"Para saan naman 'yan? Teka...ano yan?" Tumigil sa pagsusulat si Val.
"Love letter.Para kay Dugo--""WOAH!" Binatok batukan siya ni Aki at Gray."Hindi mo naman sinabi na gusto mo talaga siya eh! Sabagay, maganda naman---"
"Tumigil ka diyan!" Namula si Val.
"Oh, selos agad?" Natatawang saas ni Aki."Love letter nga 'to.Pero ilalagay ko...from Tata PatPat!" Tumawa ng tumawa si Val.Natigilan yung dalawa. "Pati ba naman si Tata idadamay mo? Ano, binebenta mo na siya sa iba?" Inis na saad ni Aki.
"May point ka!"
"Kung ganoon, sa akin nalang siya!" Biro ni Aki, kumindat ito kay Gray.
"Hindi, akin siya!""Akin nga! Nauna ako!" Giit ni Aki sabay lingon kay Val."Wala sa inyong dalawa ang makakukuha sa kaniya! Akin lang siya!" Sigaw ni Val. Napa 'O' ang mga bunganga ni Aki at Gray. "Ohhh, okay." They grinned.
"I-ibig kong sabihin, a-ako lang ang pwedeng mang asar sa kaniya.Ako lang yung pwedeng magpapansin sa kaniya!" Namumula saad ni Val at nagpatuloy sa pagsusulat.
"Ayaw nga namin." Pang aasar nila at Nag cellphone nalang.
Aki:
Akin lang siya ha? Hahahaha
Gray:
Akin kaya! Ba'la ka diyan! Hmpp! Ahhahaha
Nilingon nila si Val na sobrang seryoso ng mukha at masyadong seryoso sa pagsusulat.
Gray:
Seryoso si Boss.
Aki:
Oo nga, pa ipot lang.
Gray:
Oo, paipot! Ahhahaha!
Aki:
Nagkamali lang ng spell!
Inis na binalingan ni Aki si Gray na tumatawa sa isip.Naririndi na siya sa tawa nito kahit sa isip lang nila.
"Wag nga kayong magtawanan diyan! Ang ingay!" Singhal ni Val."Oo nga, kitang seryoso si luver boy sa pagsusulat!" Pagpaparinig ni Aki kay Gray. "Anong luver boy? Baka lover boy!"
"Version ko 'yun eh! Saka...teka..Tama ba iyong narinig ko Gray?" Tumango si Gray. "Tamang tama!"
Ngumisi si Aki. "Are you thinking what I'm thinking B1?"
"Yes I am B2!" They winked at each other. Takte.sa isip ni Val at umirap.
Kiligin ka sana dito, Dugo.Hahahaha! Ngumiti ito ng abot tenga."SINONG NAGLAGAY NITO?!" Sigaw ni Vein. "Bakit ba andaming pakielamera at pakielamero?! Haishh!" Napahilamos ito sa mukha at kinuha ang papel sabay shoot sa malapit na basurahan.
Napaawang ang labi ni Val. "What the..." napahalakhak ng pagkalakas lakas sina Gray at Aki sabay tapik sa likod nito. "Congrats bro! Hahaha" binatukan sila ni Val sa noo. "Aray! 'Banaman!" Sigaw ni Aki."Pinaghirapan ko yan! Hoy!" Nanggigigil na saad ni Val.
"Bwisit na dugo!""Dapat kasi...personal mong ibinigay! Banaman, itsura pa lang, alam nang basura!" Sigaw ni Aki sa mukha ni Val. Ngumuso si Val. "Mga taksil!" Singhal ni Val.
"Kaibigan ko ba talaga kayo?O biro biro lang?" Naiiyak na tumalikod si Val para puntahan yung basurahan.
Hinalukay niya yung basurahan
para hanapin yung papel."Oh, 'di mo sinabing mangangalakal ka na? Hoy, pre! Architect yung kurso mo! Ta's ngayon, basurero pala ang tapos mo?" Asar ni Gray.
"Basurero, oh eto pa!" Binato ni Aki yung balat ng bubble gum. "Pakitapon, hehe." He glared at him.
"I hate you all!" Saad ni Val.Pumitik lang siya ng daliri, hawak na nito ang papel. "Hay! Ang dumi na! Ang panget mo na!" Singhal ni Val sa papel at naglakad."Kawawa naman yung papel, nasisi pa, " umiling si Gray.
"Wow, ang kintab naman niyan--- yayks! Kadiri ano yan!" Dumura si Aki. "Hindi mo ba nakikita , Aki? Flower yan o, flower!" Seryosong saad ni Gray.
"Ah, flower ba yan? Kala ko damo."
"Bulag talaga.." saad ni Val habang patuloy sa pagkukulay."Hindi ka ba naturuan kung paano magkulay? Huy, isang direction lang dapat!" Giit ni Aki.
*click!* "Ya'n...labas dila habang nagkukulay..Ma send nga kila Tita .." kinuha ni Gray ang picture. "HAHAHA!"
"H-hoy! Akin na yan! " inabot ni Val ang picture. "Bleh!" Sabay takbo ng dalawa. Seryosong tinitigan ni Val ang pinto. "Ay takteee!!" Tili nila Aki at Gray ng biglang lumiyab ang pinto. "What the fudge men!"
Lumipad ang litrato papunta kay Val. "Ye--- Ahhhh!!" Umawang ang labi ni Val nang makita yung nasa litrato."Bakit unggoy 'to!" Naiiyak na saad ni Val. "Inaasahan ko pa namang bubungad sa akin yung gwapo kong mukha.."
"Ayan talaga yung napicturan namin.Natural face mo yan hoy!" Natatawang saad ni Aki.
"KING KONG!" Umaktong unggoy yung dalawa sabay tawa.He gasped loudly. Bigla itong umapoy sa galit. "YOU TWO!! GET OUT!" Tumayo si Val at hinabol ang dalawa na dali daling tumakbo pababa ng hagdan. Nilingon siya ni Aki."Ahahha----" biglang natapilok sk Aki dahilan kaya gumulong gulong siya pababa.Tinuro siya ni Gray. "HAHAHA---" nadapa at gumulong din pabagsak kay Aki si Gray.
"Yan kase! Mwehe----" tumalsik pabagsak si Val sa sahig. "A-ray..Ang daya niyo naman!"
"Hahaha! So hard!" Asar nila at dumila. "Hoy!" Tumayo si Val. "Baka nakakalimutan niyo, may kasalanan pa kayo!" Nanlaki ang mga mata nila at biglang isinuot ang itim nilang sumbrero. "Sibat na tayo!" Hinila ni Aki si Gray.
"Sige!--" natigilan si Aki. "Teka.." sinuri ni Aki yung mukha ni Gray. "Ang gwapo mo pre!" Natutuwang saad niya.
"Ang gwapo mo rin, pre!" Masayang saad din ni Gray habang namumula.Palagi naman. "Mas gwapo ako!" Nilingon nila si Val. "Tandaan niyo, hindi kayo magiging gwapo kung wala ako! Ako yung source of handsomeness niyong dalawa.Kaya asahan niyo na kapag nawala ako, no handsome in the world!"
Bigla nalang silang nilipad ng hangin.