantang tanong ko, kinakabahan na ako, shit aiko wag naman sana.



"Oh ei bakit? mag jojogging lang naman siya at kanina pa yon umalis." Sabi pa niya.



"Nako naman manang napaka delikado ng kabilang parke na yon!. Maraming mamamatay taong tumatambay doon jusko si aiko." Sigaw na sabi ko na  ikinalaki ng mga mata niya.



"Jusko!." Nabitawan ni manang ang hawak nitong baso na dahilan para magbigay ito ng napakaingay na tunog sa buong mansyon."Nakalimutan ko, dali kunin mo ang telepono nang matawagan natin yung batang yon." Kinakabahang sabi pa ni manang delia.



Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now