Chapter One

0 0 0
                                    

Napairap si Vein ng tumunog yung bell.Ayan nanaman kasi yung mayayabang na biglang mangunguna sa paglabas sa pinto.
Parang mga bata lang, na takot maubusan ng pagkain!  Andami dami kayang pagkain sa canteen! Sa isip ni Vein na nakangusong pumunta sa canteen.

Agad na hinanap ng mga mata niya ang pancakes.Halos manlumo siya ng makitang isa nalang ang natira.Agad agad! Mabilis siyang pumili roon.

Ng makita ni Val na tumakbo sa pila si Vein ay agad din siyang tumakbo para maunahan ito.Sumunod naman ang dalawa niyang kasama. "Ate, pabili pong pan---"

"Pancake please." Saad nito sabay abot ng pera at hablot sa isang pancake na natira.Inis siyang nilingon ni Vein."Nauna ako sa pagbili niyan!"

"Nauna ako sa pagkuha." Mayabang at seryosong saad ni Val. "Nauna ako sa pagpila!"
Napalunok si Val at nagisip ng sasabihin.Aba, hindi siya magpapatalo ano! "Nauna ako sa pagbayad.Nauna ako sa pagsasalita kung ano yung bibilhin ko." Tuloy tuloy na saad niya.

Kinalabit siya ni Aki.Ang walang mata sa kanilang tatlo. "Val, 'di ba 'di ka kumakain niyan?" Umawang ang labi ni Val sa sinabi ng kaibigan.Bakit ba ang daldal nito?
"Oo nga!" Seryoso ring saad ni Gray, yung parang laging kinikilig.
Isa pa! "Tumahimik kayo diyan! Kailan pa ako hindi kumain nito?"
Itinaas niya ang pancake at nilingon si Vein na ang sama sama ng tingin sa kaniya habang bumibili.

"Dati pa uy!" Sabay na saad nina Gray at Aki. "Tsss! Bakit? Hindi ba pwedeng tumikim nito? Malay niyo, magustuhan ko na!" Ibinaba niya ang plastic at kinagatan ito.Pinanood siya ng seryoso ng dalawang kaibigan.

"Ano, nagustuhan mo na ba?" Saad ni Aki habang nakataas ang kilay.
Ngumuya konti si Val at agad na natigilan. "T-tubig!" Inilahad nito ang kamay na agad ding inabutan ng tubig ni Aki. Mabilis niya itong bunuksan at nilagok. Umasim ang mukha niya. "Ang panget ng lasa! Masyadong matamis!"

"Mas matamis parin yung chocolate!" Giit ni Gray.

"Ah basta! Hindi naman masarap yung pancake! Bakit kaya naging paborito 'yun ng isa diyan? " Pagpaparinig niyang saad at nilingon si Vein na hindi siya pinansin. "Hoy! Kinakausap kita!" Hinawakan niya ang braso nito.
"Bakit mo paborito 'yung pancake? Hindi naman kasi masarap! "
Tinaasan ni Vein ng kilay si Val.

"Siguro...mga mahihirap lang yung nasasarapan do'n!" Mapang asar na sigaw ni Val kaya naman nilingon siya ng ibang mga bumibili roon. "Bakit? Totoo naman ah!" Depensa ni Val at umiwas ng tingin.

"Eh yung isa kasi diyan, WALANG dila! Kaya wala kang malasahan!"
Tinaasan niya ng labi si Vein.
"Anong tingin mo sa 'kin? Ngo ngo? Sa gwapo kong 'to?" Tinuro niya ang sarili na parang hindi makapaniwala. "Wala ka bang mata? "

"ANO?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vein na ngayo'y nagdarasal na sa isip na sana hindi pumutok ang kaniyang pulso.Medyo lumapit siya kay Val.
"Kitang kita ko ngang may unggoy akong kaharap!"


"Argh! You're so irritating!"

"And you are disgusting! " sagot ni Vein. Matalim siyang tinitigan ni Val. "You. Are. Aggravating!"

Siningkitan siya ng mata ni Vein.
"You are abnoxious!"

"You're so vexing! " he tilted his head.Nanghahamon ha?
"You are horrid." Nakangising saad ni Vein.

"You know what? You are exasperating! "

She sighed. Mas inilapit pa niya ang mukha kay Val.Natigilan si Val at nanlaki ang mata. "You are ugly!" Seryoso niyang saad. Nanatiling nakanganga si Val.

"Huy Val!" Biglang may sumapok sa kaniya kaya biglang natauhan si Val. "O, bakit natigilan ka? Na realize mo yung sinabi ko?" Bumilis ang tibok ng puso ni Val dahil sa kaba.

"Hindi, ang baho ng hininga mo."
Seryosong saad ni Val at inilagay ang mga kamay sa bulsa.
"Let's go," napakurap kurap si Vein habang pinapanood ang paalis na sila Val. "Mabaho daw yung hininga ko?" Bulong niya sabay buga ng hininga sa kamay. Hindi naman ah, sinungaling talaga yung mayabang na yun!

Ngumuso siya.Nagtakha si Vein nang tumigil sa paglalakad sila Val at biglang naglakad palapit sa kaniya. "Oh, kakailanganin mo 'to.YOU are welcome," Ngumisi siya bago naglakad ulit paalis.
Kumunot ang noo ni Vein at binasa ang hawak niya.

"Mouth wash?!" Malakas niyang basa dito.Wala siyang pake kung pinagtitinginan na siya ng mga tao roon.Nag init ang ulo niya at ibinato ang mouth wash kay Val. Saktong tumama ito sa ulo niya kaya napayuko ito.

"Ishhh.."naiinis niyang bulong sabay padyak padyak na naglakad palabas. "Oh, karma?" Tanong ni Aki. Binatukan siya ni Val. "Sige, mang asar ka pa!" Asar na saad ni Val habang hinihilot ang ulo.

"Concern lang naman siya!" Seryosong sabat ni Gray.
"Oo nga, tinatanong ko nga kung nakarma ka?"

"Bakit naman ako makakarma?" Nang aasar na saad ni Val. Baka may bukol na yung gwapo kong ulo. Sa isip niya. "Dahil kasi sa ginawa mo dun sa babae!"

"Nakita mo pa 'yun? Eh wala ka na ngang mata!" Saad niya. "Saka, Vein ang pangalan nu'n! Dugo for short!" Hinihingal na sagot ni Val.

"Wait a minute, bakit alam mo? Ini-stalk mo?" Tumaas-baba ang kilay ni Aki. "Yii!" Seryosong saad ni Gray.

"Ewan ko sa inyo!"



"Makarma ka sana ulit," nakangusong bulong ni Aki.
"Oo nga," bulong rin ni Gray.









Naiiyak silang nilingon ni Val. "Mga kaibigan ko ba talaga kayo?"
















Immortal EnemyWhere stories live. Discover now