Maid 11.

6.4K 229 10
                                    


EDITED:


AIKO.



Matapos akong umakyat dito sa kwarto ko at humiga sa kama nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko saka ako nag isip-isip.


Ilang minuto pa ang nakalipas biglang may bumukas ng pinto at nakita ko si angeline na pumasok.


"Oh angeline anong ginagawa mo dito?." Tanong ko sakanya.


"Wala gusto ko lang malaman kung kamusta kana at kung maayos na ba ang kalagayan mo. Wala rin naman akong gagawin sa baba kasi wala pa naman yung mga anak ni sir." Sagot niya sakin.


"Ayos lang naman ako angeline wag kang mag alala kasi kaya ko naman sarili ko pero salamat sa pag alala." Nakangiti ko na sabi sakanya, nakita ko rin na ngumiti siya sakin.



"Sus okay lang para na kaya kitang kapatid." Masayang sabi niya.


Hindi na ako sumagot ilang minuto pa ang nakalipas nang bigla siyang mag salita.



"Anong gusto mong gawin aiko? i mean ano yung mga pangarap mo na gusto mong abutin yung goals in life mo." Tanong niya sakin at dahil sa tanong na iyon ay napa isip ako dahil hindi ko minsan man naisip ang bagay na iyan.



"Pangarap ko? wala naman hindi ko naman iniisip yan kasi naniniwala ako na ang panginoon na ang bahala para sakin siya na ang bahala kung ano ang makukuha kong tagumpay sa huli, i just trust his better plan for me." Nakangiting ani ko.



"Grabe ka hahaha ikaw lang ata yung walang pangarap. Alam mo aiko lahat ng tao may pangarap pero it depends on you of how you achieve your dream." Sabi niya.


"Ikaw?." Balik ko ring tanong sakanya, nakita ko ang pagtingin niya sa kesame na parang nag iisip.




"Ako? simple lang gusto ko makita ang totoo kong mga magulang pero impossible nang matupad ko pa yon." Sabi pa niya.




"Walang impossible angeline gawin mo lang ng makakaya mo malalaman mo rin yan sa huli na every effort has a better result." Sabi ko sakanya.


Akmang mag sasalita pa siya nang biglang bumukas muli ang pinto ang nakita ko don si demonyo.



"Hoy pandak gawan mo nga ako ng assignment." Biglang sabi ni clark kahit kailan talaga napaka demonyo nito.



"Ako nalang-----" Hindi natapos ni angeline ang pag sasalita nang pinutol ko ito.



"No, ako na." Sabi ko at binigyan siya ng ngiting ayos lang.




"Sigurado ka aiko? Pero----" Natigil ulit siya.




"Oo sigurado ako gel, sige na babalik nalang ako mamaya." Sagot ko sakanya nakita ko naman siyang tumango.




Agad din naman akong lumabas sa kwarto ko at pumunta sa isang pinto. Ang kwarto niya.




Pagkapasok ko agad niyang binato sakin lahat ng assigments niya at siya naman nakahiga lang, bwesit.


"Oh ayan sagotan mo yan." Nakangising ani niya.


Inirapan ko nalang siya kahit masakit na talaga yung ulo ko dahil hindi pa naman ako magaling. Sana naman hindi ako mabinat nito.




Passed 12 na pero andito pa rin ako research ng research sa assignments niya at isa na lang tapos na lahat, Nakakapagod grabe.



Ilang oras pa ang lumipas bago matapos ang lahat, tinignan ko ang oras 2:56 na pala ng umaga. Napahawak ako bigla sa ulo ko nang makaramdam ako ng pananakit sa ulo ko.




Maid Of The Three BadBoys (Under Revision) Where stories live. Discover now