"Hoy!-"
Tinanggal ni Vein ang headset at inunahan na si Val. "Ano nanaman? Guguluhin mo nanaman yung araw ko?"
Malakas na humagalpak ng tawa si Val sabay palakpak.
"Haha! Buti alam mo!" Sumama ang tingin ni Vein sa kaniya. Nagbulungan sina Aki at Gray na nasa likod nila.
*
"Okay na kayo ni Val?" Mahinang bulong ni Aki.
"Hindi naman kami nag away."
"Eh ano pala yung kahapon?"
"Nagsigawan lang 'yun. Ayun naman yung way natin sa paglalambingan."
"Kadiri ka, 'tol" tinapik nito ang balikat ni Gray.Mabilis naman itong tinabig ni Gray.
"May sasabihin ka pa?"
"Anong palang nangyari kahapon? "
"Alam mo, chismoso ka."
Ngumuso si Aki."Nagtatanong lang! Tanong tanong ka diyan tapos mang aasar lang pala."
"Bakit ka nagtatanong?"
"Nakatulog kasi ako.Hindi ako na update."
"Ah, ikaw pala. " tumango tango ito. "Ikaw pala yung dahilan?"
Kumunot ang noo ni Aki. "Ha?"
"Kaya pala may laway laway sa kama ni Val. Patay ka."
Natakot ang mukha ni Aki at nanlaki ang mga mata. "Grabe ka!"
.
"Hoy!" Nilingon nila si Val nakasimangot.
"Asaan na si Vein?"
"Bakit niyo ba hinahanap yung dugo na 'yun? Tara na nga!" Umikot ang mga mata ni Val at naglakad.
BADTRIP na naglalakad si Vein papunta sa room nito. "Mabuti nalang at tinalikuran ko siya." Kaso makikita ko pa rin naman siya sa room. Sumimangot siya. "Bakit ba lagi nalang yung nakakainis na mukha niya ang nakikita ko sa buong araw? Yung VALiw na yun.." she murmurs and rolled her eyes for the second time.
"Hoy" walang ganang dumako ang mga mata niya sa nagsalita. Tinaasan niya ito ng kilay. Umawang ang labi ni Val. "Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Bakit? Anong sasabihin ko?"
"Bakit hindi mo alam?" Iritadong tanong ni Val na kunot-noo na.
"Baka alam mo, paturo naman?"
May bahid ng pang aasar na saad ni Vein. Umayos ng tayo si Val mula sa pagkakasandal at inungusan siya.
Naglakad ito at nilagpasan siya. Talagang binangga siya ni Val sa balikat at may nalalaman pang "Tabi nga!" Harang harang sa daan! Sa isip ni Val."Harang harang, eh ang luwag luwag ng daan? Anong piling mo mataba ka?" Sigaw ni Vein habang nakatalikod at patuloy sa paglalakad si Val .
"Nye nye.." tinakpan ni Val ang tenga
At umirap irap pa sabay taas ng itim sa mga mata."Arghh!" Pigilan niyo 'ko, pigilan niyo 'ko!
"Tss bakit ba ang ingay mo?" Umungos si Val sabay binalingan ng tingin si Vein na parang may sinusuri.
"Pervert!"
Umawang ang labi ni Val. "Yayy... pinagnanasaan mo pala yan!" Tinulak tulak siya ni Aki at pinagtaasan ng kilay.Nanatiling nakanganga si Val. Nagkataong may lumilipad na lamok at pumasok sa bunganga niya.
"Yakk!" Sigaw ni Gray at hinampas siya sa likod.
Namula ang buong mukha ni Val ng marealize.
"ANO!"
"Bastos!" Hinampas siya ni Vein ng hawak nitong notebook.
"A-ANO BA! ASHHH!" Mas lalong namula si Val. "Tumigil ka nga! Kayo, pasimuno! Ashh!"
Mariing pumikit si Val. He turn his back and walk. He stamped his feet and clenched his fist.
"Bahala kayo diyan.Tss."
Parang batang saad ni Val habang namumula parin.Nanlaki ang mga mata nina Aki at Gray. "Teka! Wait!" Nag uunahan silang Tumakbo.Nagtutulakan pa nga kung sasabihin."Hoy! Nauna ako sa'yo! Wag mo akong unahan!"
"Nauna ako! Kahit tanungin mo pa si Vein! " saad ni Aki.
"Vein? Totoo ba?"
"Hindi."
"Oh, kitams? "
"Pahamak ka talaga Vein! Huwag mo na akong kausapin!"
Hindi ko naman siya kinakausap. Sa isip ni Vein.
Mabilis silang lumiko at sinundan si Val sa kung saan.
She rolled her eyes.