Sa sobrang init ng ulo ni Vein no'ng recess, nagtuloy tuloy na ito hanggang uwian.Gaya nga ng nasabi, highblood siya sa mga mayayabang.Kaya no'ng uwian,Bumili nalang siya ng Ice cream.
Ice cream is the best remedy for her hypertension, ika nga niya.Dila lang siya ng dila sa ice cream.Wala siyang pake sa mga nakakakita sa kaniya at pinagiisipan siyang isip bata.
Mga inggit lang sila. Sa isip niya.Nakaupo sila Val sa upuan malapit sa may gate.Napahikab siya at napalingon sa babaeng kumakain ng Ice cream.He smirked. Tss, isip bata. Natigilan siya at biglang napalingon ulit sa babae. His Jaw dropped. Bigla siyang napangisi sa naisip. "Mapagtrip-an nga.." bulong niya. "Psst, Aki, Gray! " Tawag niya sa mga kaibigang nakapikit.
"Hmm?" Walang ganang sagot ng dalawa. "Magpanggap kayong naaantok!" Bulong ni Val."Bakit kami magpapanggap!" Inis na saad ni Aki. "Naaantok naman talaga kami! Hindi ba halata?" Si Gray. Napangiwi siya. "T-tss, makisakay nalang kayo sa trip, okay!" Umirap siya sa hangin at nilingon si Vein na walang pakielam sa mga tao sa mundo.
Hinintay siya ni Val na makalapit.Maya maya, napasimangot si Val. "Ang bagal namang maglakad ng babaeng yan!" Bulong niya habang pinapanood si Vein na padila dila sa Ice cream. Nanlaki ang mga mata niya.Namula ang buo niyang mukha at umiwas ng tingin.
"Hmm, alam ko yung iniisip mo.." nilingon niya yung nakapikit na si Gray. "Alam ko rin! Were even!" Inis niyang sagot. Namumula ang buong mukha ni Val hanggang sa leeg dahil sa sinabi ni Aki. "Green Minded.."Nilingon niya si Vein gamit ang gilid ng mga mata. May naisip siya, "ahh!" Bulong niya. Kinontrol niya ang Ice cream ni Vein para hindi agad ito maubos. Ngisi ngisi siya ng medyo malapit na sa kaniya si Vein. Inayos niya ang buhok niya at humikab para mukhang naiiyak.
Lumingon siya kay Vein at kunwaring humikab.Napapikit si Vein nang may NAKADANGGI sa kamay niya dahilan kaya 'di sinasadya niyang naitapon at naidikit sa mukha ang Ice cream na kinakain.Napaawang ang labi niya ng idilat niya ang mga mata niya.
Hindi alam ni Val pero bigla siyang kinabahan. "A-ahhy?" Saad niya.
Hindi umimik si Vien dahil nag uumpisa nanamang mang init ang mukha niya hanggang ulo.Unti unti ring bumilis ang tibok ng puso niya."O-oh, gutom na gutom ka ba?"
Mariing pumikit si Vein at pilit na pinapakalma ang sarili. "Pati mukha mo kumakain," seryosong saad ni Val. "Hoy kinakausap kita!"
Hindi na napigilan ni Vein ay sumigaw na siya para ilabas ang galit. "ARGHHHHHHHHHHHH!!!!!!"Napatalon yung dalawang natutulog dahil sa gulat.
"Ahh!!" Sabay na tili ng dalawa.
Nahulog naman mula sa upuan si Val. Napahawak ito sa dibdib. "Babae ka ba talaga?!" Inis nitong sigaw. Napanganga siya sa mukha nitong sobrang pula na may Ice cream pero unti unting nawawala ang ice cream na nakakalat sa mukha nito. He gasped. Napanganga din sina Aki at Gray.Pilit na pinapalaki ni Aki ang kaniyang mga mata pero hindi siya nagtagumpay. Mas namula yung mga mukha ni Gray na lagi namang namumula."Naiinis na ako sa 'yo!" Singhal ni Vein na namumula na sa galit pati na rin ang lens nito ay medyo red na. He snickered. "Ha! Halata nga!"
Lumingon ito sa kamay niyang nadumihan. "Hindi na ako nagtakha.." umirap ito at tumayo sabay pagpag ng kamay. Nagasgasan yung pogi kong kamay! Tinignan niya ang sapatos niya.
Umawang ang labi niya. "Nakakainis naman!" Umirap ito bago nilingon si Ve--- nalaglag ang panga niya. "A-asan na yung babaeng 'yun?" Naiinis niyang bulong."Nag teleport siya, Val!" Nanlalaki ang mga matang saad ni Aki-- wala palang nagbago sa mga mata nito.
Tumawa si Val. "Nag teleport? Ano siya, Immortal? Hahaha!" Napapikit ito sa kaba."Seryoso kami, Val!" Nilingon niya ang dalawang kaibigan. 'Lagi naman kayong seryoso! Hindi na ako nagulat!' Sa isip ni Val. Bakit biglang nawala 'yun si Dugo? Tsss
"Kitang kita ng dalawang malaki kong mata!" Inis nang saad ni Aki.
Bakit ba ayaw nitong maniwala? Sa isip ni Aki. "Huwag na huwag mo akong niloloko! Unang una, wala kang mata! Pangalawa, kung may mata ka man nga talaga, hindi iyan malaki!" Ngumuso si Aki at napairap."Seryoso kami, Val. Kitang kita namin kung paano biglang nawala sa paningin namin si Vein!"
"Wag mo siyang tawaging Vein! Dugo ang itawag niyo sa kaniya!"
"Wag kang masyadong childish, Val.Seryoso kami," umawang ang labi ni Val nang biglang dumilim ang paligid at kumidlat. Pinasingkit niya ang mata at gumawa ng ilusyon na pagkalakas lakas na hangin, Nanatili namang nakatayo ng diretso sina Aki at Gray habang seryosong nakatingin sa kaniya. Napangiwi siya at umiwas ng tingin, dahilan kaya bumalik sa dati ang paligid.
"Tama na ang ilusyon, okay? B-baka Katulad niyo rin siya ah! Sunduin pa ako no'n..." bumuntong hininga si Val at pinaikot ang mga mata.