Maid 13.

6.4K 202 8
                                    


EDITED:

AIKO.




Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako  makarating sa mansion ng mga wilson.


"Sigurado ka maam dito ka ba-baba?." Hindi makapaniwalang tanong ni manong driver sakin, napatingin naman ako sakanya at nakita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala.

"Opo manong bakit?." Tanong ko sakanya.

"A-ahh eh wala sige hija." Nauutal na sabi ni kuya driver kaya nagkibit balikat nalamang ako. Akmang ba-baba na ako nang bigla siyang nagsalita.

"Kung diyan ka talaga nakatira hija ang swerte mo." Nakangiti na sabi ni manong driver kaya nagtaka naman ako.


"Bakit naman manong?." Tanong ko, hindi ko kasi gets kung saan ang swerte dito kasi sa totoo lang impyerno ata tong pinasok ko lalo na ang tatlong anak ni sir.

"Ang pamilya na nariyan kasama mo ay ikalawang pinakamayaman dito sa pilipinas at yung una walang nakaka alam, mailap kasi sila sa mga tao pero ang alam ko nangunguna rin sila sa iba pang bansa hindi lamang dito sa pilipinas." Sagot ni manong sakin habang nakatingin siya sa malaking mansion nila sir wilson na puno ng pagkamangha sa mukha pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko ay ang binanggit niya na nangunguna sa pinaka mayaman sa pilipinas at sa iba pang mga bansa. Meron ba non? kung ganoon sobrang yaman naman pala nila.



"Mailap? wala paba nakakakita sa mga itsura nila?." Tanong ko na curious tuloy ako si manong kasi eh.


"Ang sabi wala pa, nakatago kasi sa likod ng maskara ang kanilang mga mukha sa tuwing iniimbitahan sila sa mga programa na pinapalabas sa tv o sa party ng mga mayayaman." Sagot ni manong.

"Hay manong nahihiya siguro sila hayaan mo na, sige manong pasok na po ako, salamat sa paghatid." Nakangiti kong sabi kay manong.


"Walang ano man hija." Sagot niya saka ko sinarado ang pinto ng taxi at kumaway sakaniya bago ako pumasok sa loob ng mansyon.


Lumingon pa ako at nakita ko naman ang pag alis ng sasakyan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Sa pagpasok ko ay agad na bumungad sakin ang mukha ni angeline.


"Oh mabuti nakauwi kana gabi na ah bakit ngayon kalang? nag aalala na sila manang sayo." Sabi ni angeline sakin.


"Sorry angeline may ginawa lang kasi ako sa school kaya ginabi ako ng uwi." Palusot ko dito na pinaniwalaan naman niya.

"Sige magpahinga kana alam kong napagod ka." Nakangiting sabi ni angeline sakin.


"Salamat angeline pakisabi nalang sakanila ni manang na sorry dahil pinag alala ko sila." Sabi ko nakita ko naman siyang tumango as she tapped my shoulder.

Umakyat naman ako papunta sa kwarto ko matapos ang pag uusap namin ni angeline.


Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko. Marami akong katanungan sa isip ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni manong driver kanina dagdag pa yung ginawa nila lyra ata yun?.


Tapos yung panaginip ko na hindi ko maintindihan tapos ang nararamdaman ko matapos ibanggit sakin ni manong ang unang pinakamayaman sa pilipinas, masyado na akong maraming iniisip na hindi naman dapat iniisip, dagdag stress lang.


Totoo nga ang sinabi nila curiousity kills the cat. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata pero ilang minuto na akong nakapikit hindi pa rin ako makatulog kakaisip.


Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now