Kinabukasan,
"Let's see what will be your reaction, mister." Ngumisi si Vein.
Nilingon niya yung halamang may kagat kagat dahil sa enermous centipede. "Cutie patootie.." She snickered."Nandiyan na siya, Good luck, okay?" Saad ni Vein sa centipede sabay tawa." Hahahaha!" Pinalutang niya yung malaking centipede at hinintay na makalapit si Val.
Sumimangot si Val sabay kamot sa pisngi."Asan na ba yung dalawang yun?" Umirap ito at lumilinga linga.
"Saan na kaya yung dugo na yun?"
Sa isip niya. Wala akong magawa, maasar nga si Dugo.Asan na ba kasi 'yung dugo na yun? Bakit wala ang lahat? "Wala si Aki at Gray! Pati ba naman si Dug--HAISHHHH!" humakbang palayo si Val."What the heck? Flying Centipede?!" Asar niyang sigaw.Wala namang lumilipad na centipede! Nagliparan naman mula sa mga puno ang mga ibon dahil sa lakas ng sigaw niya.
"Aishh! D-don't come near me! Aishh! I hate you, centipede!" Naiiyak itong humakbang palayo.
Bumingisngis si Vein habang nakikita ang epic face ni Val.Mukhang bata..hahaha tumawa ito ng walang tunog.Mas inilapit niya pa ang lumulutang na centipede kay Val. "L-lumayo ka sa 'kin!," "N-nasaan ka bang dugo ka---"
Nawala yung lumulutang na centipede at lumabas sa pagkakatago si Vein."Hindi ako dugo!! May pangalan ako! At Vein iyon!"
Napanganga si Val."Ikaw yung...may gaw---"
"Oo! Kitang kita mo na diba?" Asar na saad ni Vein.
Nagiinit ang ulo ni Val na Lumapit Kay Vein at hinawakan ang kwelyo ng damit nito."Sino ka ba sa tingin mo para gawin yon? Ako lang ang pwedeng mang bully sa ating dalawa!!" Napapikit si Vein sa lakas ng hangin sa mukha niya.
Ang lakas naman sumigaw ng mayabang na 'to! Tinulak niya si Val na ikinatigil nito. "Ang baho ng hininga mo, mister;" Napakurap kurap si Val . "O, mouth wash.Para sa 'yo." Inilagay niya ito sa kamay ni Val. "Hoy--"
"Wag mo nang subukang ibalik sa 'kin yan! Binigay ko na yan, bawal mo nang ibalik. Nahawakan mo na yan. Welcome." Naglakad ito palayo.
"Ano!," ibinato niya ang mouth wash. "No way! Hinding hindi ko 'yun palalagpasin, Dugo! Never! Ever! No! Way--aww."
Napahawak siya sa noo ng tumama ang mouth wash na binato niya pabalik sa kaniya. Inis niyang nilingon yung pader at dinampot ang mouth was at malakas na ibinato sa pader.Tumama ito sa pader at biglang tumalsik sa noo niya. "Arrggh!! Pati ba naman Pader taksil? What the hell is going on here?!" Saan ba kasi sila Aki! Pati pader inaaway ako! Pinapanigan din nila yung Dugo na 'yun!
May tumapik sa balikat niya. "Hey bro what's up?" Nilingon niya si Gray.
"What's up, what's uppp.. What's up your face!!" Ungos nito sa mukha niya.
"What's with the face, Val?" Relax na tanong ni Aki na bagong gising dahil wala na itong mata. "Ikaw, tatanungin kita.What's with the eyes--- I mean..where's your tiny eyes?" Asar na saad ni Val.
"Eto naman! Don't change the topic, oy! Grabe makaasar.."ngumuso ito sabay palaki sa mata. "Ashh, lumaki ka!!" Bulong nito.
"Wag mo nang pilitin kung ayaw talaga." Mabilis niya itong binalingan at pinanliitan ng mata. *haha! -ciay_ni *
"Eh ikaw?" Sinuri nito ang mukha ni Val. "Anong nangyari sa noo mo?Ang ganda ah, tabi nga kayo ni Gray." *pak!* "Ashhhhh.." bulong nito.
"Dahil 'to dito!" Itinaas niya at itinuro ang hawak. Napaawang ang bibig ng dalawa. "Mouth wash?" Nagtatakhang tanong ng dalawa.
"Oo! Mouth wash! Pati yung pader! Kasalanan nila ito!" Naiiyak na saad ni Val. "Nagkakampihan sila! Ash, gigibain ko talaga yan!""Ano bang ginawa mo? Hindi ka niyan papatulan kung wala kang ginawa." Gray.
"Binato ko lang naman yung mouth wash na hawak ko diyan sa pader na yan!" Walang gana na saad nito.
"Talaga?" Nakangiting tanong ni Aki. "Sige nga!" Kinuha at binato ni Aki ang mouth wash sa pader. Ginamit niya ang kakayahan para tumalsik ulit ito pabalik at tumama sa ulo ni Val. Tinuro niya si Val sabay tawa. "Hahaha! Oo nga 'no!" Tatawa tawang pumalakpak si Aki.
*pak!*
"Ashhhhh" bumusangot ang mukha nito.
"Hahahaha!" Tumatawa na tinuro pa ni Gray si Aki. "Epic yung mukha mo---" *poink!* "Aw" seryosong saad ni Gray.
Malakas na tumawa si Val. "H-hindi ko alam na may lahi kang aso! Hahaha!" Pumikit at napahawak pa sa tiyan si Val habang tumatawa.
*pok!* "HOYYY!""O, Ba't galit ka kagad?" Natatawang saad ng dalawa na nagtatawanan habang pasimpleng tumatakbo palayo.