Chapter Three

0 0 0
                                    

"Haishh, ang lagkit naman.." nakangusong saad ni Vein habang pahawak hawak sa pisngi niya.Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha. "Ang yabang talaga nu'n." Saad niya at naglagay ng sabon sa mukha.Pumikit siya at bumukas ang gripo.Hinugasan niya ng maigi ang mukha niya at kiniskis pa dahil sa inis niya. Napairap siya at kumuha ng towel.
Kusang nagsara ang gripo.




"Mapagtimpi akong tao, Mr. Boastful. But I'm cantankerous girl pagdating sa 'yo. " bulong niya at nagisip ng gagawin. I'm egocentricity so...siguro... aha!  "I'm going to navel-gaze!" She smirked. Biglang kumunot ang noo niya. "Hmm,"
Pumikit siya. I like to watch telly whilst eating a popcorn! "Tamang tama, gutom na ako! " Sigaw niya sabay labas sa CR.






"Bakit mo ba kasi ginawa 'yun?" Nagtatakhang saad ni Gray nang ikuwento ni Vala ang ginawa kay Vein."Ang saya kaya, try mo." Humikab si Val at humiga sa kama.
"Saya?" Binatukan siya ni Aki. "Aray! Bakit mo ginawa 'yun?" Naiinis na saad sabay hilot sa noo ni Val. "Ano, masaya ba?"



"Hindi! Masakit!"


"Siguradong ganiyan din yung naramdaman niya."



"We? Lamig lamig non, baka nga nag enjoy pa siya." Bumuga siya ng hangin. Pasalamat siya, sa isip niya.
"You really enjoy bullying her?"



"Oo, ngayon lang ako nag ka interest sa babae na asarin."
He grinned. Siga din yung babaeng 'yun! Sa isip niya. "Nagkainterest na mang asar, o magpapansin?" Umawang ang labi niya at nilingon si Gray.


"Ako? Magpapapansin sa tulad niyang---" umawang lalo ang labi niya ng may maisip na plano.
Dali dali siyang umupo at pumalakpak. "Hahaha, Salamat sa clue!" He giggled and continue clapping.

"Ano nanaman iyang Plano mo?"
Kinakabahang tanong ni Aki.Alam na nilang dalawa yung tawa ni Val kapag may plano. Tumayo ito sa harap nila. "Like what you've said, Magpapansin ako sa kaniya--aasarin ko siya I mean.At dahil doon, lagi na niya akong mapapansin..." ngumisi ito.Natigil sa paghinga ang dalawa.


"S-so, what's your point, Val?" Gray.



Nagkaroon ng papel sa kamay ni Val."I will make her fall hard for me.And after that.." He crumpled the paper and throw it in a careless way.  "...I will just dumped her like nothing happen.Like I didn't know her, Like I didn't broke her heart..."
Aki and Gray's jaw dropped.
"Ang galing ko 'di ba?" He wiggled his eyebrows. Walang umimik ni isa man sa dalawa.


"Alam ko, alam ko.Silence means yes."




"Korni, imposibleng magustuhan ka no'n! Magagalit pa yun sa 'yo habang buhay."




"I'll make her suicidal..suicidal when I say..It's over!" He said in a singsong tone. Crazy sa isip nilang dalawa at umiling iling.
Nakangusong nilingon sila ni Val at sinamaan ng tingin. Don't call me Crazy, just call me Mentally hilarious. Saad nito sa isip at malakas na tumawa.





Kinabukasan, nakasimangot na pumasok si Vein."Good morning," nilingon niya yung nagsalita. "Walang good sa morning kung umagang umaga, ikaw agad yung makikita ng 'sanlibo kong mata."




"Hoy!" Sigaw ni Val ng talikuran siya ni Vein. May humawak sa balikat niya at tumapik. "Oh, ano?"
Tinabig niya ang kamay ni Aki.
"Pwede ba, kung wala kayong maitutulong, tumahimik nalang kayo.Naiinis na ako," nakangusong saad ni Val at umirap.



Umagang umaga, nagdidilim yung paligid ko. Sa isip ni Vein. "Oh, bakit busangot yang mukha mo?" Tanong nung katabi niya. "Kasi masaya ako." Seryosong saad ni Vein. "Ha--"



"Bakit? May problema?"


"T-tss, halata nga." Saad nung katabi niya at tumahimik nalang.
"Sungit naman.." bulong ng katabi niya.





"Hoy," sigang tawag sa kaniya ni Val. Kumuha siya ng papel at nagsulat. "Hoy, tinatawag kita!" Mabilis niya itong pinunit at binilog sabay bato sa mukha ni Val.Saktong na-shoot ito sa bunganga niya.Mabilis niya itong dinura "H-hoy! Bakit ka nambabato!" Shooter pala 'tong dugo na 'to. Sa isip niya.Umirap siya habang namumula."Pasalamat ka, babae ka! Hindi ako pumapatol sa babae!"

"Pumapatol ako sa bata!" Sagot din ni Vein.Umawang yung labi ni Val.
"H-hindi  ako bata!" She shrugged.

"Okay, sabi mo eh." Akmang magsasalita pa si Val pero pinigilan niya iyon. tsss , umikot ang itim sa mga mata niya.




Lunch, walang ibang magawa si Vein.Kanina pa siya kumain eh.Naglalakad lakad siya nang mapalingon sa tatlo na nakatutok ang mga mata sa cellphone.
Siguro, naglalaro. Sa isip niya.
"Hmm, parang ang sayang tumakbo!" She grinned. Hinila niya yung dalawang babae na kaklase niya."Uy, laro tayo ng Follow the leader!" Aya niya dito. Pumayag kayo, pumayag kayo please!


"Ha? Ayo---sige ba!" Sagot nung isa.
Tumango tango yung isa."Basta gagayahin niyo lang yung gagawin ko ha? Dapat susundan niyo  din ako.Gets?"


"Oo, oo!"



"Game!" Nagsimula nang tumakbo si Vein habang sinusundan siya ng dalawa.Nang malapit na sa tatlo, ay inapak apakan niya ang mga sapatos nito. Yes ye! Ginaya siya ng dalawa na inapak apakan din ang mga sapatos ng 3G3.



Napaawang ang bunganga ng tatlo at nabitawan ang hawak na mga cellphone. "Anong---anong nangyari sa gwapo kong sapatos!" Sigaw ni Val. Nilingon niya yung mga tumatakbo . Nakita niya sina Vein kasama ang iba nitong mga kaklase. "Uy, sali rin kami!" Saad ng Iba kila Vein. Bumalik sina Vein sa kanila at inapak apakan ulit ang mga sapatos nito. Sunod sunod ang mga umapak sa mga sapatos nila at wala silang nagawa kundi ang ngumanga.




"H-hoy dugo!!" Inis na inis na sigaw ni Val at tumayo."Grabe, Val, nadadamay kami sa kagasuhan mo!" Nakangusong saad ni Aki habang pinapagpag ang sapatos.



"NANANAHIMIK KAMI DITO!" Malakas na sigaw ni Val dahil sa galit.

"Nananahimik ba yung sigaw ng sigaw?" Napaawang ang labi niya nang may marinig siya sa isip niya.
"An-anong---" napatakip sa bunganga si Val. Nilingon niya ang dalawa, Narinig ko ang boses ni Dugo sa isip ko!










Hindi siya pinansin ng dalawa na nakasimangot habang pinapagpag parin ang mga sapatos. Binulsa nila yung mga cellphone nila.
"Bahala ka diyan!"










Immortal EnemyWhere stories live. Discover now