Ako? Ako si Vein.
Ako? Ayaw na ayaw ko sa mga mayayabang.Ang yayabang kasi, 'kala mo kung sino.Ang alam ko, marami ding mayabang sa school namin.Pero hindi ko pa sila nakikita ni nakilala.Mabuti na yun, baka araw araw ma-highblood ako.
Teka, bakit ang ingay? Ano kayang mayroon?Artista?Model?
"Huy! Tumabi kayo! Andiyan na sila!"
"Ayy! Oo nga oo nga!hihi!"
Tumaas ang gilid ng labi ko.Nandiyan na sila? Naglakad ako sa gitna para makita yung pinagkakaguluhan nila.Matalim ko silang tinitigan habang dahan dahang naglalakad.
Ah sila ba? Itsura pa lang , ang yayabang na.Pare-pareho silang naka black coat.Naka sumbrero yung dalawa na parang pang mafia, agad din naman nila iyong tinanggal.Pero yung nasa gitna hindi nakasumbrero.Yabang talaga ng itsura.Lalo na yung nasa gitna.Tssk.Kung makapaglakad , wow, feel na feel.Okay lang sana na i-appreciate niya yung pagbibigay daan sa kanila ng mga tao, pero...sobra na! Sobrang yabang.Ang seryoso din ng ekspresyon.Parang kakain ng tao na buhay.Tapos---Oh, tignan mo? Ang talim rin makating---
Napatili ako ng bigla akong mapatid sa isa sa mga tumatalon talon na babae.Mabuti nalang at hindi masyadong malakas ang pagkakatumba ko.Pero--"a-aray.." ang sakit.
"HAHAHAHAHAHA!" Inis kong nilingon yung tumawa ng pagkalakas lakas.Ahh, yung nasa gitna? Sabi na eh! Mayabang siya! May paseryoso seryoso pa siyang nalalaman! Fake lang pala!
"HAHAHAhaha..." Humina yung tawa niya ng mapagtantong siya lang yung tumatawa.Yung dalawa kasi niyang kasama, walang imik! Buti nga! Buti nga! Inayos pa niya yung jacket bago nagpatuloy sa paglalakad.Mas lalo akong nag-init ng hindi man lang ako tulungan! Sa halip, tinalunan niya lang ako.Gano'n din yung ginawa ng mga kasama niya.
I gasped.Hindi ako papayag!
Bago pa sila makalayo ay sinipa ko yung nasa gitna ng dalawang hita nung mayabang na lalaking tumawa.Gusto ko rin sanang tumawa dahil kitang kita ko kung paanong napa 'O' yung bunganga niya at napahawak sa ano.
Nanlilisik ang mga mata niya nang lingunin ako. Tinuro niya ako. "Y-you!"Umupo ako at nagpagpag.Kunwaring napa 'O' din yung labi ko dahil sa gulat. Tinuro ko yung sarili ko. "Hindi ako 'yun!"
Tinuro ko yung paa ko."Ito 'yun oh.Siya yung kausapin mo, wag ako." Tumayo ako tinaasan siya ng kilay. "Wala akong oras makipag bangayan sa isang tulad mong.." tinignan ko siya mula paa pabalik sa ulo niya.Nanatili parin ang kamay niyang nakahawak na halatang sariwa parin yung sakit na nararamdaman niya. " ..mayabang!""Mayabang? Ako?" Tumawa siya na parang wala na yung sakit na kaninang ine-emote niya. "Hindi lang ako.Pati sila!" Tinuro turo pa niya yung dalawa niyang kasama.
"Saka..." pinasingkit niya ang mga mata niya. "Hindi mo ba ako kilala? Hindi mo ba kami kilala? "
Sa halip na sumagot ay tinalikuran ko siya."Hoy! Kinakausap kita!" Tumigil ako sa paglalakad.Mariin akong pumikit at hinarap siya. "Oo, kilala ko kayo!"
Isa isa ko silang tinignan."Hindi ba kayo yung tatlong ipis sa Oggy and the cockroaches?" Itinaas ko ang isa kong kamay.
Napanganga silang lahat kaya napaayos ako sa pagtayo.
"Bakit? Mali ba?""Hindi mo kami kilala?! Kami ang 3G3!" Nag crossed arm silang tatlo at itinaas baba ang mga kilay.
Yak."Bakit naman 3G3? Mas bagay kaya kung siguro yung Power Puff Boys nalang! O baka gusto niyo pang Team Umizoomi?O baka naman Wonder Pets?" Nagtatakha kong tanong.
"3G3."seryoso niya akong tinignan. "Gwapo, gwapo , gwapo. Tatlong gwapo!" Inisa isa niya pa sa 'kin.
Okay lang sana kung gwapo panget gwapo! Kaso, gaya gaya yung mga kasama niya at mukhang mayabang din kaya naiinis na rin ako sa kanila.Huminga ako ng malalim at pumikit. Magtimpi ka, Vein. Baka pumutok 'yang pulso mo!
"Baka naman..." umakto akong nag isip. "Ogags, ogags, ogags!" Inis kong singhal at napapikit sabay iwas ng tingin.Mas naiinis ako kapag nakikita yung mayabang niyang mukha na laging bumubulong ng
Gwapo ako, gwapo ako!"Sumosobra ka na ah!" Dinilaan ko siya at tinalikuran sila.Kaya ayokong makakita ng mga mayayabang eh.Pinapa highblood ako! Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang lakas na ng pintig.
"Humanda ka sa'king pangit ka!" Sigaw niya. I mimicked him. Napatili ulit ako nang bigla akong mapatid sa upuan doon. "HAHAHA! " umawang ang labi ko at napatayo.Nilingon ko sila roon na nagtatawanan na.Wow, gaya gaya lang ba lagi yung role ng dalawa niyang kasama? Biglang sumeryoso yung mga mukha nila at inilagay ang mga kamay sa bulsa bago tumalikod at naglakad.
Teka...Sinadya niya ba 'yun? Parang...parang wala namang upuan kanina doon! Kitang kita ko 'yun! Hindi ba tao yung mayabang na 'yun? Oo, hindi 'yun tao. Bwisit 'yun eh.
Bakit ba lagi nalang akong napapatid ngayon at napapahalik sa sahig? Patid day ko ba ngayon? Crush ba ng labi ko yung sahig? Nawala kasi yung first kiss ko dahil sa sahig na yan!